Chapter 31

823 50 46
                                    

Vice's P.O.V

*NAKARAAN*

"Boogggshh"

(SOUND EFFECT KASI YAN!) HAHAHHA

Nanginginig akong lumapit sa pinanggagalingan ng tunog na iyon. May nakita akong bat sa may gilid kaya kinuha ko na rin ito. Pang protekta lang kung sakali.

Dahan dahan kong binuksan ang pintuan, nag iingat sa mga galaw na ginagawa ko.

Naglakad ako papalapit sa kama habang mahigpit parin ang hawak sa bat.

Out of nowhere ay may biglang sumulpot sa may likuran ko.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong nito saakin.

"Aaaahhhhhh!" Sigaw ko habang patuloy parin syang pinaghahamapas.

"Aray Vice! Ano ba!" Napatigil naman ako ng marinig ko ang pangalan ko. Kilala nya ako?

Binuksan nya ang ilaw sa may CR at tyaka ko lang nakumpirma kung sino ito.

"Ion?"

*END OF THE NAKARAAN*🤣

"Bakit ka andito sa condo ko?" Masungit nitong sabi

"First of all hindi ko alam na condo mo 'to. At para lang din sa kaalaman mo I was force to go here. Maswerte ka nga at nalaman ko agad na condo mo ito kundi baka kanina ko pa nasunog 'to"

"Aysus di nalang aminin na miss na nya ako" aba feeling talaga sya. Apaka kapal ng mukha porket alam nyang gwapo sya. Tsk.

"Tingnan mo di ka makasagot. Don't worry babe miss na din naman kita kahit wala pang isang araw tayo nagkakahiwalay" dagdag pa nito na syang kinainis ko. Apaka talaga!

"Daming sabi! Bakit di ko na lang kaya ako tulungan makalabas dito no? Para naman matahimik na ulit ang buhay ko" sabi ko rito at nagsimula ng lumabas ng kwarto nya.

"Paano kung ayaw ko?" Mapaghamon nitong sabi.

"Oh eh di ikaw kawawa rito"

"Ha? Paanong magiging kawawa eh naeenjoy nga ako na kasama ka"

"Nag eenjoy na kasama o naeenjoy na bwisitin?"

"Syempre nag eenjoy na bwisitin" ngiting ngiti nyang sagot.

Kapag ako talaga nainis na dito tingnan nyo tulog to.

"Pati wala ka na namang magagawa. Kasi nga, iisa lang naman ang key na meron itong condo na ito. At sobrang malas mo kasi naiwan ko pa yun kay Manong kahapon"

"Sinasabi ko na nga ba kasama ka dito sa pakulo na ito! Lumayo ka saakin baka mapatay kita ng wala sa oras!" Gigil na sabi ko.

"Hoi Viceral wala akong kinalaman dito. Nagtext lang saakin si Manong kanina kaya alam ko na nasa kanya yung key card"

"So sa makatuwid gusto nila na dito muna ako tumira ng ilang araw. Aba napakatindi!" Napaupo na lang ako sa sofa at napahilot sa sentido.

Iritang irita ako sa kagaguhan na pinapagawa ng magaling kong tatay. Mas mabubuhay ako ng matagal kung mag isa lang ako o di kaya kasama ang mga kaibigan ko. Pero dito sa kasama ko ngayon. Nako jusko!

Mrs. PerezWhere stories live. Discover now