Chapter 7

839 34 7
                                    

Buern's P.O.V

(Ay sosyal may p.o.v din si mama B🤣!)

Iniisip ko ng mabuti yung pinayo sakin ni Vice. Siguro nga oras na rin para sa sarili ko. Ilang taon na din naman akong nagtiis na maging lalaki pero kahit anong gawin ko binabagabag parin ako kasi nga hindi naman talaga ako ganun.

Kung nagtataka kayo kung papaano kami naging magkaibigan ni Vice. Ganito kasi yan......

*Flashback*

Nagkayayaan ang mga kaibigan kong magbar since day off naman naming lahat. Todo chika kami, todo walwal kami nung gabing yun. Pero maya maya lamang ay may narinig kaming ingay sa dance floor. Nacurious kami kung anong meron. Pagkita namin ingay pala yun ng nagkakagulo. Sumilip kami at nakita namin isang lalaki hawak hawak sa bewang ang babae habang pinipilit na makasugod dun sa isa pang babae. Tinitigan ko yung susugurin nung babae at nasense kong hindi babae yun kundi binabae. Narinig ko naman ang alitan nila.

"Ano bang problema mo?" Sigaw nung babae habang pinipilit parin makawala sa bisig nung jowa nya ata

"Ako ba talaga yung may problema o ikaw?" Lakas loob namang sabi nung isa

"Malandi ka!" Sigaw parin nung babae

"FYI lang miss, hindi ako malandi. Yung jowa mo yung malandi. Sya tong lapit ng lapit sakin. Kasalanan ko bang masyado akong lapitin? Bago ka kasi magbitaw ng salita siguraduhin mong tama. At payo ko lang din sayo huwag kang masyadong magtiwala sa katulad nya. Tingnan mo wala pang ilang minuto kayong naghihiwalay may iba na agad na gustong tikman na putahe. Gh0rl wake up!" Pagkasabi nung binabae bago tapunan ng alak yung babae.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isipan ko pero bigla ko syang sinundan.

"Bakit ka ba sunod ng sunod?" Tanong nito habang nakatalikod

"Di ko din alam" totoo kong sabi

"Bumalik ka na sa loob tapos na yung show" pagtataboy nito sakin

"Do you usually do that?" Tanong ko sa kanya sabay lapit dito

"Alin? Yung makipagrambulan? Oo sanay na ako dun"

"Hindi yun"

"Eh ano ba kasi yun?" Inis nitong sabi

"Madalas ka ba talagang mangtaboy?"

"Yeah" sabay sandal ng ulo sa pader

"Why?"

"Bakit ba curious na curious ka? Hindi naman kita kaano ano. Dun ka na nga!"

"Dyan ka ata magaling e. Sa pagtataboy" pagsuko kong sabi.

Tumalikod na ako sa kanya at nagsimulang maglakad. Pero napatigil ako ng bigla syang magsalita.

"Sorry, masyado lang talaga akong nadala ng galit ko" mahinahon naman nyang sabi

"Okay lang naintindihan ko"

"Hindi. Hindi mo maiintindihan" Ramdam ko naman yung kirot nung sinabi nya yung mga katagang iyon.

"Eh di ipaintindi mo sakin" malumanay kong sabi sabay tabi sa kanya.

"Bakla ka din no?" Nagulat naman ako ng bigla nya yun sinabi.

"Ha?" Nerbyos na sabi ko

"Bakla ka nga. Okay lang yan di ka naman nag iisa"

"Paano mo---"pagputol naman nya

Mrs. PerezWhere stories live. Discover now