Chapter 20

881 43 24
                                    


Ion's P.O.V

Pagkagising ko naramdaman ko na agad na nakayap sya saakin. Nakaharap kami sa isa't isa kaya kitang kita ko rin kung gaano pa kahimbing ang tulog nya. Tinagtag ko na din agad ang pagkakayap nya saakin. Akala nya madadala ako sa pahug-hug nya.

Tsk.

Sa kiss baka pa.

Ay ano ba yan Ion. Anong kiss yang sinasabi mo? No alam mong bawal!

Umalis na ako sa pagkakahiga at dumeretsyo na agad sa banyo para maligo.

Iniisip ko parin yung mga nangyari kagabi. Lalo na yung sinabi nung matanda. Hindi ko maiwasang masaktan kasi malapit ako sa matatanda e. Badtrip kasi yang si Viceral di na lang nakisama.

Nagtagal pa ako ng ilang minuto bago napagpasyahan na tapusin na ang pagligo ko.

Pagsarado ko naman ng pinto ng banyo at napansin kong wala na si Vice sa kama.

Baka nasa kusina na sya para kumain.

At tama nga ako. Naabutan ko syang nag aayos ng pagkain. Naramdaman nya ata presensya ko kaya napatigil sya sa ginagawa nya at humarap saakin.

"Hinanda ko na ang pagkain. Kumain ka na" Sabi nito saakin.

Nag mamagandang loob ba ito o Inuutusan nya ako?

"Paano kung ayaw ko?" Paghahamon ko sa kanya. Aba di pa kami bati hindi nya man lang ako sinusuyo.

"Eh di huwag! Ako na nga nag effort na ipaghanda ka tapos ikaw pa itong maarte. Bahala ka dyan" inis na sabi nito at tumalikod saakin.

At sya pa may ganang mag inarte ay sya itong may atraso saakin.

Narinig kong may binubulong sya kaya hindi na ako nakatiis at nagsalita na rin.

"Sana man lang kasi maayos mong sinabi" sabi ko rito.

"Ano pa bang maayos ang gusto mong marinig?" Sabi nito at humarap saakin.

"Try mo kayang baguhin yung tono ng pananalita mo baka makakatulong. Akala mo lagi katulong kausap kung makautos" masinsinan kong sabi.

Nakita ko namang huminga muna sya ng malalim bago sya nagsalita.

"Tangina paano ba ito" bulong nyang sabi pero sapat lang para marinig ko.

"Okay ito na" dagdag nya pa bago ulit humingang malalim

"Sorry sa kagabi. Hindi naman yun ang intesyon kong mangyari. Natawa lang talaga ako. At hinanda ko na ang pagkain bilang pagbawi ko sayo" mahinahon nyang sabi.

Napangiti na lang ako sa nasasaksihan ko ngayon. Alam kong hindi sya marunong manuyo kaya ganun na lang sya kumilos. Pero kahit papaano masasabi mong bumabawi na talaga sya.

"Paano kung hindi ko tanggapin sorry mo?" Matapang kong sabi. Syempre minsan lang ako makabawi sa kanya kaya sulitin na natin.

"Grrr!" Inis na sabi nito.

"Fine. Ano bang gusto mong mangyari?" Pagsuko nito.

"Madali ka naman palang kausap e"

"Una, iupdate mo ko kung saan ka pupunta para hindi na maulit ang nangyari kahapon. At last, huwag mo kong sungitan. Hindi ka maganda para magsungit" Dagdag ko pa.

Magrereklamo pa sana sya pero sumabat na agad ako.

"May reklamo ka?" Mapang asar kong sabi.

"Wala" may irap nitong sabi.

"Beri good babe" ngiti kong sabi.

"Anong babe?! Baka gusto mong sapok. Hindi porket naguilty ako sa nagawa ko kagabi ay aabusohin mo na"

Mrs. PerezWhere stories live. Discover now