Chapter 22

799 46 50
                                    

Vice's P.O.V

Mas nauna akong magising kaysa kay Ion kaya naman mas nauna akong makagayak sa kanya. Hindi na kami nakapag breakfast kasi baka malate kami sa flight namin.

Habang nasa airplane kami ay wala paring nagiimikan sa aming dalwa. Hindi ko alam pero ng makabalik kami sa hotel kagabi ay hindi na din kami nag usap. At mas pinili ko na lang din huwag muna syang kausapin. Gulong gulo ako sa naiisip ko. Siguro naman sinadya nya talaga na gawin yun para manalo sya. Kasi kahit ako hindi ko mawari kung bakit nya ako hahalikan. Hindi naman nya ako gusto hindi ba?

Hindi nga ba?

Haystt bahala na nga si batman.

Nagdesisyon na lang ako matulog kahit 3 oras lang naman ang byahe namin. Pagpasensyahan nyo na, hindi rin kasi ganoong kaganda ang tulog ko kagabi e. Badtrip kasi paputol putol.

Bago ko pinikit ang mga mata ko ay sumulyap muna ako sa kanan ko. At nakita ko syang nakasandal at nakapikit din. Mukhang nakulangan din ito sa tulog nya.

Tumitig pa ako ng ilang minuto bago tuluyang nakatulog.

*Manila*

Nakabalik na nga kami sa Manila. Pero yung kaluluwa ko naiwan ata sa Japan. Bwisit bakit ko ba kasi iniisip yun?

"Ma'am?" Pagtawag saakin ni Manong  Gibo.

Lumingon lang ako sa kanya at tinaasan sya ng kilay. Indicating kung bakit nya ako tinawag.

"Hindi pa po ba kayo sasakay? Kanina pa po kayo nakatayo dyan" sagot nito na syang nakapagpabalik saakin sa katinuan.

Nakita ko namang nasa loob na din ng sasakyan si Ion. Kaya huminga muna ako ng malalim bago pumasok.

Kung nagtataka kayo kung bakit hindi pa kami naghihiwalay ng landas. Ito ay dahil gusto ng mga magulang namin na dumeretsyo muna sa kumpanya at ibalita ang mga nangyari.

Nagtataka nga din ako for sure naman ako alam na nila mga nangyari. Remember lagi akong may bantay.

"Sir, Ma'am. Kamusta po ang Japan?" Magalang na pagtanong ni Manong Gibo habang naghihintay ng usad ng traffic.

"Ayos naman po Manong" sagot ko.

"Nag enjoy naman po kayo?"

"Oo naman po Manong. Ang daming magandang tanawin e" sagot ko parin.

"Eh kayo po Sir? Puro si Ma'am sumasagot ng tanong ko e. Na enjoy nyo rin po ba?" Tanong ni manong kay Ion.

Tingnan muna sya ni Ion at tyaka nagpasyang sumagot.

"Okay lang po Manong" sagot nito.

"Ay Sir, bakit naman po ganyan reaction nyo?" Tanong parin ni manong ng makita nyang wala man lang kare reaction ang mukha ni Ion.

"Pagod lang ho siguro" sagot ni Ion.

Tumango naman si Manong at tumahimik na.

Lumipas ang 30 minuto at nakarating na din kami sa kumpanya.

Naglalakad na kami papasok ng kumpanya ng makasalubong namin si Isabell.

"Ma'am. Sir! Nakabalik na po pala kayo" Masayang pagbati nito.

"Malamang. Kung di pa kami nakakabalik eh di sana wala kami ngayon noh?" Pagbabara ko sa kanya.

Ano ba yan ke aga aga ito agad sasalubong saakin.

"Si Ma'am naman. Namiss ko lang po kayo. Lalo na po kayo Sir" sabi nito sabay hawak sa braso ni Ion.

Aba sa harapan ko pa naglandian ang mga puta.

Mrs. PerezWhere stories live. Discover now