Chapter 9

831 36 25
                                    

Vice's P.O.V

Kasalukuyan naming hinihintay si Anning sa isang coffee shop dito sa mall.

Masaya ako para kay Buern kasi finally! nailabas na nya ang mga hinanakit na tinitiis nya ilang taon ng nakakalipas. Masaya din akong nawitness ko kung papaano yun nangyari. Feel ko nga mas masaya pa ako kesa kay Buern ngayon.

Pero hindi ko maiwasan balik balikan yung sinabi ni Mrs. Rodriguez.





"Pamilya tayo. Kaya kahit anong mangyari tatanggapin at tatanggapin ka namin" Mrs. Rogriguez



Isang malaking S-A-N-A  A-L-L! Parang gusto ko na rin maging kapatid si Buern. Kung ganun naman ang magiging magulang ko why not coconut diba? Yun lang din naman ang gusto kong mangyari eh. Yung tatanggapin ako despites sa lahat ng pagkakamaling nagawa ko. Yung tatanggapin ako kahit anong mangyari. Yun lang naman talaga ng gusto ko.

Hayysstttt! Ang tagal naman kasi nitong si Anning kaya kung ano-ano na namang kanegahan ang pumapasok sa isipan ko e.

GV lang Vice. GV lang!

"Oy Bakla! Ano yang GV, GV na sinasabi mo dyan?"

Ay shet! Napalakas pala ang pagkakasabi ko.

"Ay wlaa show lang yun nung bakla sa ABS-CBN" palusot ko namang sabi

"Ha? Eh diba GGV yuh? Hindi GV lang?"

"Ah...ano kasi....ano" patuloy ko paring palusot

"Ano kasi.......maganda kasi talaga yun puro Good Vibes lang ang dala. Kaya napasabi narin ako ng ganun" dagdag ko.

"Ah.......masyado ka na atang naadik sa panunuod dun sa baklang yun" sabi naman nito ng sinang ayunan nya ang dahilan ko.

"Ah...oo eh. Wala na din naman kasi ako masyadong ginagawa ngayong mga nakaraang araw. Pati balita ko gwapo yung jowa nun."

"Eh diba nagtratrabaho ka sa kumpanya nyo?" Sabi nito sabay kain ng cake na inorder namin.

"Minsan na lang kapag pinipilit ako ni daddy. Mostly kapag may meeting sya with his business partner"

"So.....that's explain kung bakit mas madalas kang nakakalabas labas"

Lumipas pa 10 minuto ng paghihintay namin kay Anne. Kaya naman nung dumating na sya hindi na sya naka order kasi tapos na din kaming kumain.

"Ay guyyss kunin ko nga pala yung family photo namin kaya sumama rin ako. Dun muna tayo baka kasi makalimutan ko mamaya e" Anne

"Sige" Sabay naming sabi ni Buern.





Naglakad na nga kami patungo dun sa photo shop na sinasabi ni Anne. Nauuna sya kesa saamin ni Buern. Kaya kami lang ang nakakapagchikahan. Todo chika ako ng biglang may tumabig sa balikat ko.

"Papansin ka ba? Kita mo namang ang lawak lawak ng daan tatabigin mo pa ako" galit kong sabi sa kanya.

Napalakas ata ang pagsasabi ko nun dahil kita ko nagsilapitan ang mga tao samin.

"Sorry po" nakatungo nitong sabi kaya hindi ko sya mamukaan.

"Sa susunod kasi magdahan dahan ka.  Nakakasakit ka sa lagay na yan e".

"Sorry po talaga" sincere na sabi nito




"Hindi ba anak ng mga Viceral yun?"

"Ay attitude si bakla. Akala mo naman maganda"

"Ay balita ko brat daw yan"


Napaharap na lang ako sa grupo ng mga babae nang marinig ko lahat ng yun. Hindi na ako nagdalwang isip na lapitan sila at tingnan ng matalim.

Mrs. PerezWhere stories live. Discover now