Chapter 41

775 52 23
                                    

Vice's P.O.V 

"'Nak andyan na yung sundo mo" Sabi saakin ni Manang ng makita nya akong pababa na.

"Manang, sabihin nyo kumain na sya. May nakalimutan lang ako sa kwarto " Utos ko at nagmadali na umakyat.

Hindi naman nagtagal ay nakuha ko na ang nakalimutan ko at bumama na muli. Nagulat naman ako ng wala akong nakitang Ion sa counter table. Sa counter table kasi sya laging nakapwesto kapag nakikikain sya ng almusal dito.

"Asan si Ion manang?" Tanong ko ng mailapag ko na ang gamit ko.

"Nako 'nak yung driver lang nila yung nandiyan" Sagot ni Manang habang abala sa pag-aayos ng almusal ko. 

Kahit na labis ang pagtataka ko ay isinantabi ko na muna ito at kumain na ng mabilis.




"Ma'am Vice, tara na po?" Ngumiti naman ako at tumango na lang. 

Habang tinatahak namin ang daan papunta sa kumpanya ay nag-iisip ako ng mga dahilan kung bakit hindi sya ang maghahatid sa akin ngayon.

May sakit?

Nagpa car wash?

Tinatamad?

Trip nya lang?

"Nagtatampo Ma'am" Biglang sambit ni Kuya.

Napatingin ka agad ako sa kanya ng may magkasalubong na kilay......Akala mo'y naghahamon ng away.

"Balita ko nga po matamlay daw syang umuwi kagabi" pagpapatuloy nya.

Hindi pa rin nawawala ang tingin ko sa kanya kaya mas nakuha ng atensyon ko ang sinabi nya.

"Nako kuya ang drama naman pala ng Boss nyo e" Sagot ko at umiwas na ng tingin.

"First time ko nga lang po na makita na ganun sya katamlay. Kasi kapag naman po matamlay yan hindi nya masyadong pinapahalata. E nung nakita ko po sya kagabi ibang-iba pa yung aura nya"  

"E paano nyo naman po nasabing nagtatampo. E matamlay lang naman po pala sya"  Syempre gusto ko malaman kung nagkwento ba sya o kung ano pa man.

"Narinig ko lang po sa usapan nila ni Ma'am Zeny" Sagot nito at nagpatuloy na ulit sa pagd-drive

Hindi naman ako nag-aasume, pero ako kaya yung dahilan? Kasi kagabi lang naman nangyari.

Ay hindi malay mo may pinag awayan sila ni Hipon.

Sabi ko nga madaming posibleng dahilan.

Hindi nagtagal ay nakarating na kami sa kumpanya. As usual si Isabell ang sasalubong sa akin. Pinaalala nya lang sa akin ang mga gagawin ko ngayon

"10-12am EGM (Extraordinary General Meeting) and 1:30-3:pm naman po meeting with the shareholders" Sabi nito habang patuloy pa rin sa pagsunod sa akin. 

Tiningnan ko muna ang oras at nakitang 9:00 am pa lang kaya naman may isang oras pa ako para makapag handa. 

Dumeretsyo na ako sa office ko at nilapag ang mga gamit ko. Siguro mag c-check na lang muna ako ng mga paperwork since may spare time pa ako bago ang meeting.

Hindi kalaunan ay natapos na ako sa pag c-check. Pero parang ang bagal ng oras kasi halos 30 minutes lang ang tinuon kong oras dito.  

Mga ilang minuto lang ang lumipas ay nakaramdam na ako ng kagabutan kaya si Anning na lang ang kinulit ko.


Mrs. PerezWhere stories live. Discover now