Chapter 28

677 39 99
                                    

Ctto po sa pic sa taas😘🧡




Vice's P.O.V

Maaga pa lamang ay nasa opisina na ako dahil madami dami ang kailangan tapusin. Kaya hindi na rin ako naihatid ni Shan. Nagpumilit syang ihatid ako pero sa huli di rin sya nagwagi.

Kaya naman no choice ako kundi sumabay kay kumag. And that's explain kung bakit sira na agad ang araw ko. Habang nasa kotse kami wala syang tigil kakaputak. And take note simula sa bahay hanggang pagdating namin dito sa company hindi nya ako tinigilan. Sunod na ito sa tatay ko.

Napatigil naman ako sa pagperma ng mga papels ng biglang tumunog ang telepeno dito, kaya agad ko itong sinagot.

"Ma'am, may naghahanap po sa inyo" sabi ni Isabell

"Sino?"

"Bebe loves nyo daw po" natatawa nitong sagot.

Agad ko naman itong pinatay at lumabas. Ang kulit talaga kahit kailan.

"Ayan na pala si bebe loves eh! Hello Mrs. Lopez!" Masiglang sabi ni Shan.

"Shhhhh!"

"Misis ko alam ko namang kinikilig ka kaya huwag kang mahiya. Hayaan mo ng ipagsigawan ko sa mundo na akin ka lang" sabay kindat nito.

"Tsk. Bakit ka ba kasi nandito?" Mataray kong sagot.

"Misis ko, bakit ang init init agad ng ulo mo. Chill ka lang. Take a deep breath tapos tingin ka lang saakin. Oh diba ang gwapo ko" natatawa nitong sabi

"Ang kapal talaga! Kung andito ka lang para mambwisit pwede ka ng umalis"

"Misis ko joke lang yun. Ito na nga oh nag effort na akong bilhan ka ng lunch kasi alam kong magiging busy ka"

"Weh? Patingin nga!" At tinuro nya ang paper bag na nakalagay sa lamesa. Lumapit ako dito at nakitang puno puno ito ng pagkain.

"Di naman naorient delivery boy ka na pala ngayon. Saan ka ba nagtratrabaho Grab o Food Panda?" Biro ko.

"Ganyan ka lagi saakin. Di mo ba na-appriciate mga effort ko? Kung di mo natatanong nangaling pa ako sa meeting. Sinabihan ko nga na bilisan nila kasi nga pupuntahan pa kita"

"Palusot mo bulok! Tara na sa loob samahan mo na akong kumain alam ko namang hindi ka parin kumakain" yaya ko rito at pumasok na.







Hindi nagtagal ay natapos na rin kami sa pagkain. Sinabihan ko rin kasi sya na madami pa akong need na tapusin. At buti na lang talaga understanding sya. Nako kung hindi baka nasipa ko na sya papalabas.

"Hatid na kita pababa" sabi ko at tumungo na nga sa labas.

Pagbaba namin sa ground floor ay nakasalubong namin si kumag at si Isabell. Syempre nakita ko na naman ang matalim nyang pagtitig saakin. Pero hindi ko na iyon pinagtuunan ng pansin at baka magkagulo na naman.

"Ang talim ng tingin saakin nung lalaki" sambit ni Shan ng makalagpas kami kina Ion.

"Huwag kang OA dyan ako yung tinitingnan nya"

"Misis ko huwag ka ding feeling. Alam kong ako yun. Pero okay lang naman saakin sanay na ako sa ganun"

"So paano sunduin na lang kita mamaya?" Dagdag nya pa.

"Ah....di ko kasi sure. Baka kasi gabihin ako dito" nahihiya kong sabi.

"Eh di mas lalo kita dapat sunduin"

"Nako Shan may trabaho pang naghihintay sayo kaya huwag ka ng makulit. Sasabay na lang ako kay Ion tutal sumabay na din ako sa kanya kaninang umaga"

"Okay po Misis. Pero kung sakaling magbago ang isip mo tawagan mo agad ako ha?"

"Opo Tatay"

"Loko" natatawa nyang sabi bago sumakay sa kotse nya. Nagbigay sya ng flying kiss at napailing na lang ako. Maaga pa para bigyan ko sya ng motibo. Sabi ko nga konting push pa.


Umakyat na ulit ako at pinagpatuloy ang pag ayos ng mga papels. Kagaya ng sabi ko kanina sobrang dami kong need na tapusin kaya hindi ko rin namalayan na hapon na. Kung di pa ako tatawagan ni Shan ay hindi ko pa mapapansin ang oras.

Nakaramdam na ako ng gutom kaya nagdesisyon muna akong itigil pansamantala ang ginagawa ko at pumunta sa pantry. At kung minamalas ka nga naman oh.

Napatigil ako sa pintuan ng makita ko ang eksena na bumungad saakin.

Si Ion at Isabell naghahalikan.















Syempre joke lang🤣






Bumungad saakin ang natayong Ion at ang nakaupong Isabell. Yakap-yakap ni Ion si Isabell na animo'y magjowa. Tsk dito pa naglandian. Napansin ko naman ang pagtaas baba ng balikat ni Isabell. At ang nakatakip na kamay sa mukha nya. Anyari dito?

"Oh Vice andyan ka pala" sambit ni Ion habang nakayakap parin kay Isabell.

Tumango na lang ako at naglakad na papalapit sa ref. Wala akong pake kung maghubad pa sila dyan basta ako gutom na ako.

"Okay ka na ba?" Alalang tanong ni Ion.

"Okay na po ako Sir" sabi nito at kumalas na sa yakapan nila.

"Ano ba kasing nangyari sayo? At bigla ka na lang umiyak?"

"Nakakita po kasi ako ng lumilipad na ipis" pag amin neto.

Napatawa na lang ako sa sinabi nya. Jusko apaka matatakutin naman pala.

"Huwag kang tumawa dyan. Walang nakakatawa dun" biglang sabi ni Ion.

Ay shet napalakas pala pagtawa ko.

"Pati ba naman pagtawa ko ipagkakait mo pa saakin? Tsk" iritable kong sabi.

"Wala naman kasing nakakatawa dun sa sinabi nya. Nagpakatotoo lang sya" sagot pa nito. Hindi na lang ako umangal at dumeretso na.

"Ma'am? Okay lang po na tawanan nyo ako. Pati naman po ako natatawa sa sarili ko e" sabi ni Isabell.

"Oh Ion rinig mo? Kaya huwag mo din akong pagsabihan kung ano ang dapat at hindi dapat gawin. Sya na mismo nagsabi na okay lang"

"Kahit na hindi dapat------"

"Sir ayos lang po...."pagputol ni Isabell kay Ion.

"Tsk" yan na lang nasabi ni Ion at umirap saakin. Attitude ka ghOrl?

Lumabas na ako ng pantry at kumain na lang. Habang kumakain ay biglang pumasok sa utak ko ang isang imahe. Parang everyday may pa ganito.

Ang imaheng magkayakapan sina Ion at Isabell. Pinipilit kong alisin pero makasarili ang aking utak.

Di nagtagal ay napaisip ako. Kung ako ba ang nasa kalagayan ni Isabell sa panahong iyon ano ang mararamdaman ko? Magiging masaya ba ako o lalo lang madadagdagan ang pagkasura ko sa kanya.

Masusura kasi alam kong hindi nya yun gagawin saakin kahit na umiyak pa ako ng balde balde.

O masisiyahan kasi kahit pilit ay naramdaman ko ang pagyakap nya.


Arrggghhh!!! Bakit ba kasi lagi na lang ako hinahunting ng mga WHAT IF'S na yan.

Bakit kasi di ko mapigil ang sarili ko sa mga ganitong pag iisip?!

Bakit di ko mapigil sarili ko na isipin sya?

At bakit kasi di na lang ako?


















Hiiiii guysss! Don't worry malapit na VI moments hahahha lablotss kapit lang!😘🧡

Mrs. PerezWhere stories live. Discover now