Chapter 6

920 38 49
                                    

Vice's. P.O.V

Makalipas ang ilang araw dumating na rin ang ngayon. Kinakabahan ako sa mga mangyayari ngayon. Hindi rin kasi ako sanay sa mga ganito kaya nag iisip parin ako kung itutuloy ko pa ba ito o hindi na.

Tinititigan ko ang dress na nasa harapan ko. Hindi ba too much naman kung ganito ka ayos ang magiging suot ko ngayon?

Paano kung hindi nya magustuhan?

Paano kung maturn off kaagad sya sakin?

Paano kung....?

"Hayyssttt huwag na nga lang!" Pagsusuko ko

Tinago ko na yung dress na sana ay susuotin ko. At nagdesisyon na mag short at tshirt na lang. Hindi kasi talaga ako kumportable magsuot ng mga ganun e. Siguro sa mga events sa kumpanya napipilit nila akong magsuot ng ganun pero sa ganitong pagkakataon hindi.

Nagmake up ako ng slight para naman kahit papaano masabi man lang na "nakpaghandaan" ko itong date na ito. Kung hindi lang talaga to sa kondisyon ni daddy hinding hindi ko talaga gagawin ito. 

"Ma'am Vice andyan na po sa baba yung driver ng daddy nyo" Ate Jane

"Sige po"

Nilagay ko na sa sling bag ko ang mga dadalhin ko, cellphone, wallet at lipstick. Matapos ko itong mailagay at masiguro na  wala na akong naiwan sa bag ko. Ay dali dali na din akong bumaba. Actually late na ako ng 10 minutes kasi ang usapan ay 9:00 pm. Ay 9:10 na. Kaya nagmadali na talaga ako

Habang nasa byahe tumawag naman si daddy

*Convo w/ daddy*

"Viceral asan kana? Kanina pa daw nag aantay yung kadate mo! Sinasabi ko sayong bata ka kung hindi ka sisipot ako mismo ang maghahanap sayo. At alam mo ang kaya kong gawin"

"Chillax dad. I'm actually on my way. Natagalan lang ako sa pag aayos ng gamit ko"

"Siguraduhin mo Viceral! Nako!" At binabaan na ako.

Napatingin na lamang ako sa binta at nasakto namang huminto ang sasakyan sa isang pamilyar na lugar.

Tama ito yung lugar kung saan ako muntikan ng mamatay dahil dun sa lalaking maangas na yun. Nakakainis parin kasi nakuha nya yung first kiss ko. Sana talaga hindi masarap ang ulam nung kupal na yun

Pero ang gwapo nya talaga......

"Ala si bakla pinagnanasaan si kuya" utak

"Hindi nya pinagnanasaan si kuya. Ang tawag dun MESMERIZING!" puso

"Anong mesmerizing sinasabi mo dyan? Pagnanasa yun ulol"

"Ay basta hindi pagnanasa tawag dun"

Hay nako nag aaway na naman po sila. Hindi talaga magkasunod tong dalwang to. Laging magkaiba. Minsan nga napapaisip ako kung normal pa ba ako kasi hindi talaga magkasunod ang isip at puso ko e. Laging hindi tugma.

Napatigil na lang ako sa pag iisip ng makita kong huminto ang sasakyan sa isang mamahaling restaurant.

Mamahalin ito kasi sa facade pa lang ng resto makikita mo na agad ang mga kumikislap kislap na dyamante. Mukhang pinaghandaan talaga ang date na ito.

Bumaba na ako ng sasakyan ng makita ko naman yung isa sa mga guards ni daddy. Hayyssttt wala na talagang tiwala sakin yung matandang yun. Dumeretsyo na ako sa loob.

"Good evening Ma'am. Any reservation?" Sabi naman sakin pagkapasok ko ng resto.

"Ummmm....yes under...." Hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil hindi ko maalala ang pangalan ng kadate ko shet paano na to?

Mrs. PerezWhere stories live. Discover now