Chapter 36

799 39 42
                                    

Ion's P.O.V

Pagkatapos ng hapunan ay napagdesisyunan nilang tumambay muna sa kubo at rumenta ng videoke. Namimiss na rin daw kasi nilang kumanta. Sumangayon na lang din ako kase wala na rin naman akong gagawin mamaya. 

"Bro, wala ka parin bang balak na magsorry sa kanya?" Taanong saakin ni Gian.

"Kung wala, pwede ka namang magtanong saakin. Ang daming ko masu-suggest" dagdag pa nito.

Hindi ko na lamang ito pinansin at nagfocus na lang ulit sa pagtetext. Pero di kalaunan ay napaisip rin ako.

"Para sa ikauunlad ng bayan" sabi ko sa isip ko at tumungo na sa labas .


Vice's P.O.V

Naghihintay kaming lahat na dumating ang videoke na nirent namin ng bigla kong napansin ang pag alis ni Ion. Sinundan ng mga mata ko kung saan sya patungo at napagtanto na palabas sya ng resort. 

Bahala sya dyan. Kahit mabangga pa yan.

Saktong pagdating ng videoke ay syang pagsigaw ng isang staff sa labas. Nagkagulo ang lahat at nagsitakbuhan palabas. Hindi na sana ako makikichismis ng bigla kong marinig ang sinabi nung ale malapit saamin.

"Tara silipin natin. May nabangga daw!" 

Dali -dali akong tumayo at nakiisa sa pagtakbo palabas. 

"Lord, hindi ko naman po sinasadyang sabihin yun. Nadala lang po ako pramis" Sabi ko habang patuloy parin sa pagtakbo.

Nanginginig, kinakabahan at hinihingal. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Pakiwari ko ay mauuna pa akong mamamatay kesa dun sa nabangga.

Ang daming tao sa labas kaya hindi ko agad nakita kung sino yung nasagasaan. Pero kahit ganun hindi parin mawala sa isip ko yung thought na sya yun.

"Grabe ang daming dugo" sabi nung ale sa harapan ko. 

"Oo nga, nako baka di na yan umabot sa hospital" sabi rin nung katabi nya.

Lalo akong kinabahan sa mga naririnig ko. Pero ang lahat ng yun ay nawala ng makita ko na yung nabangga.

"Gago yung driver. Alam naman nya sa sarili nya na lasing na sya. Tapos ang lakas pa ng loob na magdrive" 

Hindi ko agad sya nilingon kasi hindi parin maproseso sa isip ko ang mga nangyari.

"Tita Vice, tara na po. Baka po maunahan pa tayo sa pagkanta" Sabi ni Ayumi at pilit akong hinihila papasok. 

Tyaka pa lang ako nakagalaw ng magsalita na ulit sya.

"Viceral, ano na tutunganga lang dyan? Ngayon lang nakakita ng pusa na nabangga?"

At dahil na rin sa lipad ang utak ko ay hindi ko napigilan ang sarili ko. Hinigit ko sya at niyakap ng mahigpit. Mahigpit na mahigpit. Yung tipong hindi na sya makahinga. Gulat man sya pero hindi kalaunan ay naramdaman ko na rin ang pagyakap nya.

Tumagal pa ito ng isang minuto bago kami tuluyan na bumitaw sa bisig ng isa't -isa. 

"Ayiieeeee, magbabati na yan" Sabi ni Ayumi habang tinataas baba ang kilay nya. 

"Hay nako! Ang dami mong alam na bata ka. Tara na nga!" Sabi ko at hinila na sya papasok. 

Habang naglalakad kami pabalik ay hindi sya tumigil sa kakatanong kung bakit ko raw ba bigla na lamang niyakap ang Tito nya. Hindi ko rin naman sya masagot kasi miski ako ay hindi ko rin alam ang isasagot.

Hanggang sa makabalik ay balisa parin ako. Hindi mawala sa isip ko yung moment na nagkayapan kami. Urgh!!! Kairita!

"Tita Vice,  ano pong kakantahin natin?" Tanong saakin ni Ayumi habang nagtitingin sa song book.

Mrs. PerezWhere stories live. Discover now