Chapter 33

869 45 41
                                    

Vice's P.O.V

Nakarating na nga kami ng Tarlac at makikita mo talaga ang pinag kaiba nito sa Manila. Bukod sa may mas maraming magagandang tanawin dito, Mas mararamdaman mo talaga ang presko ng hangin dito.

"Viceral, nagugutom ka ba?" Tanong nitong katabi ko.

"Hindi pa naman. Pero kung nagugutom ka na pwede naman tayong magdrive-thru ulit" suggest ko rito habang ieenjoy pa ang view sa labas.

"Hindi na din siguro. Mabilis din naman siguro ang pagpunta natinsa kumpanya" sambit nito

Napatango na lang ako at chineck na ang schedule namin. Napansin ko namang isang meeting lang pala ang dapat naming attendan. Mabuti naman kung ganun kasi halos mag gagabi na din. Ano pa bang inexpect nyo nasa pinas tayo.

"Mag ayos ka na ng sarili mapalit na tayo" bilin nito na syang sinunod ko agad.

At kalaunan nga ay nakarating na kami sa kumpanya nila. Hindi ito ganoong kataasan kumpara sa mga kumpanya nila sa Manila. Pero masasabi mo namang napakaganda nito.

"Mayap a gatpanapun Sir Ion" Bati ng lalaking sumalubong saamin.

"Good afternoon din po Ma'am" baling naman nito saakin. Tumango naman ako at ngumiti.

"Tara na sa loob" yaya saakin ni Ion.

"Infairness ang simple pero ang ganda" puri ko ng makapasok na kami.

"Syempre ako nag suggest ng design" proud na sabi nya.

"Ay binabawi ko na. Hindi pala ganoong kagandahan. Siguro nabulag lang ako sa kinang nito" biglang bawi ko.

"Sus binawi mo pa. Aminin mo na lang kasi na maganda talaga. Pati fyi ito ang pinaka unang project na ginawa ko"

"Sml? Tara na sa taas mamaya sasabihin mo na naman late ako" sabay hila sa kanya.

"Dahan dahana naman. Maka hila kala mo close" reklamo nito.

"Kunwari ka rin. Gusto mo rin naman yung hinahawakan ka ng ganito" mataray kong sagot.

Hindi na sya nakaangal pa dahil nakarating na kami sa palapag na pupuntahan namin.

"Mga Kapampangan lang ba nagtratrabaho dito?" Tanong ko sa kanya ng marinig ang mga tao na nag uusap usap gamit ang language na kapampangan.

"Karamihan kapampangan. Isa din kasi yun sa goal ko. Ang mabigyan ang mga tao rito ng trabaho. Mahirap kasi talaga humanap ng trabaho lalo pa't nasa probinsya kayo. Kaya nga halos lahat ng tao lumilipat o di kaya naman ay pumupunta sa Manila para lang maghanap ng trabaho" mahabang lintayan nya.

"Ah........so mabait ka pa sa lagay na yan?" Asar ko ulit. Sarap kayang asarin nitong kupal na to.

"Manahimik ka na lang dyan. Magsisimula na ang meeting" sabi nito at umayos na ng upo.

Lumipas ang 2 oras ng matapos ang meeting. Nakakatuwa sila kasi ang babait nila. Tapos ang dami nilang putak. Yung tipong ang dami nilang mga suggestion na nasasabi. Suggestion kung paano mas mapapataas ang sales, kung paano mapapanatili ito at kung paano mas makikilala ang kumpanya. Ang galing lang kasi hindi ko inexpect na ganito pala ang mga tao rito.

"Iba pala talaga kapag mga taga probinsya na ang nagtratrabaho noh? No wonder kung bakit gusto nila Daddy makipag partner sa inyo"

"Hindi ka lang talaga sanay sa ganito"

"Ayun na nga. Hindi ko alam kung mabuti ba ito o masama" amin ko rito.

"What do you mean?"

"Ay taray Justin Bieber ka ghOrl?!" Natatawa kong tanong.

Mrs. PerezWhere stories live. Discover now