Chapter 37

873 45 50
                                    

Vice's P.O.V

Last day na namin dito sa resort at last day na rin namin sa Tarlac. After ng madamdaming pagpapatawad ay naging mas close kami. Hindi na rin sya uumangal sa suot ko. And that's a good thing kasi atleast alam kong hindi na kami mag-aaway tungkol dun.

Masungit parin naman sya pero minsan na lang. Lakas talaga makababae nitong lalaki na to. At mas naging mas masaya na rin kasi nagkakasundo na kaming lahat.

"Tita Vice, anong oras po kayo uuwi ni Tito?" Tanong ni ayumi habang nagsusuklay.

"Mga 6pm siguro para deretsyo pahinga na kami pag dating" 

"Dun parin po ba kayo sa condo ni Tito?"

"Hindi na siguro"

"Sana dun parin kayo" mahina man pagkakasabi nya pero narinig ko parin.

Natawa na lang ako at lumapit sa kanya. Ginulo ko muna buhok nya at nagtatakbo papunta sa banyo.



Mabilis lumipas ang araw at ito na nga, gabi na. Nakatipon kaming lahat dito sa baba ng bahay nila Ion kasi paalis na kami. 

"Vice, mag-iingat kayo sa byahe ha? Tawagan o di kaya itext mo ko kapag nakauwi na kayo" Sabi ng ate ni Ion.

Tumango na lang ako at lumapit na sa kanila isa-isa ko silang niyakap. Sa maikling panahon na nakasama ko sila, masasabing kong ang babait nila. Saan kaya nagmana 'tong si kupal at kahit konti ay walang bangas ng  kabaitan. Charrr!!

"Nagugutom ka na ba?" Tanong ni Ion sa kalagitnaan ng byahe namin

"Hindi pa naman. Ikaw baka nagugutom ka na, pwede naman tayo mag drive thru" Suggestion ko.

"Hindi pa rin naman ako nagugutom" Sagot nya at binalik na ulit ang atensyon sa pagdri-drive.

Hindi kalaunan ay nakaramdam ako ng pagkabagot kaya naman na isipan kong kulitin na lang sya.

"Kupal, matanong ko lang bakit parang ikaw lang sa inyong magkakapatid ang nasa business field?" Napansin ko kasi na lahat ng kapatid nya parang sa ibang field ang nagtratrabaho.

"Pinapili sila ng mga magulang namin kung sa gusto nilang magtrabaho sa business namin o hindi" Sagot nya habang ang atensyon nya parin ay nasa daan.

"Ay sana all pinapipili. Ako kasi walang choice e" Pag-amin ko rito.

"Nga pala, bakit sabi mo "SILA" so di ka kasama?" Takang tanong ko.

"Sure ka ba talagang hindi ka gutom? Ang dami dami mong tinatanong dyan. Siguro dream mong maging si Tito Boy Abunda noh?" Natatawa nitong sambit

Hindi na naman ako nakasagot ng biglang tumawag si Mommy.

"Hello mah?"

"Balita ko babalik ka na raw ngayong araw ah?" "Nasa byahe na ba kayo?"

"Ahhh.....opo 'ma"

"Iloud speaker mo nga 'nak" 

"Wag na mah" Pilit kong pagtanggi. Itong si mommy gusto pang ipaloud speaker akala mo naman talaga may mahalagang sasabihin.

"May gusto lang ako sabihin kay Ion. Bilis na"

"Ito na, ito na. Nagmamadali?" 

Nilayo ko naman ang cellphone ko sa tenga ko at tyaka pinindot ang loud speaker.

"Ion, 'nak?" 

"Hello po Tita" Ay bait bait si kupal.

"Ion, 'nak wag na kayong mag drive thru ha? Dito na rin kayo dumeretsyo sa bahay. May pinahanda na ako." Sabi ni Mommy.

Mrs. PerezWhere stories live. Discover now