Chapter 21

864 46 87
                                    

Vice's P.O.V

Huling araw na namin dito sa Japan. Kaya naman susulitin ko na ito. Madaling araw na din kami nakabalik sa hotel ni Ion kasi sobra talaga kaming nag enjoy sa Skytree kagabi.

Nakapikit pa ang mga mata ko pero ang diwa ko ay gising na. Nararamdaman ko rin na may nakayapos saakin. Pero hindi ko ito inalis. Fair lang naman kasi nakayapos rin ako sa kanya.

Wag judgemental! Masyado lang talaga akong nilalamig. Pati ang bango bango nya kaya. Inggit lang kayo! Tse!

Lumipas pa ang ilang minuto bago ko napagdesisyonan na bumangon na. Hindi naman pwedeng yakapin na lang nya ako ng buong araw. Gaya ng sabi nya kagabi. "Walang ganun Mars"

Natawa na lang ulit ako ng maalala ko yun. Akalain mo nga naman saaming dalwa sya pa ang nagsabi ng ganun.

Naligo na ako nag ayos. Pumunta na rin ako sa kusina para ayusin na rin ang kakainan namin.

Habang nag aayos ako ay bigla akong nakaramdam na may yumakap saakin. Agad ko naman syang hinarap ng may nagtatakang mukha pero hindi nya un napansin kasi bigla nya na lang din sinubsib ang mukha nya sa may kanang bahagi ng leeg ko.

Ang kaninang pagtatakang mukha ay napalitan ng ngiti.

"Clingy" sabi nya sa isip nya.

Nagtagal pa ang yakap nya saakin ng ilang minuto.

"Miss mo agad ako?" Asar ko sa kanya matapos nya akong yakapin.

"Nilamig lang ako huwag kang feeling" sagot nito saakin sabay talikod.

"Nilalamig daw. Ayses pwede mo naman aminin BABE" asar ko parin sa kanya. Nakita ko namang napaigting panga sya kaya natawa na lang ako

"Cute" sabi ko

"Mas cute ka" sabi nito.

Ay shet! Napalakas na naman pala ang sabi ko. Ano ba naman yan Viceral! Baka isipin nya may gusto ako sa kanya. Nako nako nako!

"Oh bakit napatahimik ka dyan? Kilig ka no?" Asar nito saakin.

Huwag kang ganyan baka halikan kita dyan.

"Ulol" yan na lang ang nasabi ko sabay subo na ng pagkain.

"Babe, paabot naman nung baso" uto nito saakin.

"Ah talaga ba?" Mataray kong sabi.

"Bakit pinaninindigan ko lang naman ang sinabi mo saakin kanina ah?"

Napairap na lang ako sa dahilan nya. Grrr! Kainis talaga itong lalaking ito.

"Nga pala saan mo gusto mag libot ngayon. Huling araw na din natin ngayon diba?" Sabi nya habang sa pagkain nakatuon ang atensyon.

"Wala na akong maisip e. Bakit ikaw ba BABE may gusto kang puntahan?" Asar ko ulit. Aba hinahamon nya ako ah. Pwes di ako magpapatalo.

"Ah....so hinahamon mo talaga ako Viceral?"

"Oo at nakakasiguro akong ako ang mananalo" Ngiti kong sagot.

"Tingnan na lang natin" sagot nito at tinapos na ang kinakain.

Pagkatapos namin kumain ay naligo na rin sya. Ako naman ay nag cellphone na lamang. Nagii-scroll ako sa igs ng mapadpad ako sa isang page. Page ito ng list destination dito sa Japan. Nagtingin tingin ako hanggang sa may naisip akong idea.

For sure panalo na ako nito.

Matapos makaligo ni Ion ay niyaya ko na din sya umalis.

"May naisip na akong puntahan" sambit ko ng makasakay kami sa kotse.

Mrs. PerezWhere stories live. Discover now