Chapter 13

744 39 27
                                    

Vice's P.O.V

Ngayon ang padalwang araw namin sa project na to. Hindi naging madali ang unang araw namin dahil lagi kaming nag-aaway ni Ion. Di ko talaga malaman kung anong klaseng pag- uugali ang meron yung lalakng yun. Lagi kaming magkasalungat.

Nakatingin ako ngayon sa schedule na binigay saakin ni Isabell. Mas kakaunti ang mga pupuntahan namin kumpara sa kahapon. Nakita ko naman na sa may dulo nakalagay ang pangalan ng kumpanya nila Ion. Hindi na din ako nag abalang tingnan kung saan yun kasi for sure malalaman ko din naman mamaya.

Narinig ko naman ang pagbusina ng kotse nya. Oo kotse nya dahil ang magaling kong tatay humingi ng pabor sa kumag na yun na sya na ang maghatid at sundo saakin. At pumayag naman agad sya. Sipsip din tong isang to. Eh no choice din naman kasi hindi pa binabalik ni daddy yung kotse ko.

Nakababa naman ang bintana nya kaya kitang kita ko na andun sa passenger seat si Isabell. At nakuha nya pang sunduin yun? Aba may special treatment!

"Goodmorning Ma'am Vice" Bati saakin ni Isabell pagkapasok ko sa kotse.

Tumingin lang ako sa kanya at sinuksok ko na ang earpods ko sa tenga ko. Nagdala na ako kasi nadala na talaga ako kahapon. Biruin mo kasama namin sya wala syang ibang pinatugtog kundi yung mga jejemon na kanta. Hindi ko na aabalahing iisa isahin at nakakarindi lang pakinggan.

Nakatingin ako ngayon sa labas, nagmumuni muni ineenjoy ang sarili kong patugtog ng sa kalagitnaan ng pagbyahe namin ay biglang tinigil ni Ion ang kotse sa gilid. Napaharap tuloy ako at nagulat ng nasa harapan ko na pala ang kalahati ng katawan nya.

Shet ang lapit nya sa mukha ko. Naamoy ko yung pabango nya. Ghorl ang bango shet sarap amoy amoyin!
Sa pagka enjoy ko sa pag amoy sa kanya hindi ko na namalayan na tinagtag na nya pala yung isang earpods ko. Tyaka ko lang ito narealize nung nagsalita na sya.

"Ganyan ka ba talaga? May kumakausap sayo tapos hindi ka man lang nakikinig?" Tanong nya saakin.

Aba huwag nya akong sumbatan ng ganyan. Baka ipaalala ko ang mga ginawa nya nung nagmeeting kami.

"Bobo ka ba? Nakita mo na namang nakaearpods ako e. Sadyang hindi ko maririnig yun" Pabalang ko namang sabi.

"Tsk" yan na lang ang nasabi nya bago sya bumalik sa pagmamaneho.

"Ano ba kasi yung sinasabi mo?"

"Ah...Ma'am ini inform ko lang po kayo sa mga mangyayari ngayong araw" sabi saakin ni Isabell.

"Alam ko na yan kaya hindi mo na kailangang paulit-uliting sabihin" Sabi ko rito ng may irap.

Akala mo naman talaga magalang. Tsk!

Nakarating na kami sa isa pa naming kumpanya. Mas matatagalan kami ngayon sa mga kumpanya kasi kailangan din naming libutin. Para din makamusta man lang ang mga nagtratrabaho dito. Part na din kasi yun ng gagawing documentation.

"Goodmoring Ma'am Vice" Bati saakin ng dalwang guards.

Ngumuti ako sa kanila bago sila lapitan.

"Kamusta naman po kayo rito?" Magalang kong tanong.

"Nako Ma'am ayos na ayos po kami rito. Sa totoo nga po malaking bagay na mabait ang naging boss namin. Lalo na po kayo Ma'am. Maraming salamat po" sabi saakin ni kuya Dong

"Nako Ma'am ang tagal nyo na pong hindi nakakapunta dito" puna ni kuya  Jeff.

"Naging busy lang po. Hahaha pero mabuti naman po at maayos lang kayo rito" sagot ko sa kanila.

"Ay nagmamadali pa po ata kayo Ma'am. Sige po enjoy your visit" sabi ni kuya Dong.

Ito talagang si Kuya Dong. Dumeretsyo na nga kami sa loob at sinumulan na ang trabaho.





Mrs. PerezWhere stories live. Discover now