Chapter 30

775 43 15
                                    

Vice's P.O.V

"Manang hindi pa po ba nadating si Ion?" Tanong ko kay manang ng matapos na ako sa pag aayos.

"Nako anak, hindi pa nga e. Kumain ka na lang muna at baka naman nalate lang sya ng gising" sagot nito ng mailapag ang pagkain sa lamesa.

Tumango na lamang ako at nagsimula ng lantakan ang pagkain.

Makalipas pa ang ilang minuto ay wala paring Ion na dumarating. Nakita ko naman ang orasan at malapit na akong malate kaya naman niligpit ko na ang pinagkainan ko at nagsimula ng lumakad paalis.

Ilang hakbang ko na lang palabas ng pintuan ng marinig ko ang tunog ng doorbell namin.

"Nalate nga lang siguro" isip-isip ko.

"Aba Perez anong nakain mo at may pagdoorbell ka pang nalalama----------" napatigil ako sa pagsasalita ng ibang pigura ang nakita ko.

"Ma'am goodmorning po. Paalis na po ba kayo?" Tanong nito saakin.

Tumango naman ako habang malalim parin ang iniisip.

"Sorry po kung natagalan ako sa pagpunta. Medyo naligaw po kasi ako" sincere nitong sabi.

"Ah.......okay lang po yun. Sakto lang din naman po ang dating nyo"

"Ay Manong asan po pala si Ion?" Dagdag ko pa rito.

"Nako Ma'am hindi ko rin po kasi alam. Basta po kaninang umaga tinext nya lang po ako na sunduin ko po kayo"

"Ah...ganun po ba? Sige po, tara na po at baka malate pa po ako" tumango naman ito at nagsimula ng magdrive.

Driver sya nila Ion. Sa mga magulang nya specific. Kilala ko na sya kasi nakikita ko sya sa parking lot kapag nabisita sina Tita Zeny saamin. Kaya labis parin ang pagtataka ko kung bakit pinasundo na lang ako.





"Andito na po tayo Ma'am"

"Sige po. Thank you"

Pagkatapos kong magpasalamat ay bumaba na agad ako. Ilang minuto na lang kasi ang natitira sa nasabing oras ng late.

"Goodmorning Ma'am" bati saakin ng Guard. Ngitian ko sya at dumeretsyo na sa loob. No time for chikahan.

"Ma'am mabuti naman po at nakapasok kayo ngayon. Akala ko po kasi hindi rin kayo makakapasok e" sabi ni Cath ng mailapag ko na ang aking mga gamit.

"Ha? Sino bang absent?" Takang tanong ko.

"Ay si Ma'am kunwari di alam" tukso pa nito

"Nako Cath magseryoso ka. Malilintikan ka saakin. Sino nga absent? Si Isabell?" Tanong ko parin.

"Check check din po kasi ng cellphone" sabi nito at umalis na.

Bumuntong hininga muna ako bago ako nagbukas ng cellphone. Una kong chineck ang messages at nakitang wala naman akong ibang unread message bukod kay Shan.

Sunod ko namang chineck ang Gmail ko at wala parin akong nakita dun. Halos lahat na ata ng apps ko sa phone ay chineck ko na rin pero wala parin talaga akong makita.

At dahil sa labis na curiosity ang bumabalot sa katawan ko ay lumabas na ako ng opisina ko at pumunta kay Isabell.

"May ginagawa ka?" Tanong ko rito ng makarating na ako sa pwesto nya.

"Wala naman po masyado. Sinesend ko lang po yung mga kailangan tapusin ni Sir Ion" sabi nito habang ang atensyon ay nakatuon parin sa computer nya.

"Bakit mo pa sinesend pwede ka namang pumunta na lang sa opisina nya"

"Gagawin ko naman po yun Ma'am. Kung andyan po sya"

"Ha?"

"Nagtext po sya kaninang umaga ang sabi nya po hindi daw po sya makakapasok ngayon. Kaya isend na lang daw po sa kanya yung mga kailangan nyang tapusin ngayong araw" mahabang lintayan nito.

"Nagtext sya sayo?"

"Opo. Sa inyo po hindi?"

"Obvious ba? Kaya nga gulat ako oh. Tsk"

Pagkatapos ng pag uusap naming yun ay bumalik na ako sa opisina. Tsk absent naman pala si kupal. Kaya naman pala matiwasay ang umaga ko.

Pero bakit hindi nya man lang ako sinabihan? Bakit sila Isabell sinabihan nya? Diba dapat ako una makakaalam?

Tsk! Whatever!




Hindi nagtagal ay nakatanggap ako ng tawag mula kay Daddy.

"Nasa kompanya ka na ba?" Pagbungad na sabi nya.

"Opo. Bakit po?" Magalang kong tanong.

"Pack your things now. Tell Isabell na may mahalaga kang pupuntahan ngayon and tell her na ipasa na lang din sayo ang mga kailangan mong tapusin. Ion's driver is already downstairs waiting" sabi nito at binaba na ang tawag.

Labis man ang pagtataka pero sinunod ko na rin. Lagot tayo kay Dragon kapag di na naman tayo sumunod.

"Manong saan po ba tayo pupunta?" Sabi ko ng makasakay na kami sa kotse.

"Pasensya na po Ma'am pero ang kabilin bilinan ko kasi ng daddy nyo ay huwag na huwag kong sabihin kung saan tayo pupunta ngayon"

"Tsk daddy talaga"

Inabala ko na lang ang sarili ko sa paggamit ng cellphone. Katext ko rin kasi si Shan ngayon. Tinatanong nya ako kung nakapasok na daw ba ako. Sinabi ko naman sa kanya na hindi ako makakapasok ngayon dahil may ibang pinapagawa si Daddy saakin.

Text lang kami ng text hanggang sa napansin kong tumigil na ang kotse sa isang condominium.

"Tara na po bumaba" sumunod lang ako sa kanya hanggang sa ika-labing walong palapag nitong gusali.

Tumigil naman sya sa harap ng pinto sa may badang dulo nitong palapag at tyaka binuksan. Binuksan nya rin ang mga ilaw at nakita ko naman ang isang malinis na condo. Kanina nga ba ito?

"Ma'am, maiwan ko na po kayo dito" sabi nito at dali daling lumabas.

"Manong!" Sinubukan kong buksan ang pintuan pero wa epek. Nakalock sya sa labas.

Napabagsak naman ako ng higa sa couch. Kung plano nila akong ilock dito sa condo na ito sana man lang inorient nila ako. Para sana naman nakapagdala ako ng mga damit ko.

Napabaling naman ako ng tingin sa may dulo ng couch na aking pinaghihigaan. Napansin ko na may suitcase na nakalagay dito. At kung hindi ako nagkakamali akin ito.

Napatayo ako at binuksan agad ito. At hindi na nga ako nagkamali akin nga ito.

Haysstttt Tatay ko talaga.

"Boogggshh"

(SOUND EFFECT KASI YAN!) HAHAHHA

Nanginginig akong lumapit sa pinanggagalingan ng tunog na iyon. May nakita akong bat sa may gilid kaya kinuha ko na rin ito. Pang protekta lang kung sakali.

Dahan dahan kong binuksan ang pintuan, nag iingat sa mga galaw na ginagawa ko.

Naglakad ako papalapit sa kama habang mahigpit parin ang hawak sa bat.

Out of nowhere ay may biglang sumulpot sa may likuran ko.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong nito saakin.

"Aaaahhhhhh!" Sigaw ko habang patuloy parin syang pinaghahamapas.

"Aray Vice! Ano ba!" Napatigil naman ako ng marinig ko ang pangalan ko. Kilala nya ako?

Binuksan nya ang ilaw sa may CR at tyaka ko lang nakumpirma kung sino ito.




















"Ion?"




















Hi guyysss pabitin muna me ha? Hahahhaa lablotss guyyss!🧡

Ctto ulit sa pic sa taas😅

Mrs. PerezWhere stories live. Discover now