Chapter 24

782 46 28
                                    

Vice's P.O.V

"Baksss!!!"

Malawak ang ngiti ko ng sya'y salubungin ko. Grabe ang tagal ko rin syang hindi nakita no!

"Ito na ba yung surprise mo?" Mataray na tanong ko. Syempre taray tarayan muna tayo.

"Ito naman ang taray masyado. Dumeretsyo na nga ako rito kasi miss na kita tapos ganyan ka saakin? Sige uuwi na ako" Tampong tungon nya.

Kyut talaga nya kapag nagtatampo. Pero alam nya din naman na hindi ako sumusuyo kaya talo parin sya.

"Eh di umuwi ka. Ingat sa byahe baka maflat-an ng gulong" gatong ko parin.

"Ito naman di mabiro. Bakit ba ang taray taray mo ngayon ha? Meron ka ba?"

"Ano ako babae? Pati trip kong mag inarte ngayon bakit ba?"

"Hay nako Viceral kapag talaga ako nais iiwan na kita dito" banta nya saakin.

"Eh di iwan mo. Lahat naman kayo iniiwan ako e" Malungkot kong sabi.

"Ay ang drama mo ngayon. Heartbroken ka ba ha? Wala kang jowa uy, huwag kang maglungkot lungkutan dyan" asar nito sakin.

"Tsk!"

"Sumama ka na lang kasi ayan tuloy nareal talk pa kita" sabi nito bago kami naglakad papunta sa kotse nya.

"Saan ba kasi tayo?"tanong ko ng makasakay na kami.

"Sa mall lang. Konting libot at syempre more chika" sabi nito with matching taas babang kilay.

"Eh pwede naman kasing itext na lang" bored ko paring sabi.

"Ano ba naman baks. Minsan na lang ulit tayo magkita e. Pati ayaw mo nun makakapag unwind ka from work"

"Eh ano pa nga bang magagawa ko. Papunta na rin naman tayo dun" pagsukong sabi ko.

Habang nilalakbay namin ang byahe papuntang mall ay nakatingin lang ako sa bintana at malalim ang iniisip.

Masaya naman akong makita si Buern. Syempre ang tagal din nung huli namin pagkikita. Pero kasi isang imahe ang di matanggal sa isipan ko. Pinilit ko naman ito isang tabi pero bumabalik at bumabalik parin ito.

**Mall**

"Kain muna tayo baks. Tom jones na me" sabi nya na syang kinatunguhan ko. Wala pa ako sa mood makipag usap. Baka mamaya mainis na talaga sya saakin at iwanan na nya talaga ako.

"Sa Jollibee na lang tayo?" Tanong nya na syang kinunutan ko ng noo.

"Libre ko naman ah? Pati alam kong wala ka sa mood at ito lang ang paraan para mabawasan yang pagka imbyerna mo" sagot nito.

Napahingang malalim na lang ako. Totoo naman kasi na isa ito sa solusyun para mawala itong pagkabadtrip ko.

"Ako na oorder. Ikaw na lang maghanap ng mauupuan natin" suggest nya kaya ito ako ngayon naghahanap ng mauupuan naming dalwa.

Luminga linga ako sandali at nakakita na ng bakanteng upuan. Dali dali naman akong pumunta roon at baka maagawan pa kami. Mahirap ng maagawan noh. Tingnan mo naagawan na nga ko ni......... Ay joke lang pala kasi in the first place wala naman nga palang kami.

Habang hinihintay na makaorder si Buern ay nakasubsob lang ang mukha ko sa braso ko na nakapatong sa upuan. Dala na rin siguro ito ng pagod sa trabaho.

"Pagod ka ba talaga?" Biglang salita ng nasa harapan ko.

"Hindi ba obvious?" Matamlay ko paring sagot.

"Ano ba kasing problema mo ha? Hindi ka naman magkakaganyan kung wala kang problema e. Pati huwag mo nga akong matarayan ng ganyan viceral nako nako nako" pagbabanta nya saakin.

Mrs. PerezWhere stories live. Discover now