Chapter 26

840 50 84
                                    

Vice's P.O.V

Nakaupo ako ngayon at nagmumuni. Mga sampung minuto ko na rin itong ginagawa. Kasi ba naman ang tagal tagal dumating nung kumag na Ion na yun.

Napatigil lang ako sa pagmumuni ng may biglang nagtext.

"Goodmorning🥰"

Ay anong nakain ng taong ito?

"Anong atin?" Reply ko dito.

Pagkatapos kong maisend ay ilang segundo pa lamang ay nagkatanggap na agad ako ng reply.

"Labas ka"

Aba at inutusan pa ako. Napatingin naman ako sa bintana at tinanaw kung anong meron sa labas. Nakita ko naman agad ang isang magarang sasakyan. Kinuha ko na rin ang bag ko at nagtungo na palabas.

"Goodmorning" sabit nya pag labas ng kotse.

"Anong good sa morning kung ikaw agad makikita ko?" Mataray kong sabi

"Ay ang sakit naman nun. Minsan na nga lang ako maging mabait sayo tapos ginaganyan mo pa ako" madamdamin nitong sabi.

"Ano ba kasing trip mo? May sakit ka ata e"

"Meron nga"

"Ha? Eh bakit nandito ka? Umuwi ka na nga! Jusko di na lang manatili sa bahay. Uwi choooouuuu!" Pagtataboy ko rito. Aba may sakit na ngat lahat nagagawa paring umalis.

"Ay ayaw mo nun kahit may sakit sya iniisip ka parin nya" sabi ni inner vice.

"Che manahimik ka di kita need" pagpapaalis ko rito.


Napatingin naman ako sa kausap ko na ngising ngisi.

"Oh anong ngini ngisi mo dyan?" Mataray kong tanong.

"Kyut mo mag alala" aba'y gago talaga.

"Hoi ikaw lalaki ka baka kasi kung mapaano ka pa. Mamatay ka bigla dyan ako pa masisi"

"Chill ka lang kasi. Oo may sakit ako"

"Oh tingnan mo may sakit ka nga umuw----"

"Sakit sa puso pag di ka nakikita" pagpuputol nya saakin.

Napatahimik naman ako dun. Tingin nya ata madadaan nya ako sa ganyan. Hoiii di kaya. Pero konting push pa hihihi.

"Oh natahimik ka dyan? Aminin mo na lang kasi kinilig ka" pagtutukso nya pa.

"Tse! Bahala ka dyan" sabi ko rito at tumalikod na.

"Uy joke lang naman" sabi nito at hinawakan ang aking kamay.

Ang bilis mo naman po kuya.

Napatitig na lang ako sa aming mga kamay. Bigla ko naman naalala ang isang imahe ng huling tao na nakahawakan ko ng kamay.

"Vice!" Napabalik ako sa wisyo ng magulat ako sa tumawag saakin.

Sabi ko na nga ba familiar yung boses.

"Ma'am Vice!" Tawag din saakin ni hipon. Ay ni Isabell pala.

Kaya pala ang tagal nyang makarating may sinundo pa sya. Di naman ako na informed grab driver din pala itong si kupal.

"Vice ano tutunganga na lang dyan? Aba may trabaho pang naghihintay sayo" sermon saakin ni Ion.

"Uhmmm....Shanlee pwede bang ihati---"

"Vice ano na?! Malalate na tayo oh!" Sigaw ni Ion.

"Brad huwag mo naman sigawan" pag awat ni Shanlee.

Mrs. PerezWhere stories live. Discover now