Chapter 10

846 33 11
                                    

Vice's P.O.V

Ng maihatid ako ni Buern sa bahay, ay dumeretsyo na ako sa taas para maligo. Sobrang banas kaya naisip kong maligo na lang muna. Habang naliligo ako inaalala ko ang mga nangyari ngayong araw. kung papaano ko nawitness ang pag-amin ni Buern. Ang pagbangga saakin nung lalaki. At lalong higit sa lahat ay yung pagkikipag-away ko sa mga asungot na yun. Ang kakapal ng mukha para manlait ay sila itong kalait-lait. Pero kahit ganun hindi ko maiwasang maguilty sa ginawa kong pagbawi sa kanila. Feeling ko sobra naman yung pagpapahiya ko sa kanila kanina. Pero hindi ko rin naman kasi masisi na ginawa ko yun. Ikaw ba naman pagsalitaan ng masama. Minadali ko na ang pagligo ko at baka kung saan pa umabot ang aking pag-iisip. 

Nagsuot na ako ng pantulog kasi napagod rin ako sa Shopping Galore namin. Bukas na lang ako tatakas kasi hanggang ngayon grounded parin ako. Ewan ko ba kung bakit, sinunod ko naman sila hindi na nga ako tumakas sa date eh. Pero wala na din akong magagawa sila ang laging nasusunod eh. 

Nakahiga na ako ng mapansin ko na mayroong nakalagay sa lamesa ko. Tumayo ako para makita kung ano iyon.

"Ano 'to?" Tanong ko sa sarili ko habang binubuksan ang envelope.

"Business Proposal"

Takang taka ako kung bakit mayroong ganito sa kwarto ko. Eh usually sa kwarto ni daddy ko to nakikita.

Bumaba ako para sana itanong kay Manang kung bakit asa kwarto ko to. Pero nagulat ako ng makita ko sila mommy na nasa baba.

"Kanina pa po kayo andyan?" Tanong ko sa kanila sabay upo rin sa hapag kainan.

"Hindi 'nak. Kakarating lang din namin" Sagot naman sakin ni mommy

"Ah......dad sa inyo po ata to. Namali po ata ng lagay si yaya. Sa kwarto ko po kasi yan nakalagay" Sabay abot ko sa kanya nung envelope

"Hindi namali ng lagay si yaya Viceral. Sayo talaga yan hindi mo ba binasa?" Tanong nito at binalik sakin ang envelope

"Ha? Eh daddy ano naman po ito? Di po pa sinabi ko na po sa inyo na ayaw ko nga po magtrabaho sa kumpanya" inis na sabi ko.

"Anong ayaw Viceral?! Sa ayaw at sa gusto mo magtratrabaho ka dun" Galit na sabi nito.

"Hon, huwag mo naman pag taasan ng boses yang anak mo" Awat dito ni mommy

"Sumosobra na yang anak mo. Kahit anong sabihin ko hindi naman sinusunod. Alam mo bang nakipag away na naman yan?" Galit paring sabi ni daddy

Oh diba sabi sa inyo eh alam na agad iyon ni daddy. Si daddy pa.

"Aba anak hindi ka namin pinalaki para makipag away ha!" Ayan na nga po nagsabay na po sila.

"Kung sana man lang tinanong nyo muna kung anong nangyari e di sana hindi kayo nagagalit sakin ngayon" mahinang sabat ko sa kanila

"Aba at sumasagot sagot ka! Ayan ba natutunan mo sa pagiging bakla mo ha?" Aba ano namang kinalaman ng pagiging bakla ko rito?

"Hon, baka naman tama ang anak natin. Oh anak ano ba kasing nangyari" Mahinahon na sabi ni mommy

"Hindi naman po kasi ako ang nauna. Sila itong nagbato saakin na kung ano-ano. Pinagtanggol ko lang naman sarili ko ano ba masama dun?" Lakas loob kong sumbong

"Eh ano bang napala mo nung gumanti ka? Oh diba lalo mo lang pinatunayan sa kanila na tama yung sinasabi nila sayo? Akala ko ba graduate ka ng Summa Cum Laude? Umasta ka ng maayos Viceral. Grown up! Hindi ka na teenager para makipag away ng ganun!" Pangangaral sakin ni daddy

"Anak, tama ang daddy. Wala ka naman mapapala sa pakikipag away e. Kaya tumahimik ka na lang at iwasan mo na lang ang mga ganun" Dagdag na sabi ni mommy

So ano gusto nila manahimik na lang ako? Aba hindi pwede yun! Ako yung topic dito. Kung para sa kanila madali na iwasan na lang ang ganun pwes para saakin hindi!

Palibhasa may magtatanggol sa kanila. Eh saakin? Sarili ko lang ang meron ako kaya't hangga't maari ipagtatanggol ko ang sarili ko sa kahit na sinong umaapi sakin.

"Nakikinig ka ba Viceral?!" Daddy.

"Opo." Yun na lang ang nasabi ko habang palihim na pinupunasan ang luha na tumutulo sa mata ko.

"Nabalitaan ko din kung anong nangyari dun sa nakadate mo nung isang araw. Yung anak ng mga Rodriguez. I guess alam mo na mangyayari" Pag iiba nito ng topic.

Hayysstt expected!

"Opo"

"Good"

"Ay nak! Andito nga pala kami para ipaalam din sayo na yang hinahawakan mong envelope ayan ang aasikasuhin mo for a while. Binigay na namin yang project na yan sayo tutal wala ka din naman masyadong ginagawa kundi magbar at makipag away lang" Baling na sabi saakin ni mommy

Yun ang alam nyo.

"Subukan mong ipalpak yan, may paglalagayan kang bata ka" Banta naman na sabi ni daddy.

Oh! I'm scared *insert sarcasm

"Start ka na sa isang araw. Pero hindi ibig sabihin nun ititigil na namin ang pagse set up ng date sayo."

Nye nye nye. May rason na ako para hindi makasipot. Hindi na ako kakabahan pag hindi ako sumipot.

"Oh sya mauna na kami. At maaga pa kami bukas. May meeting ka sa isang araw kasama ang business partner na makakasama mo sa project na yan. Itetext na lang nung secretary ko sayo kung anong oras. Pumunta ka ako na ang nasasabi sayo" Dagdag pa nito bago sumakay sa kotse at nagpaharurot.

Hayyssttt magiging busy ako for the next month. Mamimiss ko magbar shit. Tinitigan ko ang kabuoan kong suot. Nagdadalwang isip ako kung itutuloy ko ang plano na magbar ngayon. Pero naalala ko may bukas pa naman para dun kaya mas pinili ko na lang din magpahinga. Sisiguraduhin kong susulitin ko na ang pagwa walwal ko bukas. May posibilidad na last na walwal ko na yun this year.

Sinuri ko ang buong Business Proposal at napagtanong isa ito sa mga pangarap kong magyari nung bata pa lang ako.

Nung bata pa kasi ako gusto ko ng maging Business Woman pero nagbago ito nang nasaksihan ko ang mga nangyari sa mga magulang ko kaya naman nag iba na din ako ng gusto.

The Business Proposal is about expanding our company. Now I understand kung bakit need din namin ng Business partner here. Hindi magiging madali ito para saakin dahil first time kong hahawak ng ganitong project. Habang binabasa ko ang mga nakalagay dito ay may naisip ako bigla.

*Calling Buern*

"Baks!!!!" Bungad ko dito.

"Gabing Gabi na Vice!" (Ay taray live ka Gh0rl)

"May tanong ako!" Sabi ko parin dito

"Ano kasi yun? At bakit di na lang ipagpabukas?" Tanong dito na halata mong inis na inis

"Hindi ito makakapaghintay ng bukas!" Sabi ko dito

"Diba nabanggit mo na ang hawak mong project ngayon ay about expanding your company. And since business partner ang mga magulang natin----"

"Ay tayo ang magkasama sa project na yan" pagputol saakin nito.

"Hindi ba?...."

"Nabanggit saakin ni daddy na hindi ikaw ang makakasama ko since nalaman ko kila tito na may binigay sayong project na katulad din na ng project na binigay saakin" dagdag pa nito

"Mas nauna mo pang malaman kesa sakin. Ikaw anak?" Sabi ko rito ng natatawa.

"Pumunta din kasi kami sa kumpanya nyo kanina para ipaalam sa kanila na hindi na matutuloy ang date natin"

"Ah....kaya pala" "I wonder kung sino kaya yun at bakit hindi na lang ikaw" takang tanong ko.

"Malalaman mo rin yan. Kaya ngayon ibababa ko na ang tawag na ito at ako'y magpapahinga na. Pahinga ka na rin. Lab u bakkss!" Sabi nito saakin bago binaba ang tawag.

Sana naman maayos at magkakasundo kami nung ipapartner saakin nila daddy. Jusko first project ko ito kaya sana maayos kong magawa.









Hi ebrione!!!! Ito na bawi time na ulit!🧡
Shout out nga pla kay june_mhyrine hi manager nag ud na po ako🤣

Mrs. PerezWhere stories live. Discover now