Chapter 35

818 41 60
                                    

 Vice's P.O.V

Nagtatakbo ako papunta sa kwarto kasi hindi ko na kaya. Gusto nang kumawala ng mga luha ko na kanina ko pa tinitiis. Oo bakla ako pero may karapatan parin akong masaktan. Hindi ako madaling maiyak pag dating sa ganito pero wala e, kahit anong balewala ko sa sinabi ni Ion bumabalik balik parin yung sakit. 

Ilang minuto pa ay may naramdaman akong tumabi saakin.....

"Tita Vice, ayos lang po ba kayo?" Tanong ni ayumi sa akin.

"Tita Vice, 'wag na po kayo sad. Papanget po kayo nyan" dagdag nya pa.

Hinarap ko naman sya at niyakap ng mahigpit. Naramdaman ko namang nagulat sya kaya di agad sya nakayakap pabalik. Pero di kalaunan ay naramdaman ko na rin ang kamay nya sa likod ko.

"Bakit ka nga pala naparito?" sa pag kakaalala ko kasi ay nasa swimming pool sya kasama ng isa nya pang pinsan.

"Nakita ko po kasi kayong tumatakbo at parang nagmamadali. Tapos napansin ko rin po yung maluha luha nyong mata kaya po di na ako nagdalwang isip na sumunod" Sabi nito at mas lalong hinigpit ang yakap nya sa akin.

"Nako, naabala pa kita sa pagswi-swimming mo HAHAHA. Sige na bumalik ka roon at baka hinahanap ka na rin ng mommy mo" Sambit ko ng makahiwalay na sa yakap.

"Mamaya na po siguro. Sisiguraduhin ko po munang ayos kayo bago ako bumalik" matapos  nya tong sabihin ay hindi ko napigilan umiyak. Apaka sweet na bata.

"Oh Tita, naiyak ka na naman po. Pls tama na po" nag aala nyang sabi at dali-daling pinunasan ang luhang tumulo sa kanang mata ko.

"Thank you Ayumi. Sige na bumalik ka na roon at ayos na ako"at niyakap sya sa huling pagkakataon.

Pagkatapos ng pag uusap namin ni Ayumi ay hindi ko maiwasang maalala sya. Kaya wala pang ilang minuto ay kinuha ko na ang telepono ko at nagmadaling idial ang number nya.

"Babbyyy!!!!!" Bungad na bati nya matapos masagot ang tawag

"Babyyyy......" sinadya kong lungkutan ang tono ko ng sa ganun ay mapansin nyang hindi ako okay.

"Baby anyare po sayo?" mula sa tono ng pananalita nya ay masasabi mong alalang alala sya.

"Hindi ako okay Baby e" pag amin ko.

"Nako hindi pwede yan! Asan ka ngayon pupuntahan kita" Natawa naman ako sa sinabi nya.

"Baliw alam mong hindi pwede" natatawa kong sabi.

"Ihhhh kahit na baby. Sad ka po e" 

"Want ko lang po lambeng mo baby ayos na po ako" Pagpapabebe kong sabi

"I miss you po Baby" 

"I miss you too Baby. Matagal tagal na din nung huli nating pagkikita Baby e" 

"Ikaw kasi Baby hindi ka na pumupunta dito. Kapag naman susunduin ka ayaw mo rin. Feeling ko tuloy ayaw mo na saakin" naiiyak nitong sabi

"Uyyy! Hindi yan totoo  Baby ha? Mahal na mahal kita at promise ko sayo pagbalik ko dyan sa Manila dadalawin kita" 

"Promise yan Baby ha?" paninigurado nito

"Promise Baby"

"Mahal na mahal po kita" sabi nito

"Mas mahal po kita" "Oh sige na po baka po naabala na kita sa ginagawa mo. I love you and I miss you!"

"Bye Baby!"

"Byieee"

At natapos na nga ang tawag. Grabe parang mas lalo ko syang namiss sa call na yun. Imbis na gumaan yung loob ko mas lalo pa atang napabigat. 

Siguro dahil na rin sa pag-iyak ko kanina ay nakaramdam ako ng antok. Kaya napagdesisyunan kong matulog na lang muna. 



Ion's P.O.V

Matapos ang pangyayari iyon ay dumeretsyo muna ako sa likod ng resort para makapag isip isip. Miski ako ay nagulat na lang sa nangyari kasi hindi ko naman itensyon na masaktan sya. Iniisip ko lang naman ang makakabuti sa kanya, masama na ba yun? Kasi bilang lalaki at biglang malapit sa pamilya nya hanggang maari hindi ako papayag na masaktan sya. 

"Bro....." pagtawag ng atensyon ko ni Gian.

Tumingin lang ako sa kanya saglit at binaling na ulit ang tingin sa mga puno.

"Alam ko namang gusto mo lang sya maprotektahan. Pero Bro, sa tingin ko sumobra ka na dun"

"Hindi naman sa kinakampihan ko sya Bro. Pero sa tingin ko kailangan mo lang din ipaintindi sa kanya yung side mo. Madadaan naman yan sa usap Bro" Dagdag pa nito.

Tumingin lang ako dito at binawela na ulit ang sinabi nya. Bahala sya sa buhay nya. 

"Hindi ka parin pala tumitigil sa bisyo mo" Puna nito saakin ng mapansing naglabas ako ng sigarilyo.

"Akala ko ba tinigil mo na yan last month?!" 

"Tinigil ko nga" Simpleng sagot ko.

"Oh eh anong nangyari?" 

"Ano pa ba sa tingin mo?" iritable kong sabi

"Hayysttt......Hindi na talaga nadala. Sige na una na ako dun at baka naghahanda na sila ng hapunan. Sumunod ka na dun ha." sabi nito at umalis na

Tumingin naman ako sa hawak kong sigarilyo. Hindi ko pa naman ito nasisindihan kaya minabuti kong itago na lang din ito. Hindi ko na dapat 'to ginagawa ngayon pero hindi ko matiis. Ito na lang kasi ang nagsisilbing pampakalma ko. 

Huminga muna ako ng malalim bago pumasok. Konting lakad lang naman ito kaya hindi nagtagal ay nakapasok na din ako. Malapit na ako sa kubo ng mahagip ng paningin ko yung nambastos kay Vice kanina. Tiningnan ko lang sya ng matalim at dumeretsyo na.

"Humanda ka sakin"



"Noi, puntahan mo na si Vice. Sabihin mo kakain na ng hapunan" Utos sa akin ni kuya.

Agad naman akong tumayo at umalis. Nasa kagitnaan ako ng paglalakad ng makita ko sya kasama si Ayumi.  Mukhang kakagising lang nito dahil makikita mo ang pagka tamlay nya. 

"Tinawag mo na pala" Sambit ko ng makalapit na sila.

"Obvious naman diba?" Pabalang na sagot ni Vice.

"Nako Tito, pagpasensyahan nyo na po si Tita Vice kakagising lang po kasi nyan e"

"Huwag ka ng magpaliwanag dyan Ayumi. Hindi ka rin naman nyan papakinggan" Sambit ulit ni Vice at nauna na.

"Tito.......magsorry na po kayo kay Tita. Kanina pa po yan umiiyak" Sabi ni ayumi at sumunod na rin kay Vice.

Tskkk. Pinamumukha pa akong masama, ay sya na nga itong niligtas ko.

 Bakit kaya di na lang magpasalamat? 

Tsk! Mga babae nga naman.









Hiii guysss! Sorry kung ngayon na lang ulit nakapag ud busy pa sa school works e. Lab lotss sorry sa pabitin ulit HAHAHAHA😅🧡

Mrs. PerezWhere stories live. Discover now