Chapter 5

926 40 35
                                    

Vice's P.O.V

Nakahiga ako ngayon sa couch ng kwarto ko habang nanunuod ng Money Heist sa netflix. Last 2episode na rin naman kaya napagdesisyonan kong tapusin na din ito ngayon. Nasa kalagitnaan ako ng panunuod ng biglang may kumatok sa pintuan ko.

"Ma'am Vice, pinapasabi po ni sir na bumaba raw po kayo" Sabi naman ni ate Jane, isa sa mga katulong dito sa bahay.

"Andyan sya?" Takang tanong ko dahil hindi naman sila dito natutulog sa bahay. Dun sila namamalagi sa condo nila malapit sa kumpanya para daw mas madali ang byahe papuntang kumpanya. Pumupunta lang sila dito kapag may kukunin na gamit o di kaya kapag may okasyon

"Opo Ma'am"

"Ah..sige ate Jane" Agad ko namang niligpit ang mga kalat ko at patakbong bumaba.

Naabutan ko naman si Mommy na nakaupo sa couch habang kausap si Manang.

"Mommy!" Tawag ko sa kanya matapos kong makita na tapos na sila mag usap ni Manang

"Oh anak buti naman at hindi ka umalis ngayon" Masayang sabi nito

"Sya nga pala pumunta kami rito para kunin yung ibang gamit at kamustahin ka na rin"

Kamustahin? Seryoso ba ito? Ito na ba yung moment na pinakahihintay ko? Mangyayari na ba yun ngayon? Thank you G? Dabest ka talaga!

"Oh Viceral! Andyan ka na pala!" Pagbabalik ulirat naman saakin ni daddy

"Himala hindi ka tumakas ngayon" pagpuri pa nito sakin

Tanging tunggo na lang ang naisagot ko sa kanya. Tama naman sila nakakagulat na hindi ako tumakas ngayon. Tinamad na din kasi akong lumabas kaya nagdesisyon na lang din akong tumambay dito sa bahay.

"Pinababa ka namin para kamustahin" Saad naman ni daddy na syang kinagulat ko.

"Kamustahin po?" Nag aalanganin kong sagot.

"Oo" diretsyong sagot naman ni daddy

"Ayos naman po ako" may paka alangan na sagot

"Ang ibig kong sabihin, kamusta ang paghahanda para sa date sa isang araw? Siguraduhin mong hindi ka na gagawa ng ikakahiya ko Viceral sinasabi ko sayo"

So ang kinamusta pala nila ay ang tungkol sa sinet up nilang date hindi tungkol sa lagay ko.

HAHAHA ang sakit.

Asang asa pa man din akong kinakamusta na nila ako. Bakit pa ba ako nag expect eh samantalang halos araw araw ko na rin ito nakagawian.

"Viceral!" Pabalik ulirat sakin ni daddy

"Opo dad. Hindi po ako gagawa ng ikakadumi ng pangalan natin.

"Siguraduhin mo lang Viceral. Kasi kapag nalaman kong tumakas ka na naman oh di kaya pinahiya mo ang kadate mo hindi na akong magdadalwang isip na ipakasal ka sa isa sa mga business partner namin" Banta sakin ni daddy

"Hon, hinay hinay lang. Anak mo parin yan" pagsusuway ni mommy kay daddy

"May anak bang pinapahiya ang sariling ama? Matuturing anak ba yun ha Hon?"

"Bakit may magulang din bang pinagkakait sa anak ang kaligayahan nito?" Pabuling kong sabi

"Anong sinasabi mo Viceral?"

"Ah....wala po dad"

"Meron narinig ko!"

"Oh narinig mo naman pala bat ko pa uulitin?" Pabulong ko parin sabi

"Isa pa Viceral! Hindi ako magdadalwang isip ipalayas ka sa pamamahay na ito!"

"Hon!" Pag aawat nya kay dad

Mrs. PerezWhere stories live. Discover now