Chapter 3

1K 43 19
                                    

Vice's P.O.V

Pagkagising ko napahawak agad ako sa sentido ko sa sobrang kirot. Pilit kong inaalala kung paano ako nakauwi pero wa epek.

Pagkatapos kong mag unat-unat, napagdesisyon ko na lang na bumaba para kumain na ng hapunan.

Yes tama kayo ng basa HAPUNAN. Hindi na bago sa mga kasama ko dito sa bahay yun kasi halos araw araw naman ganoon ang nangyayari. Pati ang swerte nga nila e. Hindi na sila mahihirapan mag silbi sakin kasi tuwing gabi lang ako nabangon.

"Anak Vice, yung tatay mo kanina ka pa tumatawag" Sabi ni manang na kakagaling lang sa kusina

"Oh sige manang"

Inabot ko naman ung telepono inaaro nya sakin

"Magandang gabi po kamahalan. Ano pong maipaglilingkod ko sainyo?" Pabungad kong bati

"Tigil-tigilan mo ko sa mga ganyan mo Viceral!"

"Ano ba talaga ang gusto mo ha? Kung hindi ko pa itatanong sa mga kasama mo sa bahay hindi ko pa malalaman na nasa bar ka na naman. Ilang beses ko pa ba sasabihin sayo na huwag ka ng mag bar lalo pa't malapit ko ng ibigay sayo ang kumpanya?"

Blah blah blah! Hayyyssttt pajuliet-juliet! Pag sinabi ko naman ang gusto ko hindi rin naman ako pagbibigyan. Masasayang lang laway ko.

"Viceral! Nakikinig ka pa ba?!"

"Yes dad"

"Umayos ka kung gusto mo pa mabuhay!" "Seryoso ako Viceral! Baka makalimutan kong anak kita" Pagtatapos nya ng usapan

Napaub-ub na lang ako sa lamesa matapos ang usapan namin ni dad. Bakit ba hindi nila maintindihan na hindi ko gusto yung pinagagawa nila sakin. Buong buhay ko hindi sumagi sa isipan ko na magtrabaho sa kumpanya namin. At maging katulad nila. Mahirap bang intindihin na gusto ko ng tahimik na buhay?

Gusto ko sanang magbar ngayong gabi, kaso sure akong hindi ako papabalasin dito sa bahay ngayon. Kaya no choice ako kundi magmukmok na lang dito.

Sakto naman pag-angat ng ulo ko ay syang lapag nila manang ng hapunan.

"Manang, sabay sabay na po tayo kumain"

"Nako Anak pasensya ka na pero nauna na kasi kaming kumain" Malumanay na sabi ni Manang

"Ah...sige po manang"

Minadali ko na ang pag kain ko tutal wala din naman kasing rason para tumagal pa ako. Pagkatapos kong kumain dumeretsyo muna ako sa garden para makapag isip isip.

Paano kaya kung nabuhay ako sa simpleng pamilya? Siguro sobra kong saya kasi magkakasama kami sa hirap at ginhawa. Lagi kaming nandyan para sa isa't isa. Nagtutulungan sa bawat hamon na haharapin namin. Siguro hindi ako magiging ganito. Yun lang naman ang gusto ko e. Yung andyan sila. Lumaki na kasi akong wala sila. Lagi silang busy sa pagpapalago ng kumpanya.

B-U-S-Y. Bakit kasi naimbento pa yung ganyan word. Tangina hindi naman siguro kawalan kung magkaroon man lang sila ng kahit konting oras para sakin diba?

Inggit na inggit nga ako sa mga kaibigan ko kasi kahit sobrang busy at hetic ng mga sched ng magulang nila nagagawan parin nila ng paraan para makamusta man lang sila.

Eh ako?

Sa bawat tawag na natatanggap ko galing sa magulang ko. Nagbabakasakali ako.
Nagbabakasali na yung tawag na iyon hindi tungkol sa kumpanya o di kaya tungkol sa sinet up nilang date sakin.

Buong buhay ko puro kumpanya o di kaya dates lang ang naririnig ko sa kanila. Ni minsan hindi man lang nila kinoncider yung side ko. Akala ko ba pamilya?

HAHAHA akala ko lang pala.

Kaya pinangako ko talaga sa sarili ko na kung magkakaroon man ako ng pamilya hinding hindi ako magiging kagaya ng mga magulang ko. Su-supportahan ko yung magiging anak ko. Lagi ko syang kakamustahin. Hahayaan ko sya sa pangarap nya as long as alam kong magiging ligtas sya dun. Hindi ko hahayaan na lumaki sya katulad ko.
Katulad kong hindi man lang maipaglaban ang karapatan nyang maging malaya at masaya. At higit sa lahat sisiguraduhin kong mapapalaki ko syang dama nya ang labis kong pagmamahal sa kanya.

Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko. Nakatingin ako sa kalawakan habang pinupunasan ang mga luhang walang tigil na bumubuhos. Ang sakit lang kasi isipin na hindi ko nararanasan ang mga ganoong bagay. Ini-intindi ko naman na ang lahat ng ginagawa nila ay para saakin pero hindi man lang ba nila alam kung ganoo kasakit yung nararamdaman ko ngayon?

"Need a shoulder to cry on?"

Agad akong napalingon sa pinanggalingan ng boses na yun. At nakita ko si manang na may dala dala na ice cream at mga gamit panlatag. Napangiti naman agad ako ng makita ko yung mukha nya.

"Mukhang malalim-lalim yung iniisp mo ah? Nako baka hindi ko yan mahukay ikaw din" pabiro nyang sabi

"Manang!!!!!"

Hindi ko na napigilan sarili ko patakbo akong pumunta sa kanya at niyakap agad sya ng mahigpit. Dali-dali naman nyang sinalubong ang mahigpit kong yakap.

"Anak, hindi na ako makahinga"

"Ay sorry manang. Na excite lang ako sa ice cream"

"Ikaw talagang bata ka" natatawa nyang sabi

"Oh ano tara na? Ilapag na natin ito baka matunaw na itong ice cream na dala ko. Ikaw din" dagdag nya pa

Agad ko naman syang tinulungan ilapag ang gagamitin naming panlatag. Pagkatapos namin ayusin ay agad ko syang tinulungan maka upo. Alam nyo naman ang matatanda.

"Anak, bakit ba kasi hindi ka na lang tumigil dito sa bahay? Alam ko namang naboboryo ka dito pero hindi ba mas ligtas ka naman dito kesa sa mga bar na yan"

"Manang, ayun na nga lang po ang nagpapasaya sakin. Pati ba naman yun ipagkakait pa nila sakin?"

"Anak, hindi naman sa ganun. Inaalala lang kita. Baka mamaya magkasakit ka"

Nararamdaman ko na naman ang pagkabasa ng mga mata ko. Bukod sa mga kaibigan ko si manang lang din ang nakakaalam ng totoo kong nararamdaman. Kaya alaga na alaga nya ako. She make sure na nakakakain ako ng tama sa oras. Inaalam nya kung asaan ako para in case daw na may masamang mangyari sakin alam nya kung saan ako pupuntahan. May mga pagkakataon nga na gugustuhin kong magpa ampon sa kanya e. Kung si manang ang magiging magulang ko panigurado akong ako na ang pinakamasayang anak na nabuhay. Kaso hanggang day dream lang yun e.

"Alam ko po manang, pasensya na po" At sabay subo ang huling ice cream.

"Manang, pasok na po tayo sa loob. Alam ko pong pagod pa kayo kahit konti lang naman po talaga ang ginawa nyo" Napatawa naman sya sa sinabi ko.

Inalalayan ko sya sa pagtayo at pagpasok sa loob. Nagpa alam na din ako na aakyat na ako sa taas para makapag pahinga na rin.

Pero bago ko pa man din maipikit ang aking mga mata isang imahe ang lumitaw sa isipan ko. Ito ang ang lalaking nagnakaw ng first kiss ko.




Hi guysss!!!! Sorry kung masyadong natagalan ang pag uupdate ko. Medyo tinataman tayo ng katamaran e. Sana maintindihan nyo.

Hi nga pala sa manager ko june_mhyrine mag ud ka na din daw po🤣

Lab u guys!😘🧡


Mrs. PerezWhere stories live. Discover now