Chapter 15

808 39 14
                                    

Ion's. P.O.V

Nakalipas ang ilang minuto pero wala paring Vice na lumalabas. Naiinip na ako kakahintay kaya naman lumabas na ako ng kotse at nagdoorbell. Nakatatlo akong pindot pero wala paring lumalabas para papasukin ako.

Pipindutin ko na ang pang-apat na doorbell ng marinig ko ang pagbukas ng gate. Tinanong ko naman agad yung guard kung bakit hindi pa lumalabas ang amo nila. Pero ang tanging sagot na nakita ko ay ang bakas na pag aalala sa mata nya.

"Sorry Sir kung kanina pa kayong naghihintay. Pero sa tingin ko po hindi muna makakapasok si Ma'am Vice ngayon" Magalang na sabi nung guard.

"Ha? Eh bakit naman biglaan? Eh di sana kanina pa ako nakauna! Pati hindi sya pwedeng umabsent ngayon. Meron kaming schedule na meeting with board members" Galit na tanong ko rito.

Nakakainis. Kanina pa akong naghihintay dito sa labas tapos last minute bigla kong malalaman na aabsent sya? Pati usapan na namin na kaya namin sinet ang meeting ngayon ay para kapag humarap kami sa kanila ay nakapagpahinga na kami.

"Pasensya na po talaga Sir Ion. May emergency lang po kasi" masisinsinan nitong sabi.

"Eh ano ba naman kasi yang emergency na yan at hindi man lang nya nagawang itext ako?" Yamot ko paring sabi.

"Nahimatay po kasi sya matapos sumuka ng ilang beses" Nagulat naman ako sa sinabi nya. Kung kanina nya pa sinabi eh di sana hindi ako ganitong kagalit kay Vice.

Pumasok na agad ako matapos kong marinig ang sinabi nung guard. Hindi naman nya ako hinarangan dahil kilala naman ako dito.

Pagkatungtong ko pa lang sa bahay nila ay kita ko na agad ang mga maids na aligaga. Sakto naman at nakita ko yung isang maid na may dala na mga gamot at towel.

"Hmmm...ate?" Pagtawag ko sa atensyon nya. Hindi naman ako nabigo dahil nakuha ko ito.

"Bakit po Sir?" May taka nitong sabi.

"Papunta ka ba sa kwarto ni Vice?" Tanong ko sa kanya kahit obvious na naman ang sagot.

Tanging pagtango lang ang sinagot nito saakin. Hindi na ako nagsalita at sinundan na lang sya.

Pagkarating ko sa kwarto nito ay nakita ko na agad si Vice na sobrang putla. Base sa itsura nya ngayon masasabi mong hinang-hina ito.

Lumapit ako dito para icheck ang temperatura nya. Pero hindi ko pa man nailalapat ng tuluyan ang kamay ko sa noo nya ay napaatras na agad ako.

Sobrang init nya!

"Pakihanda po ng mga damit nya. Dadalhin na po natin sya sa hospital" Sabi ko naman sa mga katulong na nandito sa kwarto.

"Sir...?" Sabi nung matanda/Manang

"Bilisan nyo na" Sabi ko rito habang buhat buhat na si Vice.

Pinigilan naman ako nung isa pa. Malapit na ako sa may pintuan ngayon pero bigla nyang sinarado ang pintuan.

"Hindi nyo ba ako narinig ang sabi ko-----"

"Narinig ka namin Sir. Pero hindi po kasi pwedeng dalhin si Ma'am Vice sa hospital" pagpuputol nito saakin.

"Ha? Bakit naman hindi? Eh ang taas taas ng lagnat nya" Taka ko paring sabi.

"Ayaw po kasi ni Ma'am Vice na dinadala sya sa hospital" Magalang parin nitong sabi.

Wala na akong nagawa. Kaya binalik ko na lang ulit sa pagkakahiga si Vice.

"Tinawagan nyo na ba sina Tito?" Tanong ko sa kanila habang inagaw kay yaya ang towel at pinunasan si Vice.

Mrs. PerezWhere stories live. Discover now