Chapter 44

828 48 30
                                    

Vice's P.O.V

Naalimpungatan ako sa higpit ng yakap ng katabi ko. Itong si Ion kung mayakap akala mo wala ng bukas. 

Dahan-dahan kong inalis ang mga bisig nya sa bewang ko. Hindi rin nagtagal ay nagising na rin sya.

"Uuwi na ako, for sure hinahanap na rin ni Mommy yung koste nya" sambit ko.

"Bago ka umuwi, mag breakfast muna tayo" sagot nito at tumayo na.




"Anong gusto mo?" tanong nito habang nagtitingin ng maluluto sa ref. 

"Pwede bang ikaw na lang?" wala sa sarili kong sagot.

Pansin ko naman ang pagtitig nya sa akin. Ano na naman kaya problema nitong lalaking to. 

Makalipas ang ilang segundo ay hindi pa rin ito naawat sa pagtitig nya sa akin. Kaya naman nakipagtitigan na rin ako.

"Ganyan ba epekto ng halik ko kagabi?" nang-aasar nitong tanong.

"H--ha? a-anong halik? Pinagsasabi mo dyan?" kinakabahan ako. Paano nya naalala yung nangyari kagabi?

Lasing sya diba? Sabihin nyo paano naalala ng isang lasing yung ganoong pangyayari?? Urghh! di pwede yun! Paano na ngayon hindi na nya ako tatantanan dahil dun.

Sinarado nya ang ref at lumapit sa akin.

"Halik ko lang pala magpapatahimik sayo Viceral. Hindi mo naman ako sinabihan, e di sana matagal pa lang ay hinalikan na kita" sabi nito at kinindatan ako. 

"Ang kapal!"

"First of all, ang baho ng hininga mo nung hinalikan MO ako. Hindi sya amoy alak, amoy imburnal sya!  At pangalawa ni hindi nga ako tumungon sa halik na yun" buong depensa kong sagot.

"Hindi daw tumungon" pang-aasar pa nito.

"Hindi naman talaga e!"

"Oh sige sabi mo e"

"Magluto ka na nga lang dyan!" pagpapaalis ko dito.

"Hindi, sabi mo ako na lang . Nako Viceral iba talaga epekto ng halik ko kagabi, tingnan mo mas wild ka pa sa lion ngayon"

"Nako Ion tigilan mo ko kung gusto mo pang mabuhay" pag babanta ko dito.

"Ikaw 'tong gusto pa ako mabuhay ng matagal e" 

"Ang kapal talaga! Alam mo magluto ka na dun, gutom lang yan"

"Paano kung sabihin kong ikaw din ang gusto kong kainin?"

"Ahhh talaga Ion?"

"Talaga" sagot nito at mas lalong nilapit ang sarili.

At ito na naman tayo hindi makagalaw. Daig ko pa ang mga statue sa museum. 

"Oh bakit di ka makagalaw dyan Viceral?" Asar na naman nito.




Hindi na ako nakatiis, sa sobrang asar ko sa kanya ay ako naman ang lumapit dito at hinalikan sya ng mabilis.




Kitang-kita ko naman kung paano kumunot ang noo nito.

CUTE......


"Well it turns out na halik ko lang din ang makakapagpatahimik sayo Perez" sambit ko at tumungo na sa banyo.




Mrs. PerezWhere stories live. Discover now