Chapter 38

852 47 35
                                    

Vice's P.O.V

Maaga pa lang ay nandito na agad kami sa kumpanya. Need pa kasi namin i-gather ang lahat ng nagawa na namin para macheck na rin kung ano pa ang nawawala.

Kanina pa ako nakatutok dito sa mga papeles na nasa harapan ko. Pero hindi ko alam kung bakit walang pumapasok sa utak ko ngayon at hindi ko pa sila maisa-isa. Parang may pumipigil saakin na gawin 'to ngayon.

Nabaling naman ang atensyon ko sa cellphone ko nang may biglang may tumawag

*SHANLEE is calling

Nagdadalwang isip pa ako kung sasagutin ko o hindi. Last time na nagkausap kami ay nung bago pa kami pumuta sa Tarlac. Nagyayaya rin kasi sya na kumain sa labas.  Ay nasaktong busy rin ako.

Sa huli ay sinagot ko na rin. Baka mamaya magtampo pa to.

"Hmmmm......Hi?"

"Hi......" nahihiya kong sagot.

"Balita ko nakauwi ka na raw? Kamusta ang Tarlac?" Pangangamusta nito

"Oo kakauwi lang namin kahapon. At hindi naman ako ang Tarlac kaya di ko sure" 

"HAHAHAHA sabi ko nga. Haysttt lalo tuloy kitang namiss"

Kitang kita naman sa mukha ko ang pagkagulat ng sabihin nya ito saakin. Sanay na dapat ako sa ganyang galawan nya kaso hindi eh. Bakit parang may nag-iba?

"Uy andyan ka pa ba?" Tanong nito ng mapansing hindi na ako sumagot.

"Ay oo, sorry ang dami ko lang ginagawa" 

(Sinungaling. Ni hindi mo nga nagagalaw yang mga papeles sa harap mo)- Konsensya

Shhh! Wag kang maingay may iniisip ako.

"Ay naabala ata kita. Sige na mamaya na lang ulit. Sunduin na lang kita mamaya ha? See you later Mrs. Lopez"

"Sige" At natapos na nga ang tawag

Ang dami kong iniisip kanina pa at nadagdagan pa nito. Me and Shanlee is not yet a thing. NOT YET because we never got a chance to clarify kung ano ba talaga kami. Aaminin ko crush ko sya. Pero hindi ko maitatanggi na hanggang dun lang ang pagtingin ko sa kanya. 

Kung bakit ba naman kasi kung sino pa yung ayaw saakin ay sya pa yung natitipuhan ko? At kung bakit ba naman kasi hindi pa yung kusang lumalapit na lang sa saakin?

Urrgghhhh!!! Hindi ko na maintindihan. 

Bakit ikaw?!

Sa lahat bakit ikaw parin ang pinipili ko?! 

Kailan nangyari?!

Paano nangyari?!

"Anyare sayo?" Bigla na lamang akong napatayo ng marinig ko ang boses nya.

"Gulat na gulat?" sabi pa nito

"Kanina pa ako nakatok akala ko wala ka rito kaya pumasok na ako" Pagpapaliwang niya at naupo na sa sofa.

"Ano namang ginagawa mo rito?" Tanong ko rito ng makabalik na ako mula sa malalim na pag-iisip.

"Umuwi ako kasi may iaabot daw si Mommy sayo. Yan nasa paper bag"

Agad naman akong tumayo at pumunta sa kinalalagyan ng paper bag. Ilalabas ko na sana ang laman nito kaso may nakita akong note sa ibabaw. Agaran ko naman itong binasa ng malakas.

My Dear Vice,

       Nilutuan ko kayo ng napakasarap na Kare-kare para naman lalo kayong ganahan sa pagt-trabaho. Paghatian nyo na lang yan ni Nonoi at kung sobra pa ay baunin mo na lang pag-uwi mo. 

Mrs. PerezWhere stories live. Discover now