Chapter 40

809 43 31
                                    

Vice's P.O.V 

Nakalipas na ang ilang minuto ng hindi ko siputin si Ion sa 'dinner date' kuno namin. Ilang minuto na rin kami sa byahe. Hindi kasi sinabi ni Shan kung saan kami pupunta. Pana'y tingin lang din naman sya sa akin. 

Kung bakit ba naman kasi hindi ko naalala na naka-oo na nga pala ako sa kanya. 

Napaghahalata tuloy na makakalimutin na ako.

"Ayos ka lang?" Sabi nya ng hindi na nakatiis sa sobrang tahimik. Tangging pagtungo lang naman ang ginawa ko. 

Nag-aalala kasi ako baka lumayo na naman ang loob ni Ion sa akin. 

Ngayon lang ako nakaramdam ng lungkot sa pag hindi pag pansin sa akin. Mostly kasi wala ako pake kung hindi nila ako pansinin ng ilang araw o linggo o kahit taon pa yan. Pero 'pag dating kay Ion nalulungkot ako.

Noong una aaminin ko wala akong pakielam sa kanya. Pero nung tumagal na, hindi ko na maitanggi na hinahanap-hanap ko na sya. Gustohin ko mang pigilan ang nararamdaman ko, pero may kung ano sa damdamin ko na hindi pumayag na gawin ko ito. 

I know I shoudn't feel this kasi may Isabell na. Pero sa pag kakaalam ko hindi naman sila.

Yun ang hirap kay Ion e. Ang sweet-sweet nya kay Isabell pero pinipilit nyang itanggi ito. Bakit nya pa itatanggi yun kung halata na naman diba? Pero hindi lang kasi yun yung issue dito. 

Ang totoong issue, ay kung bakit ganun rin sya saakin? Hindi ako assumera or what. Pero even our staffs are wondering kung ano nga ba raw ang score sa aming dalwa ni Ion.

Daig pa raw namin ang mag-asawa kung magtalo. At daig naman daw namin ang nasa honeymoon vacation 'pag nag kaka ayos. Ewan ko ba pero imbis na mainis ako ay natawa na lamang ako ng marinig ko yan sa mga staff habang nasa lunch break sila. 

I was so preoccupied with the thoughts of Ion ignoring me that I didn't notice we're already here. (Shet google translate yan HAHAHAHA)

"Let's go?" Yaya nito at tinulungan na nga akong lumabas.

Andito kami ngayon sa fine dinning restaurant sa bgc. Ang L'Opera Ristorante Italiano. Italian Foods, hindi naman halata sa pangalan ng resto diba?

Tinanong nya na ako kung anong gusto kong kainin at umorder na sya. Buong gabi akong lutang kaya naman hindi ko na sya nachika. Sya lang itong nagkwe-kwento about sa mga nakalipas na araw. Samantalang ako pana'y lang sa pakikinig. 

Matapos kaming kumain ay nagyaya na akong umuwi. Nag imbita pa syang pumunta sa bar nya kaso wala talaga ako sa mood. Kaya ito kami ngayon tinatahak na ang daan pabalik sa bahay.

Nagui-guilty ako kasi pakiramdam ko wala akong kwentang ka-date. Sobrang bait nya, sobrang maalaga at higit sa lahat sya na yung boyfriend material na hahanapin ng isang babae. Pero ito sya ngayon nasasaktan. Kahit hindi nya aminin alam kong yun ang nararamdaman nya. Kita ko.........kita ko sa mga mata nya.


"Uy, bakit ka ba umiiyak?" Gulat nyang sabi at mabilisang pinunasan ang luhang tumutulo sa kaliwa kong mata. 

Patuloy lang sya sa pagpunas pero tila walang katapusan ang pagluha ko.

"I'm s-o-sorry" Mangiyak ngiyak kong sabi

"Ano bang nangyayari sayo? Wala ka naman ginawang kasalanan ah?" nalilito nyang sagot.

"Sorry......."

"Uy, bakit may nasabi ba ako?"

Labis naman ang pag iling ko. 

"Wala, wala kang kasalanan dito. Ako....ako ang meron"

"Vice kung ano man yun pinapatawad na kita. Now stop crying kasi pati ako naiiyak na" 

"Pinilit ko naman Shan, trust me pinilit kong ikaw ang piliin pero wal----"

"Shh.........kahit ano pang pilit yang gawin mo, alam mo sa sarili mo na tanging kasinungalingan lang ang lahat ng yun. Kasi sa simula pa lang bakit mo pa ipipilit ang isang bagay na alam mo namang malabo ng mangyari? Kasi walang kasiguraduhan kung anong mangyayari sa sunod diba?"

"Pero sa sitwasyon natin baliktad, kasi sa umpisa pa lang alam mo na agad na sya ang pipiliin mo"

"Shan....hind, hindi ganun"

"Ganun yun Vice. Kasi kung hindi yun ganun hindi sana tayo mapupunta sa sitwasyon na ito. Kita ko rin naman kung gaano ka kasaya pag sya na yung kasama mo. Kita ko kung gaano ka kapula kapag pinakikilig ka na nya. Kita ko......kitang kita ko"

"Ang sakit lang isipin na hindi ako yung gumagawa ng ganoong bagay sayo"

"Pero huwag ka ng mabahala. Tanggap ko......tatanggapin ko"

"I love you.....mahal kita"

"I love you too. At tandaan mo mahal na mahal kita. Andito lang ako kung sakali mang may hindi kayo pag kakaunawaan. Andito lang ako"

May mga natira mang luha sa mata ko pero malinaw sa akin na matapos nyang sabihin ang katagang iyon ay naka ngiti sya.

Kahit papaano ay nakakaginhawa namang malaman na naiintindihan nya. 

Tuluyan na nga akong lumabas ng kotse at pumasok sa loob. Pero sa hindi ko malamang dahilan lumingon ulit ako sa kanya. Nagbabakasakaling magbabago pa ang isip ko. Pero mas lalo lang ata akong nasaktan ng makita kong syang nakasubsub sa manibela at nagpupunas ng luha. 

Galit ako sa sarili ko kasi nasaktan ko yung tao na ang tanging intensyon lang sa akin ay ang kasiyahan ko. Bihira lang ang ganyan pero ito ako ngayon at pinakawalan sya. Wala rin akong magagawa kundi ang palayain sya para hindi na kami tuluyan pang magkasakitan.

Mahal ko sya. Pero ang pagmamahal na yun ay hindi lalagpas bilang pagkakaibigan.

Nakahiga na ako ngayon at naghahanda na para matulog pero binabagabag ako ng aking isipan. Iniisip ko  kung bakit nga ba hindi na lang si Shan? Kasi kung iisipin mo sya na yung pinangarap ko. Simula pa lang yung kagaya na ni Shan ang hinihiling ko. Pero ngayon naintindihan ko na. 

Nag iisip man ako ng ganito ngayon pero hindi ako nagsisisi sa desisyon ko kanina. Tama lang na magpakatotoo ako kesa ipilit ko ang mali. Mahal ko si Shan, totoo yun. Pero hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung magsisinungaling ako. 

Ngayon alam ko na.

Si Benigno Kupal Dungo Perez nga talaga ang mahal ko.

Ang tagal bago ko ito marealize, may kailangan pang masaktan para lang magising ako sa katotohanan na sya na nga.

At oo nga pala, kailangan ko pang maghanda kasi for sure galit na naman yun sa akin. 

Pls pray for me.









Hi guysss! Happy 16k! Sorry ngayon lang nakapag ud. Medyo nawili sa paglalaro ng COD si otor HAHAHA. Lab lots guyss!🥰🧡

Mrs. PerezWhere stories live. Discover now