Chapter 43

706 42 21
                                    

Vice's P.O.V

10pm na ng nakauwi ako sa bahay. Hinatid na lang ulit ako nung driver ni Ion kasi ala-sais pa lang umuwi na sya. Hindi man lang nagpaalam sa akin. Nagulat na lang ako ng kumatok si Jackie at sinabing si Manong nga daw maghahatid sa akin pauwi. 

"Nalungkot ka naman?"

"Luh pakielam ko dun? Kahit di nya ako sunduin kaya ko na naman magcommute mag-isa"

"Weh? Bakit parang kabaligtaran naman yung nakikita ko?" 

"Hindi naman ako na-iform na may mata na pala ang konsensya ngayon. Pati manahimik ka na nga, matutulog na ako!" Pagkatapos ng pangyayari na yun ay dumeretsyo na ako sa banyo at nagbihis ng pambahay. Tamang pj's lang. 

Habang prenteng nakapikit at hinihintay dapuan ng antok ay bigla naman nag ring ang cellphone ko. Indicating na may hayup na sisira ng tulog ko.

*Kupal (Ion) is Calling*

Bigla akong napaupo sa kama ng makita ko kung sino tumatawag. Ilang segundo bago ko pa mapagtanto yung ginawa ko.

"Oh bakit bigla kang napaupo dyan? Akala ko ba 'Luh pakielam ko dun'?" konsensya

Napasapo naman ako sa ulo ko at napailing. Ano ba 'tong ginagawa ko?

Sa katagalan ng hindi ko pagsagot sa tawag ay kusa na lamang itong nawala. 

"Baka naman napindot lang" sabi ko sa sarili ko.

Nagready na ulit ako matulog pero hindi na naman yun natuloy ng may bigla na namang tumawag.

*Kupal (Ion) is Calling*

This time hindi na ako napabalikwas sa higaan. Inabot ko na lang ang cp ko at sinagot ito.

"Ma'am Vice? Hello po ma'am Vice?" 

"Hello po sino po sila?" Takang tanong ko. Sa pagkakatanda ko si Ion yung tumatawag bakit iba boses at pananalita nito?

"Ma'am, This is Eric, staff po ng xylo. Sinabihan nya po ako na kayo ang tawagan." Pagpapaliwanag nito.

"Bakit anong meron?"

"Eh ma'am lasing na lasing po kasi si Sir. Kanina pa po kasi sya dito" 

"Anong oras pa sya dyan?" 

"Mula po 6:30 andito na sya"

"Sige. I'm on my way" Kinuha ko na agad ang bag ko at nagtsinelas. Bahala na si Batman sa itsura ko ngayon.

Pagkababa ko naman ay tsaka ko lang napagtanto na wala akong kotse na gagamitin. Shett!

"Ma'am, andyan po sa kusina mommy nyo." 

Nagtataka man ay sinawalang bahala ko na yun at tumungo sa na kusina.

"Ma, may dala kayong kotse?" Agad kong tanong ng makarating ako sa kusina.

"Ha?" Kita ko naman ang pagbaba nya ng bag pagkatapos kong magtanong.

"Ma, may dala kayong kotse?" Pag-uulit ko.

"Meron??"

"Pahiram muna po muna ako saglit" 

"Teka gabi na saan ka pa ba pupunta?" 

Napahinga muna ako saglit bago sya sinagot.

"Kay Ion po. Tumawag yung------" Hindi ko pa natatapos sasabihin ko ay bigla nya na agad inabot ang susi ng kotse.

Mrs. PerezWhere stories live. Discover now