Chapter 39

771 40 40
                                    

Vice's P.O.V

Nang matapos ang eksena sa labas ay pumasok na ulit ako sa loob ng opisina para tapusin na ang naudlot kong gawain. So far wala pa naman akong na e-encounter na kailangan ayusin. At mabuti na lang din at ganun para mapadali na ako.

Nagyaya rin kasi si Ion na kumain sa labas. Oh wag muna umasa kasi hindi lang naman ako ang niyaya nya. Syempre kasama na doon si hipon, asa pang di yun isama. Nakakagulat nga kasi akala ko kami lang pero biglang sumulpot si hipon at yun niyaya nya rin. Ang saya na sana kung hindi lang sumulpot yung babaeng yun.

Anyway ang napag-usapang time ay 8:00 pm. At 7:30pm na kaya naman may 30 minutes pa ako mag-ayos. 

Iniisip ko kung mag papalit pa ba ako ng damit o hindi na. Nalalagkitan na rin kasi ako sa sarili ko. 

Tumayo muna ako at nag unat-unat ng bigla kong natabig ang kapeng nasa gilid lang ng lamesa. Hindi agad ako nakaiwas kaya ayun tumalsik sa Tshirt ko ang kape. Mukhang pinagpapalit na talaga ako.

Ako na mismo ang naglinis ng kalat kasi hassle pa kung tatawag pa ako ng tauhan para gawin ito. Kumuha ako ng scratch paper at yun ang ginawang pang dakot sa nabasag na tasa. Pasalamat na rin at malalaki yung mga piraso kasi kung malilit sila mahihirapan pa ako. Pagkatapos kong limutin ang mga pirasong nabububog kumuha na ako ng basahan at pinunasan na ito.

Oh diba Future CEO nyo marunong maglinis!

Pumunta na ako sa banyo nitong office para tuluyan na ngang makapagpalit. Pero natigilan ako ng pagbukas ko ng aking bag isang damit lang ang andito. Isang floral na dress, at kamalas malasan pa ay kulay pink ito. 

Ito guys ung dress

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Ito guys ung dress. Ctto🧡


Sino naman kaya sa mga mababait kong katulong ang pinagtri-tripan na naman ako.

Inalala ko kung sinong inutusan ko para ayusin ang bag ko. Kasi imposibleng ako ang maglagay nito dito like duh di ko yan gagawin sa sarili ko.  At nang maalala ko na kung sino sya ay di na ako nag atubiling tawagan sya

*Calling Yaya Mhyrine*

"Mhy!!!" sigaw ko sa telepono

"Ay paktay..." sabi nito ng mapagtanto ang kinahihimutok ko

"Oo mapapatay talaga kita 'pag uwi ko dyan!" " Ano bang pumasok dyan sa kokote mo at pinaltan mo ang nakahanda kong damit?!"

"Para maiba naman ate, mas bagay sayo mga ganyan" 

"Ah...bagay pala? Sige paano kung sabihin ko sayo na mas bagay na wala ka nang trabaho?" paghahamon ko pa rito.

"Mhy naman! Alam mong di ako nag susuot ng ganito tapos ito pa talaga naisipan mong ipalit" 

"Eh ate kesa naman sa nakatambak lang yan sa kwarto mo. Eh di mas maganda na yung maisuot mo man lang kahit once diba?" 

"Grrrr! Nakakainis ka!" 

"Sorry na ate, huwag kang mag-alala last na yan"

"Last na talaga kasi kapag ginawa mo pa ulit 'to wala ka ng trabaho" Sabi ko at binaba na ang tawag.

Lupa lamunin mo na po ako. Jusko! Ang tanga ko rin kasi hindi ko man lang tiningnan ang bag ko kanina. Ayan makakapag suot pa tuloy ng dress.

Sabi kasing itapon o ipamigay na ung mga ganitong damit ayan tuloy nagamit pa. Hindi ako ang bumilibili ng mga ganito, ang lahat ng dress at iba pang pang-girlie na damit ay galing sa mga hinayupak kong kaibigan at ang ilan ay galing kay Mommy. Well meron naman pala akong binili pero isa lang yun.

Nag-aalanganin akong isuot kasi masyadong expose yung balat ko. Tapos ang lamig pa ngayon. Pero no choice tayo kaya naman tara na at isuot na. Matapos ang ilang minutong pag aaral kung paano ito isuot ay sa wakas nasuot na natin. Buti na lang rin at naisipan nyang maglagay ng short sa bag kasi kung hindi malamang nakapanty lang ako hanggang ngayon.

Humarap ako sa salamin para tingnan ang itsura ko at isang malaking pagsisisi ito dahil lalo lang ako nahiya lumabas.

Grrr!!!!

Huminga muna ako ng malalim at tyaka tuluyan nang lumabas ng banyo. Hindi pa ako nakakahinga ulit ng maubusan na naman ako ng hangin. Bakit sya nandito?!!

Nagkatitigan muna kami ng ilang segundo bago sya nagsalita.

"May sakit ka ba?" Mahinahon nitong tanong

"Ha?" naguguluhan kong sagot.

Hindi naman na sya sumagot at lumapit na lang saakin. Tinaas nya ang kanyang kanang kamay at tyaka pinatong sa ulo ko kasunod naman ay sa leeg ko.

"Wala ka naman palang sakit, anong nahithit mo at nagsuot ka ng ganyan?" 

Tiningnan ko na lang sya ng masama at nilagpasan na sya. 

Nako huwag nya akong mabiro ng ganyan ngayon at baka masuntok ko sya.

Hanggang makarating ako sa lamesa ay ramdam na ramdam ko aprin ang pagtitig nya. Kaya naman hindi na ako nakatiis at hinarap sya.

"Ano ba?! Kung andito ka para bwisitin lang ako pwes makakaalis ka na kasi-------"

"Ang ganda" 

Natigilan naman ako ng marinig ko sa kanya yun. Shet bigla na lang nawala yung pagka init ng ulo ko. Parang nawala yung hiya na nararamdaman ko. Parang guminhawa ulit ang buhay. 

"Thank you" mahina kong sabi.

"Ha?" "Ang sabi ko ang ganda ng damit mo saan mo nabili" 

Ay put--.... Makakapatay nga talaga ako sa araw na ito.

"Tara na ikaw na lang hinihintay sa baba" sabi nito at lumabas na.

Bwisit! Kung anong kinabait ng itsura sya naman kinasama ng ugali! 

Inayos ko na muna ang mga gamit ko bago sumunod sa kanya. Tsk di man lang ako hinintay.

Pagdating ko sa parking lot ay nakita ko na agad sya sa tabi ng kotse nya kasama si hipon. Nagawi ang tingin ni Isabell sa akin at nakita kong napa nga nga sya. 

Ngayon lang ata sya na inform na mas maganda ako sa kanya.

Hindi naman nagtagal at napalingon na rin si Ion. Ay iba beauty ni baklaaa nililingon!

Ng tuluyan na akong makalapit sa kanila ay tsaka pa lang sila umiwas ng tingin. Ayses nahiya pa e

"Ano tara na?" Tanong ni Ion na syang kinatanguhan namin.

Pasakay na sana ako ng bigla akong makarinig ng pamilyar na boses.  At hindi nga ako nagkamali ng makita ko sya. 

Shettt bakit ko ba nakalimutan ang usapan namin kaninang tanghali?! F*ck paano 'to?

"Viceral ang tagal pumasok ha?" Saway ni Ion saakin.

Hindi ko naman ito inintindi at sinara na ang pinto sa back seat at tyaka sinabing...

"Kayo na lang muna, sa isang araw na lang ako sasama"

At tyaka kumaripas ang takbo papaunta kay Shanlee. 








Hi guysss! Happy 15k!🎉 Ngayon lang nakapag ud kasi busy pa sa schoolworks sorry! Lablots guyss!🧡

Mrs. PerezWhere stories live. Discover now