Chapter 2

279 5 0
                                    

Chapter 2

Lunes ay maaga akong gumising para maghanda. Ngayon ko sisimulan ang mga plano ko.

Sechan Dew Russo is known not only because of their family but also because he is really so good looking. If you like reading books with prince charming or royalties in it, the blurred or mysterious face that you can imagine... that's him, personified.

I don't really like putting make up on my skin because I feel like it's heavy but I tried putting one today. I highlighted my features until I got satisfied. Well I'm not a pro so I only did basics.

It is not hard to know where I can find Sechan Dew Russo. He has a facebook and even when he's not posting anything, he's still being tagged by his friends.

Nakita ko kagabi ang mga nakatagged na post ng mga kaibigan niya sa kanya habang kumakain sa isang restaurant na malapit lang sa eskwelahan nila.

Hindi lang isang post sa lugar na iyon ang meron kaya sa tingin ko ay regular customer sila doon. Kaya naman ngayon ay magbabakasakali akong makita ko siya doon.

Kinakabahan akong pumasok sa restaurant na nakita ko sa post. Hindi ito kalayuan sa eskwelahan ko kaya naman hindi nagtaka si kuyang driver ng sinabi kong dito muna ako pupunta bago pumasok.

I ordered a usual heavy breakfast. I purposely didn't eat at home so I can have an alibi for being here.

Kaya lang ay isang oras na lang ay alas-siyete na ng umaga. Ang pasok ko ay magsisimula ng seven thirty.

Hindi bale, maghihintay pa ako ng kahit labin-limang minuto.

Pero mukhang hindi ata talaga pupunta dito ang Russong iyon. Seven twenty na at wala pa din ni anino niya. At kahit na dumating pa siya ay kulang na din ako sa oras para magpakilala.

Nanghihinayang akong lumabas ng restaurant. Maybe today is not the day.

Hindi bale, may ibang araw pa naman.

I was positive to see him until my hopes died down on a Saturday morning. Isang linggo na ang lumipas at wala pa din akong nagagwa.

Lalong lumala ang sitwasyon sa negosyo kaya lalo ding naging abala ang mga magulang ko. Halos hindi na sila umuuwi. Sa huling kita ko sa kanila ay animo nadagdagan agad ng ilang taon ang hitsura nila sa linggo lang na nagdaan.

Siguro ay hindi ang Russo na iyon ang solusyon kung ganoon? Pero paano?

Nag-research pa ako sa mga madalas na puntahan ni Sechan. Akala ko pa naman ay madali ko lang siyang mahahanap dahil sa dami ng mga post na nakatagged sa kaniya sa facebook, iyon pala ay hindi. Tapos na niyang mapuntahan ang mga sinasabing lugar bago ko pa malaman.

Dahil mag-isa lang sa bahay ay nagpasya ako na magpunta na lang sa mall.

Hindi pa naman ramdam sa allowances ko ang problema namin sa pinansyal. Pero mga isa o dalawang buwan mula ngayon na hindi pa din kami makakabawi ay baka nga pati ang baon ko ay mabawasan na.

I got a new haircut and I also had my nails done.

I was busy checking again where Sechan might be when I bumped into someone. Oh my gosh!

My newly manicured nails got ruined! Hindi pa kasi ito masyadong tuyo ng umalis ako sa salon. Imbes na gumanda ay lalo itong pumangit ngayon.

"Pwede bang tignan mo ang dinadaanan mo?!" naiirita kong sabi sa nakabangga sa akin kahit na hindi ko pa nakikita kung sino siya.

"You bumped into me, miss," he said. He?

Mula sa mga nasirang designs sa kuko ko ay bumaling na ako sa nakabangga sa akin. Oo, nakabangga sa akin! I'll stand with my judgement.

So Wrong Yet Feels So RightWhere stories live. Discover now