Chapter 10

191 4 0
                                    

Chapter 10

"Mag-isa ka lang nakatira dito?" tanong ko habang iniinom ang tinimpla niyang tsaa.

"Yup."

Hindi ko na alam ang itatanong ko matapos ang maikli at dead end niyang sagot.

Ngumiwi ako. "Pareho pala tayo. Sa condo lang din ako nakatira," I said as if it matters.

Gusto ko lang magsalita kahit na maiikli lang ang sagot niya. Gusto ko lang maramdaman na hindi ako nag-iisa.

"Drink that and I'll drive you home," wika niya.

Ano? Uuwi ako? I mean... syempre naman, uuwi ako pero...

"Can I stay?" mabilis kong tanong.

Napatingin sa akin si Jeremaiah sa gulat. Nagulat din ako sa sinabi ko pero hindi ko na babawiin.

Hindi ko talaga alam kung ano ang mayroon sa gabing ito pero ayokong umuwi. Ayaw kong mag-isa.

"Can I stay here... for tonight?" ulit ko sa tanong ko.

Tinagilid niya ang ulo niya na parang may nakamamangha siyang nakikita sa harapan niya.

Matatanggihan ba ako?

I pouted.

"Di bale na. Uuwi na lang ako-"

"Yes. You can stay," putol niya sa sinasabi ko.a

Napabalik ako sa pagkakaupo sa sofa mula sa bahagyang pagkakaahon. Nagulat ako sa pagpayag niya pero inaamin kong nagustuhan ko iyon.

"Well... uh, thanks," I simply said.

Ngayon talagang wala na akong maisip na sabihin. Hindi naman sa kailangang may sabihin ako pero ang awkward naman kung magdamag kaming tagimik lang.

Come to think of it, we're not close. We're not even friends. We don't even have any decent interactions. So... what topic to be open?

"Do you often go clubbing?" Nag-iisip pa lang ako ng mga sasabihin ay nagtanong na siya. Great!

At least may balak naman pala siyang mag-initiate ng usapan. Yun nga lang ay parang hindi masyadong maganda ang napili niyang topic.

"Well... medyo. Pagbored ako..."

"And how often do you get bored?"

Everyday?

"At least some times in a week."

He seated in front of me with his own black brewed coffee.

"Where do you work?" he asked. I'm not sure whether there's something wrong with what he is asking me or I just don't really have the normal life as the others kaya wala din akong maisagot na maganda.

I'm jobless.

"I sometimes help in our hotel," alinlangan kong sagot.

Malalim ang tingin niya sa akin. Hindi ko alam kung naniniwala ba siya sa mga sinasabi ko o alam niyang hindi ako nagsasabi ng totoo.

Pero hindi naman ako nagsisinungaling, medyo lang. Ang ibig kong sabihin... medyo totoo naman ang mga sinasabi ko.

"So you have all your time. How are you?" ang sumunod niyang tanong ang nagpakabog ng dibdib ko.

Seryoso at buong-buo ang boses niya ng tanungin ako.

Kamusta ako... kamusta nga ba ako?

Parang may kumurot sa puso ko sa tanong niyang iyon. Kamusta nga ba ako? Bakit parang bago sa akin ang simpleng tanong na iyon?

Ganoon ba talaga ako ka-mag-isa na kahit ang simpleng tanong na iyon ay bago na sa pandinig ko.

How I wanted my parents to ask me that. Pero ngayon, wala ni isa sa mga kamag-anak o pamilya ko ang nagtatanong kung kamusta nga ba ako. Bagkus, nanggaling pa ang tanong sa taong halos hidni ko naman kakilala.

"M-Mabuti n-naman..." I can't help it. My voice crack upon completing my sentence.

No. I'm not okay. I am so not okay.

Hinayaan kong tumulo ang luha sa mga mata ko. Ayokong pigilin. I want to let out all the emotions I have. I want to be true to myself once and for all.

I want to cry.

For once, I want to be free from everybody's expectations from me. I will cry because that's how I feel.

Sa gitna ng pag-iyak ko ay lumapit sa akin si Jeremiah.

"I'm sorry," he whispered.

I want to tell him that he did no wrong. Gusto ko lang talaga na iiyak ang lahat ngayon. Hindi nga lang ako makasingit ng salita dahil sa patuloy ang pagbuhos ng mga luha ko.

He hush me and I cannot wish for anything more. I am very grateful for his presence. It really means a lot to me.

"I tried to be a perfect daughter. I tried to be a perfect girlfriend. Pero wala pa din akong halaga sa kanila. Nobody sees me," I cried more.

For the first time in my existence, I cried everything all out.

For the first time, I felt so true. Naramdaman kong ito ako. Hindi ibig sabihin na kaya kong makipag-away ay malakas ako. Ang totoo, mahina lang ako. Kailangan ko ng masasandalan. Iyong makikita ako kahit na wala akong ibigay na kapalit.

But isn't that too ideal?

May tao ba talagang ganoon? Kasi kung ako ang tatanungin, wala akong mababanggit na pangalan. Buong buhay ko, laging may kabayaran.

Kahit sa pamilya ko. They will only see me if I have a strong pillar to stand beside me.

Kaya wala... walang taong hindi humihingi ng kapalit. Kahit ang taong kasama ko ngayon, kailangan kong bayaran.

Nang mas malinawan na ako ay unti-unti na ding humupa ang pag-iyak ko. Pinunasan ko ang huling natitirang basa sa mukha ko bago tuluyang hinarap si Jeremiah.

"I'm okay now. Thank you," I said.

Wala siyang sinabi pero hindi naman niya inalis ang titig niya sa akin.

Now it is time to return the favor.

"Tell me... how can I repay you?" I asked.

He looked confused kaya nagpaliwanag na ako.

"You helped me kaya sabihin mo na kung paano kita mababayaran."

"Hindi ako nanghihingi ng bayad."

"Well you don't have to ask. I'll give it you. Sabihin mo lang kung paano."

Umiling-iling siya at naiinis na tumayo. Problema niya? Tinatanong ko lang naman kung ano ang gusto niyang kapalit ng pagtulong niya.

"So ano nga?"

"I told you I'm not asking for anything from you," he said impatiently.

Oh, the hell! Pinapahirapan pa niya ako.

I stood up on the couch to match his level. Napatingin siya sa akin. Mas mataas ako sa kanya ngayon dahil sa tinutungtungan.

"Amanda, what are you doing? Bumaba ka na diyan-"

I did not let him finished. I reached for his neck and hooked my arms into it so I could kiss him better.

Alright then, I'll pay you my way Jeremiah Amoroso.

...

So Wrong Yet Feels So RightWhere stories live. Discover now