Chapter 35

153 3 0
                                    

Chapter 35

"Thanks, Rafa," I told him after he dropped me off.

"Sure, just kiss me hello to boo boo bear. I'll try to visit later if I can."

Tumango naman ako at kinawayan na siya. I waited till his car is meters away bago ako pumasok sa loob. Nang maka-akyat na ay napatingin muna ako sa tapat ng pintuan ni Jeremiah. Noong isang araw ko pa siya hindi nakikita. Nandito kaya siya?

Pumasok na ako sa bahay at pagkalapag na pagkalapag ko ng bag ay tumabi na agad ako kay Jerico na busy sa panonood ng TV. Natuwa ako ng makitang nasasabayan na niya ang sayaw na ginagawa noong dinosaur.

"Mommy!"

Nagulat siya ng makita ako sa tabi niya. Sa sobrang busy niya ay ngayon niya lang ako napansin.

"Baby," I kissed, kissed, and kissed him. Tawa naman siya ng tawa. Pati si Fely na nanonood sa amin ay tumatawa din.

"Do you miss mommy?" I pouted at him.

He grab my face with his little hands and kissed my pouting lips then my nose, my forehead and my whole face. I laughed at him. "Aww, I missed you too boo boo bear. Dada also wanna say hi. He said he'd try to come here later."

"Dada!" excited na sabi ni Jerico.

"Fely, kanina pa ba siya nanonood?"

Binilin ko kasi na saglit lang dapat nanonood si Jerico.

"Hindi, ate. Mga ten minutes pa lang. Kumain din siya ng saging kanina," sagot naman ni Fely.

"Ah, good. Mamayang gabi pala baka magpunta si Rafa. Sawayin mo kapag pinakain na naman niya ng ice cream si Jerico," bilin ko.

Yes, Rafa might have taught me so many things in life but when it comes to controlling himself from spoiling Jerico he always fails. So, better have someone to look after him, too.

"Anong oras ka po pala makakaui, ate?" tanong ni Fely.

"I'm not sure, e. But I'll keep my line open. Kapag may kailangan ka tawag ka lang sakin or kay Rafa kung hindi ko masasagot agad."

"Sige po ate. Ano po pala ang gusto niyong ulam? Magluluto na po ako."

Oo nga, malapit ng mag-alas dose ng tanghali.

"I bought ingredients for Caldereta last time. Nagamit mo na ba?"

I like something a bit spicy today.

"Hindi pa naman ata ate. Sandali, i-check ko lang."

Nagpunta na si Fely sa kusina at ako naman muna ang nag-alaga kay Jerico. Kahit papaano naman ay madami pa din naman kaming oras na magkasama. Bagamat nababawasan dahil sa trabaho ay hindi ko naman pinapabayaan ang pag-aalaga sa kaniya.

Maya-maya ay pinuntahan ko muna si Fely sa kusina para tignan kung may nakita ba siyang mga sangkap.

"Ano Fely, meron pa ba?" tanong ko. Nakita ko naman siyang pinapatuluan ng tubig ang manok para lumambot dahil galing pa sa freezer.

"Opo, ate meron pa. Kumpleto naman."

"Mabuti naman. Ipagbukod mo si Jerico bago mo lagyan ng sili, ha," bilin ko.

"Opo ate."

"Sige, balikan kita maya-maya," ani ko.

Pinaliguan ko din muna si Jerico at nang naglalaro na ulit siya ay binalikan ko si Felh sa kusina.

Inayos ko ang lamesa para sa aming tatlo.

"Oo nga pala Fely. Mag-grate ka ng cheese at lagyan mo yan para mas masarap," sabi ko.

So Wrong Yet Feels So RightWhere stories live. Discover now