Chapter 21

154 4 0
                                    

Chapter 21

Nagdududa ang tingin sa akin ni Jeremiah. Alam niyang gumagawa lang ako ng palusot.

"Uh!" anas ko. "Let mw get your number now so I can 'text' you later," I sarcastically said emphasizing the word 'text' then I gave him my phone.

My phone already lit up before I realized there is something on it that he shouldn't see.

"Oh, wait!" Tinangka kong bawiin ang cellphone ko pero nailayo na niya ito sa akin.

Namatay na din agad ang ilaw ng screen. Marahil ay napindot niya ng ilayo niya sa akin pero hindi ako sigurado kung nakita niya ba o hindi niya nakita ang wallpaper ko na si Jerico!

Ibinalik na niya sa akin ang cellphone ko. "D-Dito mo na lang pala isulat," sabay mabilis kong abot sa kaniya ng nadampot kong sticky notes. "Ah! Ballpen, wait lang..."

Natataranta akong naghanap ng ballpen sa lamesa ko. Nabunggo ko pa ang maliit na bote na may lamang paper clips kaya natapon ito. Napatingin ako kay Jeremiah dahil nakikita niya kung gaano ako katensyonado.

"Meron ako." Nahawakan ko na ang itim na ballpen ko na napailalim sa mga papel na binabasa ko kanina pero meron pala siyang dala at isinulat na ang kaniyang numero doon.

Abot-abot ang kaba ko habang inaabot sa kaniya ang sticky notes na sinulatan niya.

Wala naman siyang kakaibang reaksyon. B-Baka hindi naman niya nakita, di'ba?

Hindi ako handa na sabihin sa kaniya ngayon mismo ang tungkol kay Jerico. Hindi rin ata magandang dito ko iyon sasabihin sa kaniya.

"I-I'll just text you later," halos nauutal kong sabi.

Malakas pa din ang kabog ng dibdib ko dahil sa muntikan ng pagkabisto kanina. Mabuti na lang at namatay ang ilaw ng screen, hindi niya nakita ang picture ni Jerico.

Alam kong kapag nakita niya iyon ay malalaman na niya agad ang lahat. Kahit na unang beses niya lang sanang makikita si Jerico ay siguradong malalaman niyang siya ang ama nito.

Para silang pinag-biyak na bunga. Jerico's almost an exact copy of his father.. Magkamukhang-magkamukha sila.

"Alright! See you later then," aniya at lumabas na.

Nang makalabas na siya sa pituan ay saka lang ako nakahinga.

Pabagsak akong naupo sa upuan pero hindi pa man ako kumakalma ay sumugod na agad papalapit sa lamesa ko si Janna.

"Bakit nagpunta dito si Sir Jeremiah? At ano yun? Text mate kayo?" usisa ni Janna.

Hindi ako sumagot sa tanong niya. Ayokong maging kumportable siya sa pagtatanong sa akin ng mga personal na bagay.

"May relasyon ba kayo ni sir? Oh my gosh!"

Pero kahit ata hindi ako magsalita ay kaya niyang mag-isip ng mga sagot para sa tanong niya.

"Wala, Janna. Walang namamagitan sa amin," napipilitan kong sagot.

"Pero bakit parang magkakilala na kayo-"

Sasabihin ko na sana sa kaniya na kung pwede ay huwag na siyang magtanong pa dahil hindi ako kumportable pero may kumatok muli sa pintuan kaya naiwang nakabukas sa ere ang bibig ko.

"Good afternoon po, miss Janna. Pinapatawag po kayo ni Madame sa opisina niya," ang sekretarya pala ni Madame Genuo ang kumatok.

"Ah! Oo sige, susunod na ako," ani Janna.

"Ramona, alis muna ako saglit."

Napahinga ako ng malalim, mabuti na lang at ipinatawag siya. Kung hindi ay baka mahirapan akong patigilin siya sa pang-uusisa.

So Wrong Yet Feels So RightWhere stories live. Discover now