Chapter 46

165 6 0
                                    

Chapter 46

Nasa basement na kami ng condo ng maalala ko na hindi niya pala nasagot ang tanong ko kanina. "Jeremiah, what about my car?"

Hindi na kasi kami nakapunta pa ng service center dahil sa nangyaring biglaang pag-uusap.

"Nandito na," sagot niya. Huh?

Awtomatikong binaling ko ang tingin kung saan ako nagpapark at nagulat ako ng nandito na nga ang kotse ko.

"I called them to send it here when you're sleeping," aniya.

"Pwede naman palang ganoon na lang, bakit niyaya mo pa akong kuhanin?"

"So we can talk."

"So, you've planned this talk, huh? Excuse mo lang pala ang kotse ko," sabi ko sa tonong nang-aakusa.

It's just that, I realized he looks so cute whenever he's caught in the act.

"It makes me wonder what kind of a plan you have in your head tuloy. Seems like you're good at it," I joked.

"I can't plan this but I hope I will be given a chance... I want to be part of your life... yours and our son."

Now I can't take my eyes off him. I thought we're already done talking about serious stuffs but... why is he being like this?

"You're already part of our lives, Jeremiah," I said and get out of the car.

Ayoko talaga sa sasakyan niya. Everytime we were inside I would always feel suffocated. I don't know if it's his car or it's him.

"Tara na, akyat na tayo," yaya ko.

Pinigilan niya ang paglalakad ko ng hinawakan niya ako sa kamay. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko at kahit malaki naman ang basement ay parang nahihirapan pa din akong huminga. Ngayon sigurado na ako, it's not his car, it's absolutely him.

"Jeremiah..." utas ko. Wala na ata akong ibang masasabi kundi ang pangalan niya.

Nagdadala ng libo-libong kiliti ang hawak niya sa akin.

"This time... I'll take it slow. We'll take it slow," he said straight to my eyes.

Kung may ilalakas pa ang kalabog ng puso ko ay ito na 'yon. Pakiramdam ko ay mabibingi na ako sa lakas ng pintig ng puso ko.

Nakanguso ako habang magtitimpla ng kape sa kusina. Para sigurado ay tinikman ko ang tinimpla ko sa dalawang tasa.

"I hope you're not putting a spell on my coffee."

"Oh my gosh!" Nagulat ako ng may magsalita sa gilid ko at muntik ko ng matapon ang isang tasa ng kape dahil sa mabilis kong pagbaba ng kutsara.

"Nanggugulat ka!" angil ko kay Jeremiah.

Natawa naman siya sa reaksyon ko kahit pa nga nakabusangot na ang mukha ko.

"Of course not, I just checked if the taste was okay!" pagkontra ko sa bintang niya.

Aba! "Kung sabagay, hindi na rin naman kailangan," aniya.

Napalunok ako at tinago na lang sa pagnguso ang umaalpas na ngiti. Hay! Bakit ba kasi ganiyan ang mga pinagsasasabi niya.

Kanina ay nagulat ako ng sabihin niyang kung pwede ay dito na muna siya at mamaya na lang siya uuwi. Pumayag naman ako. Kanina sa kotse habang nagkukwento ako sa kaniya ng tungkol kay Jerico ay nararamdaman ko ang pinipigil niyang emosyon. I just stopped when I saw him struggling in preventing his tears to fall down.

Napakalaki ng naging kasalanan ko sa kaniya. Mali na hinusgahan ko kung paano niya tatanggapin ang sitwasyon namin noon. Mali na ako ang nagdesisyon para sa kaniya. Ang akala kong pinakamagandang solusyon noon, hindi pala tama.

So Wrong Yet Feels So RightWhere stories live. Discover now