Chapter 20

177 3 0
                                    

Chapter 20

"Ano bang sasabihin mo?" naiirita kong tanong kay Jeremiah na prenteng nakaupo pa rin.

Hindi na ako naupo dahil wala naman akong balak magtagal dito kasama siya.

"Galit ka ba?" Oh, this insensitive man!

"Why would I be?" Sana'y hindi niya nakita ang umikot kong mga mata.

"Mmmm, akala ko galit ka. Kanina pa kasi masama ang tingin mo sakin," sarkastiko niyang sambit.

Bumuga ako ng hangin.

Dahan-dahang tumayo si Jeremiah at inayos ang nagusot niyang damit.

"Okay, I apologize. Sasabihin ko naman dapat sa'yo-"

"Hindi din naman kailangan," ani ko.

Parang ako na din ang nagpamukha sa sarili ko na wala sa lugar ang ikinagagalit ko.

"Hihingi pa din ako ng paumanhin. Can I invite you for a dinner?"

"May gagawin-"

"Please," dagdag niya.

Iritado ko siyang tinignan. Hindi ko mawari kung talagang humihingi siya ng tawad dahil hindi pa din nawawala ang itinatago niyang ngisi.

Sigurado akong tatanggi pa din ako sa alok niya pero naisip ko din si Jerico. Gusto ko ng umuwi at makita siya pero heto ang kaniyang ama at inaalok ako ng hapunan.

Oras na ba para ipagtapat ko sa kaniya ang tungkol sa anak naming dalawa? Maniniwala ba siya?

"Isasabay na din kita pauwi. You don't have you car with you," pagpapa-alala niya. Syempre ay alam niyang wala akong dalang sasakyan dahil sa kaniya ako sumabay kanina papasok.

Hindi ko din maintindihan ang takbo ng isip ng isang ito. Noong isang araw lang ay mukha itong seryoso at galit pero ngayon naman ay parang ang gaan lang nitong makipag-usap sa akin.

"Fine."

"Alright, then. Pupuntahan kita sa opisina mo-"

"Don't!" pigil ko sa gusto niyang gawin. "Sa parking lot na lang tayo magkita, itetext na lang kita."

Nakita ko naman kung gaano kalagkit ang tingin ng mga kasama namin kanina dito sa meeting ng marinig nilang pinapaiwan ako ni Jeremiah. Ayokong may mamuong usapin tungkol sa amin dito lalo pa at mukhang kilalang-kilala siya ng mga katrabaho ko. At isa pa ay hindi iyon magandang record para sa unang araw ko pa man din sa trabaho!

"By the way, hindi ko nabasa ang pangalan mo sa mga kabilang sa dito sa gallery," seryoso na ako ngayon. Gusto kong malaman kung bakit narito rin siya sa pinagtatrabahuhan ko.

"Bago lang din ako dito," walang gana niyang sagot.

"Investor?"

He nodded a little twice.

"I didn't knew you're into arts."

He looked at me like I said something ridiculous. Oh, right! What do I know about him nga naman.

Pero sa pagkakatanda ko naman kasi ay halos wala namang kahit anong painting o kakaibang artwork noon sa bahay niya. Tapos ngayon ay ng invest siya sa isang gallery.

"Kailan lang din. Probably just three years. I needed to divert my attention so..."

He did not finished what he was saying.

Three years, kung ganoon ay halos noong umalis lang din ako ng Pilipinas.

He needed to divert his attention... from what? Ano ba ang gumugulo sa kaniya noon?

So Wrong Yet Feels So RightWhere stories live. Discover now