Chapter 44

150 6 0
                                    

Chapter 44

Para akong hihimatayin sa loob ng elevator. Pakiramdam ko ay sobrang bagal ng oras dahil hanggang ngayon ay nasa first floor pa lang kami!

"Bro," nagulat ako ng batiin ni Paulo si Jeremiah na sa kasamaang palad ay nakatabi ko pa. Sa kabilang gilid ko naman ay si Paulo. In short, nasa gitna nila akong dalawa.

Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko ng hindi sinasadyang magdikit ang mga braso namin ni Jeremiah. Agad akong tumikhim at pilit isinuksok sa harapan ko ang mga braso para hindi na ulit madikit sa kaniya.

"Pau..." bati naman ni Jeremiah.

Oo nga pala, magkaibigan nga pala silang dalawa.

"Galing ka na sa taas?"

Wow, I didn't expect Paulo will asked the question I have in my head.

Hindi lang naman ata ako ang nag-aabang ng sasabihin ni Jeremiah. Halos literal ko ng makita ang paglaki ng mga tenga ng dalawang babae sa harapan namin.

"May nakalimutan lang," diretsong sagot naman ni Jeremiah.

Bahagya pa silang nag-usap na dalawa pero wala na akong ibang marinig kundi ang kabog ng dibdib ko.

Nang tumunog ang elevator at nagbukas na ay halos makipagkarera na ako sa paglabas. Grabe, iyon na ata ang pinakamatagal na andar ng elevator.

"Amanda, you okay?" nag-aalalang tanong ni Paulo dahil napahawak pa ako sa dibdib ko pagkalabas. Hinawakan niya ang braso ko para alalayan ako.

"H-Ha? Ah, oo. Ayos lang," tugon ko naman.

"Mabuti naman, akala ko kung napano ka na, e," aniya.

I saw Jeremiah standing on his back... intently looking at us.

At hindi lang siya, ganoon din iyong dalawang babae. Wait, I don't think this is their floor! Hindi naman sa hindi na pwedeng mapunta dito ang mga taga ibang floor, kaya lang ay obvious na hindi naman trabaho ang sadya nila dito.

Napailing-iling pa sila sa akin pero ng makitang nakatingin na ako sa kanila ay nagkunwari na silang aalis pero napakabagal naman ng lakad at halatang nakikinig sa kung ano man ang pag-uusapan naming tatlo. Wala kaming pag-uusapan kaya magsi-alis na kayo! Gusto ko sanang isigaw sa kanila.

"Ah, sige, pasok na ako sa office," pilit kong ngumiti kay Paulo.

"Ihatid na kita-"

"'Wag na!" mabilis na tanggi ko at parang nagulat siya sa lakas ng boses ko. "I mean, my office's just there. At ayos lang naman ako. Puntahan mo na iyong kukunin mo kay sir Patrick," bawi ko.

Mabuti na lang at pumayag siya. Naglakad na siya paalis at maglalakad na din dapat ako papunta sa opisina ko kung hindi lang ako tinawag ni Jeremiah.

"Amanda..."

Napahinto ako. Galit pa din ako sa kaniya.

"What?" pagtataray ko. Pilit ko pang pinagkataasan ang isang kilay ko. Talagang may gana pa siyang kausapin ako, ah.

Ang gusto ko sana ay maramdaman niya ang galit ko pero imbes na ganoon ay parang may multo pa ng ngiti sa mga labi niya. Lalo lang akong naiinis sa kaniya.

"Look, we're at work. I don't want to mix my personal issues to my job so please," tinalikuran ko na siya.

Napahinto naman iyong dalawang babae na kanina pa nagsimulang maglakad pero hindi naman umuusad. Hah!

"I understand. But, I just want to say that your car's ready," aniya.

Oh! My car. I totally forgot about it. Minessage niya nga pala ako kahapon na pwede na naming kunin iyon ngayon.

So Wrong Yet Feels So RightWhere stories live. Discover now