Chapter 42

155 4 0
                                    

Chapter 42

"I was surprised too when I saw him standing outside."

I massaged my forehead. I don't know where to start thinking. Iniwan ko agad si Jeremiah na hindi na nakapagsalita. Wala na din akong balak na pakinggan pa ang mga sasabihin niya. That bastard!

He fooled me! I'm sure he planned everything that has happened to us before.

And I am very sure as well that he did that for none other than his beloved sister, Ramona. To revenge!

Masakit na nga ang mapaglaruan pero mas masakit na may buhay na nadamay. He admitted that he knew I can be pregnant!

At ngayon ay nadamay pa si Jerico sa kalokohan nilang magkapatid. Jerico became the fruit of their vengeance and that's what I can never accept!

My dear son. My dear innocent son.

I love him with all my heart pero para sa kanila ay bunga lang siya ng kanilang paghihiganti. Ramona's with Sechan Russo already. Despite everything they still end up with each other. But me... I only have Jerico. And I will never forgive them, lalung-lalo na si Jeremiah.

"Papano niya nalaman?" tanong ko kay Rafa.

Kanina pa siya nagsasalita pero wala akong naintindihan ni isa sa mga sinasabi niya. "I told you I just saw him outside your unit and when he saw me he started asking about Jerico. I don't know how he knew."

"A-Ate... k-kasalanan ko po," biglang lumabas si Fely galing sa kusina.

Bukas na ang lahat ng ilaw sa bahay pero hindi pa din ako maliwanagan sa mga nangyayari.

"What do you mean?" si Rafa ang nagtanong.

Nag-aalangang lumapit sa amin si Fely habang nakayuko at naiiyak na.

"May nagdoorbell po kasi kanina. Akala ko po kayo na iyon sir Rafa kasi nasabi po ni ate na dadating kayo. Nasanay din po kasi ako na kayo lang naman ang nagpupunta dito. B-Binuksan ko po ang pinto at nagulat po ako na ibang tao pala."

"Did you let him in?!" medyo galit na tanong ni Rafa. Mabilis namang umiling si Fely. "H-Hindi po! Sa labas ko lang po siya kinausap. Mukha naman po kasi siyang mapapagkatiwalaan kaya hindi ko naman pinagsaraduhan. Hinahanap ka din po kasi niya ate," baling sa akin ni Fely.

"Sinabi ko pong umalis ka. Tinanong po niya kung sa charity ball ka daw po ba nagpunta. Nagpakilala din po si sir Jeremiah at sinabi niyang magkakilala daw po kayong dalawa."

"So, how did he-"

"Rafa!" suway ko kay Rafa. Baka kasi matakot sa kaniya si Fely.

"Nagulat po ako ng biglang naglakad papunta sa amin si Jerico. Iniwan ko kasi siyang naglalaro sa sala. Tapos po bigla na lang siyang napatitig kay Jerico. B-Biniro ko pa nga po sila na m-magkamukha... hindi ko naman po alam na..." hindi na itinuloy ni Fely ang kwento niya.

Napapikit at napahilot na lang ako sa sentido.

Hindi ko inasahan na sa ganoong paraan sila unang magkikita. Without even my presence.

"A-Ate, sorry po talaga. H-Hindi ko naman po alam-"

"Naiintindihan ko, Fely. Sige na, matulog ka na. Ako ng bahala dito," sagot ko.

Rafa looked at her disappointingly. "Don't blame her, Rafa," suway ko sa pinsan.

"Sige na, Fely," sabi ko ulit nang hindi pa umaalis si Fely.

Naiiyak naman siyang umalis at nagpunta sa kwarto niya.

Napahinga ako ng malalim. Hindi ko dapat sisihin si Fely, wala naman siyang alam. Kasalanan ko din siguro na hindi ko siya nasabihang huwag kausapin ang mga hindi niya kilala. Or maybe she knows that but Jeremiah isn't the type who looks like someone who can do bad things kaya siguro hindi na din siya nag-isip ng masama tungkol dito.

So Wrong Yet Feels So RightWhere stories live. Discover now