Chapter 19

153 4 0
                                    

Chapter 19

Ilang beses akong nagpasalamat sa ulo ko dahil nakayanan kong kumalma habang kasama si Jeremiah sa isang kulob na espasyo.

Doble-doble ang kaba na nararamdaman ko habang magkalapit kami kanina. Hindi ko matandaan kung ganito na ba ang nararamdaman ko sa kanya noon o ngayon lang dahil alam kong may kailangan akong aminin sa kanya.

Nang makarating kami sa gallery ay agad na akong lumabas ng kotse niya. Nagpasalamat ako sa paghatid niya at pagkatapos ay nagmamadali na akong naglakad palayo.

Kumpara sa France ay tila mas malaki ang gallery na nandito sa Manila.

Nasa elevator ako ng mapapikit at maalala ang pag-uusap namin kanina ni Jeremiah sa loob ng kotse niya.

"Matagal ka ding nawala," may kung anong tabang sa tono ng pananalita niya. Ayoko na sanang bigyang pasin pa iyon pero nahalata ko na.

"M-Medyo..." Should I speak more about it? Should I explain to him my side?

But, what for?

Hindi din naman niya tinatanong. Sinabi niya lang na matagal akong nawala pero hindi naman siya nagtatanong kung bakit.

"Welcome back then."

Kumpara sa mga naisip kong pangyayari kung paano kami mag-uusap, mas magaan ang totoong naganap. Kahit papaano, naging kaswal naman kami sa isa't isa.

Sana ay mas madali ko ding masabi sa kanya ang tungkol kay Jerico.

Nakuha ko na ang magiging ID ko sa second floor. Inassist ako ng isang staff papunta sa isang saradong opisina.

"Makakasama mo po dito si miss Janna, and isa din po sa mga staff. Magkaiba lang po kayo ng oras ng pasok," wika ng staff.

"Ganun ba, sige salamat."

Na-brief na naman ako sa magiging trabaho ko. Wala naman halos nag-iba, tulad lang din ng sa France kaya alam kong hindi na ako mahihirapan pa. Kailangan ko na lang mas maging familiar sa mga artworks na meron sila dito pati na din ang kanilang mga artists.

"Oo nga pala, miss Vicencio, may meeting po mamayang two pm ang lahat ng staff. Hindi pa po kayo nakasama sa mga pinadalhan ng memo pero kasama na kayo sa meeting," dagdag ng staff.

I nodded and smiled at her. Sinabi niya pa sa akin ang ilang detalye patungkol sa magiging meeting.

"Hi, you're the new curator from France, right?"

May kapapasok lang na babae sa aking opisina at agad niya akong tinanong. Siya siguro ang Janna na binanggit sa akin kanina ng staff na makakasama ko sa opisina.

"Yes, Amanda Vicencio. Nice to meet you..."

"Janna! Ako ang makakasama mo dito sa opisina," pagpapakilala niya.

Tama nga ako. Mukha naman siyang mabait. Palangiti siya at energetic ang kanyang pananalita at sa tingin ko ay mas matanda lang siya sa akin ng kaunti. Mas matangkad din ako sa kanya kahit na nakasuot siya ng heels.

"Ang akala ko ay Pranses ang magiging kasama ko. Salamat na lang Pilipino naman pala. Baka dumugo ang ilong ko kung sakali," ani Janna. Natawa naman ako ng bahagya.

Lumapit na siya sa kaniyang lamesa at inilapag ang dilaw na dilaw niyang bag sa ilalim nito.

"Sa France ka ba lumaki?"

Itinigil ko muna ang pagbubuklat ng ilang mga papeles tungkol sa mga paintings at atrists nila dahil mukhang marami pang gustong itanong sa akin si Janna. Medyo madaldal pala siya.

So Wrong Yet Feels So RightWhere stories live. Discover now