Chapter 7

153 3 0
                                    

Chapter 7

Hindi ako pumasok ng dalawang sunod na araw. Akala ko kahit papaano ay mag-aalala sa akin si Daddy pero mula ng gulong iyon ay hindi pa din niya ako kinakausap.

Daddy is hard to please. Alam na alam ko iyon dahil buong buhay ko ay iyon na ang sinusubukan kong gawin.

I'm their only child, yet I am also the neglected one.

Noong bata pa ako ay madalas ko ng marinig kung paanong hinihiling ni Daddy na sana'y naging lalaki na lang ako. Lalaki na makapagtutuloy ng pangalan niya.

Hindi na kasi pwedeng magkaroon ng isa pang anak si Mommy kaya laking dismaya nila ng malaman nilang babae ang magiging kaisa-isa nilang anak.

At first I didn't mind it. Pero habang lumalaki ako at nagkakaroon na ng muwang ay unti-unti na din akong namulat sa dahilan kung bakit ayaw sa akin ng mga magulang ko.

Oo nga at ibinibigay nila sa akin ang lahat ng mga materyal na bagay na hilingin ko. Pero ang kalinga ng mga nagmamahal na magulang sa isang anak ay tila isang malayong panaginip para sa akin.

Unang beses silang natuwa sa akin ng ipakilala ko sa kanila si Sechan. I told them I like him and they took it to a higher level.

They hoped too much that when I failed, their hopes crumbled down as well.

"Oo, si Amanda nga."

"Nandoon ang Daddy ko. Nakita niya yung nangyari pero pinabura daw agad ng mga Russo ang mga nakuhang video."

"Nakakahiya, hindi naman pala talaga sila engaged pero kung makadikit..."

Hindi ko alam kung paano ako nakatagal ng buong maghapon sa eskwelahan. Ang mga nakakakita sa akin ay iisa ang bukambibig. Asyumera at ilusyunada daw ako.

"Maldita 'yan. Nakita ko pa nga noong nakaraan na inaway niya si Hope sa may parking lot," kwento ng isang second year habang naglalakad ako sa hallway.

"Talaga? Anong nagyari, kwento mo dali," parang hindi nila ako nakikita kung pag-usapan nila ako.

Kahit na gusto kong takpan ang mukha ko sa kahihiyan ay hindi ko ginawa. Para saan pa... kilala na naman ako ng lahat.

Alam ko naman na tama din sila. Asyumera at ilusyunada ako. At takot akong maagaw sa akin ang mga ilusyon ko. Kaya sinubukan kong takutin si Hope.

I'd rather let myself be the villain just to make sure I won't lose what I am fighthing for.

There were times I would do bad things to her. I just hope she will stopped pursuing Sechan.

I'm not proud to say it pero noong nakaraan nga ay sinugod ko pa siya sa may parking lot.

Matapang siya, hindi din siya nagpapatalo sa akin. I was already throwing bad words to her when I saw someone very familiar to me.

"You bitch! Ang kapal mo-" sugod ko kay Hope.

"And who are you to call my sister such name?"

Nagulat ako ng may humintong sasakyan at bumaba doon iyong lalaking judge noong nag-audition ako. At ano? Magkapatid sila?

Hindi ko alam kung pinaglalaruan ba ako ng tadhana. Ano ba ang meron sa akin sa mga Amoroso at laging nagkukrus ang mga landas namin sa hindi kaaya-ayang sitwasyon.

Magsasalita na sana ako pero inunahan ako ng kuya ni Hope. He kept on asking who I was. Noong una ay nagdalawang isip ako kung sasabihin ko ba kung sino ako o hindi.

Pero bakit ganoon? Talaga bang hindi na niya ako natatandaan? Kelan lang naman kami huling nagkita.

Sa huli ay kinausap ko siya sa paraang akala mo ay unang beses pa lang naming magkakilala.

Nandoon din siya noong gabi ng party. Jeremy ang pangalan niya, mas matanda kay Hope ng ilang taon. Siguradong nakita niya ang mga pinaggagawa ko noong gabing iyon.

Ayoko ng isipin kung ano kaya ang tingin niya sa akin.

The first time we met, I suddenly back out in an audition, the second was when I'm fighting with her beloved sister, and lastly, in that party when I'm drunk and wasted.

Hindi na ako magtataka kung masusuka siya sa pag-uugali ko.

Pero hindi ko na dapat pang problemahin iyon. May mas malaki akong problema kaysa ang isipin ang iisipin ng iba tungkol sa akin.

But then, there were twists of events.

Parang bumalik lang sa dati. Napabalita na naman na kami talaga ni Sechan Russo ang  may relasyon matapos kumalat ang video nila ni Hope na mas kilala na ngayong Ramona na nag-uusap tungkol sa mga nangyari noong gabi ng party. It became a hot topic.

Pero ang mahalaga sa akin ay ang pagpabor sa amin ng sitwasyon.

Ang mga Russo ay nanatiling tahimik sa lahat ng kontrobersya. Kabaligtaran sa pamilya ko na sinasamantala ang pagkakataon upang umingay ang pangalan.

Ilang taon na ang lumipas. Tahimik ang lahat at nananatiling pabor sa amin.

Sa kabila ng mga nangyari ay mas napalapit pa kami sa mga Russo. Tanda ko pa, dalawang linggo matapos ang kaguluhan sa party ng mga Russo ay pumayag na din sila na muling makipagkita kila Daddy.

Nang pumayag ang mga Russo ay noon lang din ako muling kinausap ni Daddy. Doon ko mas lalong naramdaman kung gaano kahalaga na mapasaakin si Sechan. I need him.

At ngayong binigyan ako ng pangalawang pagkakataon, hinding-hindi ko na ito sasayangin.

I did everything I could just so Sechan will end up with me.

Desperate yes, but I've offered myself to him countless of times.

Pero habang tumatagal, lalo din siyang nag-iiba. For years, he had developed a strong personality, unlike before when he was in his teenage years. Nananatili lamang kalmado ang lahat dahil hindi pa siya umaalma. Pero natatakot ako sa posibilidad na magbago lang muli ang sitwasyon.

At hindi nga ako nagkamali. When Ramona came back, Sechan was undeniably hers.

Sinubukan kong ipilit ang sarili ko at pigilan silang dalawa pero sa huli ay ako pa din ang naiwang luhaan.

Paano ko nga ba naisip na mapapalitan ko si Ramona sa puso niya kung ni hindi nga niya ako matawag sa pangalan ko ng walang pormalisasyon.

"Another one please," I said to the bartender.

He gave me another glass of tequila and I drank it as quick as a blink of eye and then asked for another one.

Kanina, sa unang pagkakataon ay nakapasok ako sa opisina ni Sechan. See that? Sa ilang taon naming magkakilala ay kanila lang ako nakapasok sa opisina niya. Ilang beses ko ng sinubukan noon pero ni hindi niya ako haharapin. Kaya halos matawa ako sa mga balitang kumakalat sa amin.

They would put it in the news how close we were when the thruth is I can only hold him when we're attending some events as partners for the business. Very far from the fairytale love story you can read online.

I lost counts of the shots I made, not that I'm counting but I think I'm really really drunk right now. Dahil pakiramdam ko ay namamanhid na ako.

Somehow it's true that you'll get numb when you drink, kahit konti lang.

At iyon ang gusto kong maramdaman ngayon.

Marami akong kakilalang nakasalamuha kanina pagpasok ko sa dito sa Font pero ngayon ay mag-isa na lang ulit ako. Gaya ng lagi.

I don't have real friends I can lean on to, or even someone who can at least listen to me. Not even my family who's probably still not realizing I wasn't home yet.

I'm all alone. Nothing has come too close.

...

So Wrong Yet Feels So RightWhere stories live. Discover now