Chapter 6

158 3 0
                                    

Chapter 6

"Amanda ano ang ibig sabihin ng mga pangyayaring ito?!"

Halos mabingi ako sa sigaw ni Daddy.

Kanina pa walang humpay ang pag-iyak ko at walang kahit anong pagbabadya na titigil na ito.

Kanina, bago magsimula ang selebrasyon ay kinausap ko si Sechan. I told him that I love him.

Yes! I was already desperate.

Hindi lang isang beses kong nakita ang mga mata niyang tumitig kay Hope. At oo, takot na takot na ako. Takot na takot na ako dahil alam kong maaagaw na siya sa akin ano mang oras!

"Daddy... I'm sorry!" Halos magmakaawa ako.

Sa takot ko na maagaw sa akin si Sechan ay sinubukan kong higpitan ang hawak ko sa kaniya.

"Sechan... I love you. Please, let's make our engagement true..."

Para akong tangang nagmamakaawa sa kaniya. Hindi ko ugali ang magmakaawa. Pero kung ito ang tanging paraan para hindi siya mawala sa akin ay gagawin ko.

Ngayon lang ako nakagawa ng bagay na lubos na ikinatuwa ng mga magulang ko. Not when I topped my ballet class, not when I got medals, not when I got high grades... none of those made my parents so proud of me.

But when I got him, they did. Finally! My parents got so proud of me that they want to tell it to the world!

"Miss Vicencio, what are you saying? We don't have a relationship. We're purely business," Sechan replied making me so insulted.

"Sechan, we've been getting along so well for so long already! Anong masama kung tototohanin natin? Our parents would be even happy to hear that!"

To be honest, I do not know where I got those confidence and strength to tell him that.

I love him. He's the only one who can make me feel like this.

"I'm sorry miss Vicencio but I don't want to do that-"

"And why?! Bakit hindi, Sechan?!" sigaw ko.

May hinala na ako kung bakit pero ayokong tanggapin ang rasong iyon.

"Bakit? Sagutin mo ako! Si Hope ba?" halos pumiyok ako ng tanungin ko iyon.

Tsaka ko lang naramdaman ang mga luha na kanina pa pala dumadalos sa pisngi ko. I don't care! Mukha na siguro akong desperadang bruha ngayon pero wala na akong pakialam! Ang importante ay ang mabago ko ang isip ni Sechan.

"I like her."

Hah! Natawa ako. Iba sa totoong nararamdaman ko. Hindi ko alam kung bakit imbes na mas umiyak ay natawa ako sa sagot niya. Nababaliw na yata talaga ako.

He likes her!

Is this the end of my dreams? Hindi! Hindi pwede!

Iniwan ako ni Sechan mag-isa. Matapos niyang basagin ang mga pangarap ko ay iniwan niya lang akong mag-isa. Ano, pupuntahan ba niya ngayon si Hope? Sasabihin niya na na gusto niya ito at ang mga kumakalat na balita tungkol sa amin ay puro kasinungalingan lang?

Sinasabi ko na nga ba! Hindi tumitigil ang babaeng iyon sa kakasunod sa amin at ngayon nga ay nahulog na si Sechan sa kanya.

Bakit ganoon? Mukha namang mahal siya ng mga magulang niya. Hindi na niya kailangan si Sechan para lang matuwa sa kaniya ang mga magulang niya.

Pero ako... kailangan ko siya...

Noong una ay hindi ko alam kung kaya ko pa bang tumuloy sa party ng mga Russo. Naunang umalis sa bahay si Mommy at Daddy para maagang makapunta sa mga Russo. Talagang gustung-gusto nila sila.

So Wrong Yet Feels So RightWhere stories live. Discover now