Chapter 47

167 7 0
                                    

Chapter 47

"Lunch is ready!"

Lumabas mula sa kusina si Rafa na nakasuot pa ng apron. Right, it's almost twelve in the afternoon and I'm still here at home. Mukhang si Rafa ang nagluto ngayon para sa amin.

"So, the sleepyhead is awake now," bati niya sa akin.

Napataas ang dalawa kong kilay. I silently asked him 'what's going on' but he just shrugged his shoulders.

Nakayakap pa din si Jeremiah sa anak habang may ibinibida naman itong laruan sa kaniya. They seem so close to each other already!

Ngayon lang silang nagkadikit na dalawa at parang ayoko munang makisali. Ayokong agawin ang moment na ito na sa tingin ko'y para sa kanilang dalawa lang muna. Kay Rafa ako lumapit.

"Did you carried me to my room?" Baka kasi siya pala ang nagbuhat sa akin kagabi.

"No, he did," sagot niya sabay turo kay Jeremiah. I nodded slowly.

"Ginising ka?"

"Nope. Apparently I woke up then he brought you to your room."

"Anong oras siya lumipat?" tanong ko ulit. "He didn't. He stayed here and I don't think he slept," sagot ni Rafa.

Nagulat ako sa sinabi niya. "Talaga?" gulat kong tanong.

Tumingin ulit ako sa mag-ama at muntik na akong mapatalon sa gulat dahil nakatingin din pala sa akin si Jeremiah na ngayon ay kandong na si Jerico.

Napaiwas agad ako ng tingin at nagkunwaring tinutulungan ko si Rafa sa paglalagay ng mga kubyertos sa hapag. Natataranta ako kaya nagtutunugan ang mga hawak kong kutsara dahil kung saan-saan tumatama.

"Nervous, huh?" pansin pa ni Rafa. I rolled my eyes at him. "Shut up, Rafa," bulong ko.

Halos pabulong lang naman kami mag-usap kaya sa tingin ko ay hindi naman kami naririnig ni Jeremiah lalo pa at maingay ang anak.

"He looked more relax last night. Did you already talked?"

I nodded.

"I think he just stayed there the whole night. Nakatulog ako immediately sa couch when I transferred. I didn't bother to talk to him. Then I woke up and he's still just there," he said. "Mabuti na lang Jerico woke up early, they've been playing kanina pa," ani Rafa.

Oh, his Tagalog is getting better but still, conyo.

I pouted. Hindi ko tuloy sila nakita kanina. Ano kaya ang naging reaksyon nilang dalawa ng makita ang isa't isa? Kung maaga lang sana akong nagising edi sana nakita ko.

Umupo na kaming lahat. Rafa's on the center habang nasa gilid niya naman ako at nasa gitna naman namin ni Jeremiah si Jerico. Rafa told me that Fely went to the laundry shop.

"You'll go to work?" si Rafa.

Hindi na ako nakapagsalita pa mula ng magsimula kaming kumain. Tanging si Jerico lang ang kanina pa bumabasag ng katahimikan habang sinusubuan siya nj Jeremiah.

Umiling ako. Magpapaliwanag na lang ako kung bakit absent ako ngayong araw. Narealize ko na ayaw kong palagpasin ang araw na ito na unang beses na magbobonding ang mag-ama ko.

"I'll just explain on Monday-"

"You don't have to," si Jeremiah. Ngayon niya lang din ako kinausap pero kanina pa naman siya tingin ng tingin sa akin. Siguro ay masyadong nasasabik sa anak kaya ang buong atensiyon niya mula pa kanina ay nasa kay Jerico lang.

I silently demanded an explanation for what he just said. "I called them," he replied shortly.

Hindi na ako nagtanong pa. Nang balingan ko si Rafa ay may tingin siyang nanunukso. Inirapan ko na lang siya. Sa unang pagkakataon, sabay naming inalalayan ni Jeremiah sa pagkain si Jerico. Sa unang pagkakataon, naalagaan niya ang anak namin.

So Wrong Yet Feels So RightWhere stories live. Discover now