Chapter 27

147 5 0
                                    

Chapter 27

Nakahanda na ang mga pagkain sa lamesa. Nakaupo na din kaming lahat. Pasulyap-sulyap ako sa mga magulang ko at tumatantya ng tamang tiyempo para magsalita.

"Mommy, kumusta naman po kayo ni Daddy? We don't talk often, you must be very busy."

"Ah yes, hija. You know, just like before. Madami talagang kailangang ayusin kapag involved sa politics."

"Are gonna run again, dad?"

Hindi agad sumagot si Daddy kaya napalunok ako. Nang magsalita siya akala ko ay dapat na kong makaramdam ng tuwa pero...

"Well, I hope so. Gustuhin ko mang magfocus na lang sa negosyo ay tiyak na dudurugin lang tayo ng malalaking kumpanya. Kung sana ay hindi mo pinakawalan ang mga Russo  baka sakaling mayroon na tayong ibang plano ngayon. Baka ang iniisip na natin ay ang pagpapatayo pa ng iba't ibang branch," wika ni Daddy.

Napahinga ako ng malalim. It's been years, they're still at it.

"M-Masaya na naman po ata sila Sechan ngayon," napapahiya kong sabi kahit na ang totoo ay wala na din naman akong balita sa kanila.

"Well, that is not what matters to me. I'm concern about ours, our legacy, our reputation, our name... not their happiness," mariing wika ni Dad.

Napahinto na ako sa pagkain. Halos hindi ko na manguya ng maayos ang kinakain ko. Pinilit kong ibaling ang atensyon ko kay Jerico at inasikaso din ang pagkain niya.

Si Mommy ang nagsalita para siguro bawasan ang tensyon.

"I've heard you're working in a gallery, tama ba, hija?" tanong ni Mommy.

Her question is innocent but I can still feel a hollow on my stomach. They were not even sure to the things about me.

"Yes, Mommy. Tinuloy ko lang po yung naging trabaho ko sa France," sagot ko pa din. Pinilit ko ding ngumiti kahit pareho nama silang sa pagkain lang nakatingin.

"Pinakawalan mo ang tyansang mabuhay na para pa ding prinsesa, o baka nga buhay reyna pa para lang maging isang simpleng manggagawa." Umiling-iling si Daddy. Hanggang ngayon ay hindi pa din nawawala ang pagkadismaya niya sa akin.

Naalala ko kung gaano niya kagustong maging parte ng pamilya ng mga Russo. I tried, though... I tried. But we're not destined to be.

Tumingin si Daddy kay Jerico. He hasn't greet him or even hug him, yet. Nalulungkot ako para sa anak ko. I know the feeling of being unwanted. At ayokong maramdaman din niya ang ganoon. H'wag naman sana. Matitiis ko ang sa akin pero huwag naman sanang pati siya.

"Now you have a son... and we do not even know his father," patuyang sabi ni Daddy.

I bit my lips harder. Nag-uumpisa ng manginig ang mga kamay ko. Pinipigilan ko lang ding tumulo ang mga luha ko.

Pinanatili ko ang tingin ko sa walang kamalay-malay na di Jerico. Tahimik lang siyang kumakain habang inaalalayan ko at ni Fely na ramdam na din ang tensyon. Hindi na din niya naituloy ang pagkain niya.

"Fernando..." mahinahong wika ni Mommy.

I knew it. I'm not really welcome here, we're not welcome here.

Hindi ko din naman ugali ang ipagpilitan ang sarili ko sa mga taong ayaw sa akin, siguro noon siguro nga. May mga bagay akong ipinipilit kahit hindi nararapat. But then again, I've learned my lessons and grow so well as a better person. I now haw a different perspective in life.

Pero pamilya ko ito, e.

Kahit ilang beses ko nang naramdaman na ayaw nila sa akin ay uulit-ulitin ko pa din ang bumalik. Babalik at babalik pa din ako sa kanila kasi... pamilya ko sila.

So Wrong Yet Feels So RightWhere stories live. Discover now