Chapter 9

156 2 0
                                    

Chapter 9

Talagang nagulat ako ng malaman kung sino ang humila sa akin papalabas ng bar. Matagal ko na din ng huli ko siyang nakita. It has been years.

"What now?" I hissed when after the shock, I remembered that I am mad at them.

"You're making a scene inside," he answered. His voice got thicker than the last I can remember.

"And so? Why did you pulled me, huh? Bakit mo ako pinakikialaman?!"

He then looked disappointed. Umiling-iling siya na parang sobrang dismayado sa itinanong ko.

"Mas gusto mo ba na hinayaan na lang kitang mapasok sa gulo?" He's calm though.

"Kung oo, ano naman ngayon?" angil ko pa din. "Wait, aren't you supposed to be happy if that's the case? If it will be posted in a tabloid then it can be another evidence to prove on how your sister's better than me, right?"

Tama, siguradong matutuwa sila ng husto kapag nangyari iyon.

I wasn't active in social media for days now and if a news about me lashing out in a bar will broke, that would be another success for his beloved sister, Ramona.

"This isn't about my sister."

"Then what is it about?"

Hindi siya nakasagot. Ayoko ng pahabain pa ang walang kwenta naming usapan na ito. Umeepekto na din ang alak sa sistema ko at kung magtatagal pa ay baka hindi ko na mapigilan ang mga lalabas sa bibig ko.

Hindi ako nagpaalam sa kaniya at tumalikod na para maglakad papalayo. Kailangan ko ng maghanap ng taxi. Like the usual, I didn't bring my car because I already anticipated to be drunk... as always.

"Saan ka pupunta?" I heard Jeremiah Amoroso shouted. I didn't looked back to answer.

Kumaway-kaway ako para makakuha ng taxi. Masasabi kong eksperto na ako sa pagtataxi sa ilang taon ko nang ginagawa ito kapag ayokong magdrive. Daddy offered me a driver but I refused.

May hihinto na sana pero hind tumuloy ng may nauna ng sasakyan na huminto sa tapat ko.

Hindi pamilyar sa akin ang sasakyan kaya tumabi ako. Yun nga lang ay bumaba na ang bintana at sumungaw ang ulo ni Jeremiah. Ano na naman?

I rolled me eyes as exaggerated as possible just so he could see.

"Get in," utas niya.

At bakit ko naman gagawin iyon-
Oh! nang umatras ulit ako ay may naapakan akong bato kaya nawala ang balanse ko.

Shit!

Nakita kong nagmamadaling lumabas ng kotse si Jeremiah upang dumalo sa akin. Nagmadali akong tumayo para hindi na abutan ang tulong niya.

"Masakit?" tanong niya.

Hindi siya naghintay ng sagot at walang paalam na hinawakan ako at siya na mismo ang naghanap kung may sugat ba ako.

Parang may kuryenteng dumaloy sa katawan ko ng hawakan niya. Agad kong binawi ang braso ko.

"D-Don't touch me-"

"I'm just checking." Mabilis niyang depensa.

Alam kong nakatingin siya sa akin kaya nag-iwas ako ng tingin at tinaas pa ang isang kilay na parang may nakakainis sa tinitignan kahit wala naman. Medyo masakit lang ang puwitan ko dahil sa pabagsak na pagkakatumba.

"Gaano ba kadami ang ininom mo?"

One thing I observed about him, nagtatanong siya pero mukhang hindi naman naghihintay ng sagot.

Walang nagawa ang pagpupumiglas ko ng mabilis niya akong kaladkarin papasok ng kotse niya.

Masyado akong nagulat kaya pinapaandar na niya ang sasakyan ng makapagtanong ako.

"Ano ba? Ihinto mo nga ang sasakyan!"

He didn't listen. Tahimik siyang nagmaneho ng hindi ako pinapansin. Naupo ako ng maayos at sinubukang magrelax.

Hinayaan kong mapuno ang mga mata ko ng nagkikislapang mga ilaw sa daan.

I sighed.

Kahit halos hatinggabi na ay madami pa din ang mga tao sa kalsada. Probably workers with night shift. Sila kaya... alam ba nila ang direksyon ng buhay niya? Lahat ba sila, alam ang nakagagawa ng paraan para makuha ang mga bagay na gusto nila?

All my life I didn't worked hard the way the other people do.

Ang tanging pinaghirapan at pinaghihirapan ko lang ay ang atensyon at pagmamahal ng magulang ko. I thought I'll get that through Sechan but no... hindi pa.

Kaya ngayon, hindi ko na alam kung saan akong muli magsisimula.

Dalawang araw... dalawang araw na lang at kailangan ko ng umalis. Iyon ang naging solusyon ng pamilya ko para makaiwas sa iba pang iskandalo. Gusto nilang malayo ako sa mata ng mga tao pansamantala. Iyon din ang sinabi nila ng kausapin si Sechan. They want me abroad and they already gave me my one-way ticket to France.

No further explanations... they just want me away.

At ngayon hindi ko alam kung saan kami pupunta. Nagmamaneho pa din ng tahimik si Jeremiah. Gusto kong umapela pero wala din namang direksyon ang buhay ko, kaya bahala na lang hindi ba?

Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Nagising ako ng nagpapark na siya. Nasa basement kami pero hindi ako pamilyar kung saan.

"Where are we?" I manage to ask. Gusto ko sanang mariin ang pagkakatanong ko pero dahil kagigising lang ay naging malambot ang tinig ko.

Tumingin siya sa akin. Hindi puwedeng hindi ko mapansin ang malalalim niyng mga mata. Ang mga mata niya'y malalalim at matigas tignan. Parang laging may sikreto na hindi ko kayang languyin.

"My condo," he said.

His condo?

Nakita niya ang pagtataka ko kaya hindi ko na kinailangang magtanong pa para marinig ang paliwanag niya.

"You're asleep. Hindi ko alam kung saan ka nakatira. Late na din, so..."

Acceptable. Ako naman talaga itong nakatulog. At wala rin naman akong makapang reklamo sa katawan.

I don't know what's with me but I don't want to be alone tonight.

Hindi naman ako laging ganito. Madalas naman ay ako lang talagang mag-isa. It doesn't matter kung nasa condo o nasa bahay ako dahil lagi din namang umaalis ang mga magulang ko.

Pero ngayon, ayokong... mag-isa. Gusto kong may makasama... kahit ngayon lang. Kahit sino. Kahit kapatid pa ng karibal ko.

"Alright. So... what floor?" I asked. Nakita kong bahagya siyang nagulat.

I know, I know he's expecting me to burst our again and lash out on him, but no. For tonight, I wanna be with someone.

I wanna be with him.

...

So Wrong Yet Feels So RightWhere stories live. Discover now