Chapter 34

150 4 0
                                    

Chapter 34

Miyerkules, maaga pa lang ay abala na ang lahat sa gallery. Kaunti lang naman kaming kasama sa charity ball kaya mananatili pa din itong bukas ngayong araw.

"Yes, everything's ready," sagot ko sa kausap sa telepono. "Thank you, sir."

Everything's set. Kumpleto nang naipadala ang lahat ng paintings na ibebenta at i-dodonate.

Hindi ko na nakita ang mag-asawang Alcazar, siguro ay didiretso na lang sila sa party mamaya.

My phone beeped for a message. Kanina pa nga iyon tumutunog pero dahil marami pang inasikaso ay hindi ko pa natitignan, ngayon pa lang na natapos ko na ang lahat ng kailangan kong gawin. May tatlong missed calls galing kay Rafa at mga text naman galing kay Fely at Jeremiah.

Jeremiah:
Your car's ready tomorrow.

Jeremiah:
Let's pick it up tomorrow?

Fely:
Ate, dumaan po si sir Rafa kanina. Tinanong din niya kung ihahatid ka niya mamaya.

Isinara ko muna ang opisina bago ako nagrereply. Ako na lang ang naiwan dahil maagang umuwi si Janna. We're not required to report today as long as all our tasks were done pero pumasok pa din kami ni Janna para masiguradong ayos lang ang lahat.

Una kong nireplyan si Fely.

Ako:
I'll call Rafa. Thanks.

Sunod naman ay si Jeremiah. Sayang at hindi pa naayos agad ang kotse ko, edi sana ay may magagamit na ako ngayon.

Ako:
Sure. Thanks.

I stare at it for a while. Can we really be this normal? Ayos lang ba talaga ang ganito?

Pagkatapos kasi naming dalawa na mag-grocery ng magkasama ay medyo mas naging kumportable kami sa isa't isa... or should I say mas naging kumportable ako sa kaniya dahil hindi naman siya mukhang hindi kumportable sa akin.

Ilang beses niya din akong isinabay sa pagpasok sa trabaho. Tatanggi ako pero napipilit niya pa din sa bandang huli. Pero kahit na ganoon ay hindi ko pa din masasabing sobrang kumportable na ako sa kaniya. Madalas pa din naman kaming magka-ilangan.

Gaya ng inasahan ko ay marami ngang naging tanong si Janna kinabukasan matapos niya kaming makitang magkasama. Sinabi ko na lang na matagal na kaming magkakilala. Marami pa siyang tinanong pero hindi na ako naging kumportableng sagutin kaya nanahimik na lang ako at dinaan siya sa ngiti.

Hindi pa din nakikita si Jeremiah ngayong araw. Siguro ay hindi na din siya dumaan dito.

Habang naglalakad pababa ay sinusubukan kong tawagan si Rafa. Imbes na sa elevator ay mas pinili kong maghagdan na lang na madalas ko namang gawin.

Ring lang ng ring, pinatay ko na lang muna ang tawag at ibabalik ko na sana sa bag ko ang cellphone ng bigla itong nagring. Bahagya akong nagulat at saktong papababa pa ako ng isang baitang.

Muntikan na akong mahulog! Mabuti na lamang at may malakas na kamay ang humawak sa akin.

"T-Thank you," medyo may kaba ko pa ding sabi sa tumulong sa akin.

"Mr. Guttierez, ikaw po pala," gulat kong wika ng makita kung sino ang tumulong sa akin.

"Miss Amanda..." bati naman niya.

Binawi ko na din ang braso ko mula sa pagkakahawak niya. Nag-iwan ng pulang marka ang kamay niya sa braso ko.

Si Mr. Paulo Guttierez ay isa din sa mga investor dito sa El Tempo. Bata pa siya, siguro ay ka-edad ko lang o mas matanda lang ng isa o dalawang taon sa akin.

So Wrong Yet Feels So RightWhere stories live. Discover now