Chapter 24

146 6 0
                                    

Chapter 24

"By the way I'm Natasha. Natasha Tarasem but Nat is fine."

Nakatitig lang ako sa girlfriend ni Jeremiah. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Inilibot ko na lang ang tingin ko sa buong lugar pero wala naman talaga doon ang isip ko. The interior looks good but I can't appreciate it enough.

"Ah, Jeremiah's probably upstairs, he just finished taking a shower," Natasha smiled to me.

"O-Okay, ibabalik ko lang talaga 'to. Hindi ako magtatagal." Inilapag ko sa counter table ang dala kong bag.

"What's your name?" Nakangiting tanong sa akin ng girlfriend ni Jeremiah.

Hindi pa din ako makapaniwalang may girlfriend siya. At mas lalong hindi ko alam kung bakit parang nadismaya ako. Walang dahilan para madismaya o malungkot ako!

"Amanda... Amanda Setchel Vicencio," at nakikipagkilala pa ako ngayon sa girlfriend niya.

"Nat, who's that?" narinig ko ang pababang mga yapak. At kanino pa nga ba manggagaling iyon kung hindi kay Jeremiah.

"Amanda!" gulat niyang sabi ng makita ako. "What brings you here? Need anything?" magkasunod na tanong niya.

Kakaligo niya lang at itim na sando lang at short ang suot niya.

I bit my lip. Lalo kong nararamdaman ang hiya. Kung bakit ba kasi naisipan ko pang isauli itong mga lalagyanan niya, e!

"Ah, uhm... ibabalik ko lang sana 'to." Itinuro ko ulit ang pahamak na bag.

"Mmmm, did you like it?" aniya. Mukhang ako lang ata ang nakakaramdam ng awkward na hangin sa aming tatlo.

"Yeah, yeah!" tumawa pa ako ng kaunti para itago ang pagkapahiya sa pang-iistorbo sa kanila ng ganitong oras. "Masarap! Sobrang sarap nga, e. Napadami ang kain ko," I continued my awkward laughter.

"That's good. That's Natasha's favorite. Oh, I assumed you got to know each other?"

Awkward pa din akong tumango. Pwede na ba kong umalis?

"Yes, hon and I like her. I think we'll get along well," ani Natasha. Oh, really?

Gusto kong matawa sa sitwasyon na napasok ko. Gusto ko ng makaalis.

"That's good!" tumingin sa akin si Jeremiah. "She likes those who like her favorite," paliwanag niya sa akin. Tumango naman ako kahit na hindi naman ako interesado.

"I'll go ahead. Binalik ko lang 'tong baunan. Matutulog na din ako," sa wakas ay nasabi ko din.

Kahit na malaki naman ang space ng bahay ni Jeremiah ay parang nasisikipan ako at nahihirapan akong huminga.

"Aww, that's sad but it's okay. I hope this wouldn't be our last meeting? You live next door right? And by the way, are you okay? Jeremiah told me what happened in the restaurant," si Natasha. Mukha talaga siyang mabait at may bakas pa ng pag-aalala sa mukha niya. Ibang-iba sa nararamdaman kong parang gusto ko ng mangiwi.

And how I hope, we'd not meet again.

"Yup, I'm alright. I really need to go now." Please, paalisin niyo na ako.

"Oh, yeah sure. I'll send you off." Hinatid pa nga nila akong dalawa sa may pinto na malapit lang naman.

"Thank you, Natasha. And thank you, too Jeremiah for the food at sa kanina," sambit ko naman.

Mas lumaki ang ngiti ni Natasha habang tumango naman sa akin si Jeremiah. "Welcome."

Papasok na sana ako sa unit ko pero nagsalita ulit si Natasha.

So Wrong Yet Feels So RightWhere stories live. Discover now