Chapter 31

154 3 0
                                    

Chapter 31

Nagmamadali akong lumabas ng condo. Naging mapilit si Jeremiah at wala na akong nagawa kung hindi ang bumigay sa pangungulit niya kaya ngayon ay sabay kaming maggogrocery.

Umuwi lang ako saglit para panindigan na magpapalit nga ako ng damit bago magpunta sa grocery. Isang simpleng t-shirt at white shorts lang ang isinuot ko.

Sa harap ng building lang ako bumaba. Doon ko lang inihinto ang sasakyan ko dahil aalis din naman ako kaagad. Actually, Jeremiah suggested to just use his car but I refused to do that. Kahit naman walang ibang makakakita ay ayoko pa din na maging masyado kaming malapit sa isa't isa. Kahit na understanding naman ang girlfriend niyang si Natasha at mali pa din kung masyado kaming magiging malapit.

Nasa labas din siya ng kotse niyang agaw pansin. Hindi na ako nagsalita at sumenyas na lang.

I started my car's engine but it didn't worked. Oh my gosh! Don't tell me sira na naman?!

Sinubukan ko ulit itong i-start pero ganoon pa din. H'wag ka namang masira please. Wala pa akong pambili ng bago.

Hindi pa naman masyadong luma ang model ng sasakyan ko. Maganda pa nga ang takbo nito. Nabigla lang siguro dahil ilang taon ding hindi nagamit at ngayon ay araw-araw ko ng dala. Is that how it is? I'm not really sure.

Or maybe the technician hasn't just really figured out the real problem kaya paulit-ulit lang na nasisira.

I heard a knock on my window. Si Jeremiah.

Binuksan ko ito at agad pumasok sa amoy ko ang bango niya. Oh, stop it already Amanda!

"Sira ulit?" Maayos naman ang pagkakatanong niya pero parang bigla akong nakaramdam ng hiya.

"O-Oo, e. Working naman siya kanina." I tried starting my car again but still to no avail.

"I know some good technician if you want," suhestiyon niya pa.

I want to decline his offer again pero naunahan na niya akong magsalita.

"C'mon, it'd be a hassle to you if the problem wouldn't be fixed. I promised this is a good one," nagtaas-baba pa ang kilay niya na parang sinasabing huwag na akong magdahilan pa.

Bumuntong-hininga ako.

"Fine."

Totoo din naman kasi ang sinabi niya. Problema nga kung hindi pa rin maaayos ang kotse ko. Pinaayos na ito ni Auntie Roma noong kakauwi pa lang namin ng bansa pero nasira din agad at si Rafa naman ang nagpaayos ulit. But obviously, sira na naman. Kaya mabuti na din siguro na huwag na akong mag-inarte pa at pumayag na lang sa offer ni Jeremiah.

"Alright, I'll call them now," aniya.

Umayos na siya ng tayo at may kinalikot sa cellphone niya at ilang sandali pa ay may kausap na siya. Lumayo siya ng bahagya pero isang beses niya muna akong tinignan. Isinara ko na ang bintana ng kotse ko at lumabas na din. Iyong service center na siguro ang kausap niya.

Ilang sandali pa ay may mga dumating na para kunin ang sasakyan ko. At dahil nga wala na akong sasakyan ay napapayag na din ako sa alok ni Jeremiah na sumakay na lang sa sasakyan niya. I can take a cab but it would be an insult to him.

"Do you always buy your stuffs?" tanong niya ng nasa daan na kami.

"Yeah, ako na ngayon."

"Ngayon? So, dati hindi?"

"Well, it's me and Rafa. We share our expenses."

To be honest, this kind of light conversation with him is a breath of fresh air. I feel comfortable each time. Kaya nga delikado... delikadong masyado akong maging kumportable.

So Wrong Yet Feels So RightWhere stories live. Discover now