Chapter 16

165 3 0
                                    

Chapter 16

"Amanda, you're spacing out big time," Rafa commented.

Nabalik ako sa sarili. Hindi ko namalayan na pababa na pala kami. Ni hindi ko man lang napansin na nakapasok at nakalabas na kami ng unit ko! Ganoon ba ako kalutang?

"I'm just tired," pagdadahilan ko.

Why is he here? Dito din ba siya nakatira? Or maybe his girlfriend?

Para akong may nakaing mapait sa sariling dila. I shouldn't be thinking this way.

Malinaw na wala dapat akong pakialam kung ano man ang mga nangyayari sa buhay niya. All we have was just a one night stand. Nothing more than that. Not partners, not even friends I think.

Tanging si Jerico lang ang may koneksyo kay Jeremiah bilang ama nito. Bukod doon ay wala ng ibang nag-uugnay pa sa amin.

Sa tingin ko ay iyon nga mismo ang dapat kong pagtuonan ng pansin. Mas dapat akong kabahan sa kung ano ang posibleng mangyari kung sakali mang malaman niya ang tungkol kay Jerico.

Nagkaroon ng mahabang oras ng kuwentuhan sa bahay nina Auntie Roma pero buong oras yata ay halos wala ako sa sarili. They pointed that out but they thought that I was just tired.

Halos updated naman sina Auntie Roma sa amin kaya paulit-ulit lang ang iniikutan ng usapan. Lifestyle, works, Jerico. It was fun to reunite with them but I'm just to preoccupied. Idadgad pa na wala man lang akong natatanggap na reply mula sa mga magulang ko sa sinabi kong nandito na kami sa Pilipinas.

They wouldn't even bother, I guess. Hindi na ako nasanay. Umaasa pa din ako na kahit papaano ay naasabik silang makita ang nag-iisa nilang anak na hindi nila nakita sa personal sa loob ng ilang taon.

Humikab na si Jerico kaya nagdesisyon na din kaming umuwi na. Auntie, offered a room for us but I insist that we go home.

Si Rafa ay sa akin muna sasama para tulungan akong ayusin ang mga gamit namin pero bukas ay dito na siya sa kanila tutuloy.

"Oh, I asked your mom about your old car. Nasa service center pa pero bukas ay puwede ng kuhanin," ani Auntie Roma.

I'm really very touch by all auntie's effort. Hindi ko alam na pati ang sasakyan ko ay ipapaayos pa niya.

"Thank you so much, auntie. You really fixed everything," nata-touch kong sabi.

"It's nothing, hija. Of course I want you and Jerico to be comfortable. Lalo na si Jerico. For sure mag-asdjust siya lalo na sa weather," nag-aalala pang wika ni auntie.

Sasagot sana ako pero nauna ng magsalita si uncle... for the first time since we arrived here? I don't know.

"Dapat ay alam na niya ang tungkol doon, Roma," wika ni uncle.

Umiling ng isang beses si Rafa at alam ko na ang ibig niyang sabihin doon.

"Yes po uncle. Sisiguraduhin ko naman na magiging okay si Jerico," tanging sagot ko.

Pasalamat na lang ako at wala ng sinabi pa si uncle. Hindi ko alam kung bakit parang ayaw na ayaw niya sa akin gayong bilang lang naman sa daliri ang mga beses na nagkikita o nagkakausap kami.

"Anyway, auntie. We'll go ahead. Para makapagpahinga na din si Jerico," pagpapaalam ko.

"Oh, yes, yes. Rafa, you drive safetly okay?" bilin ni auntie.

"Yes, mom. Dad, we'll go ahead," halos labas sa ilong na paalam ni Rafa kay uncle.

I still hope that they can fix their issues. Afterall, he is still his father.

So Wrong Yet Feels So RightWhere stories live. Discover now