Chapter 17

157 4 0
                                    

Chapter 17

Ang akala ko ay si Jerico lang ang magaadjust sa buhay Maynila, ako din pala. Mas mahirap ngayon dahil wala na si Rafa para tulungan ako sa pag-aalaga kay Jerico.  Dumadalaw naman siya madalas pero iba pa din kaysa noong magkasama lang kami sa bahay.

Mag-iisang linggo na mula ng makabalik kami ng Pilipinas. Tapos ko ng ayusin ang lahat para sa paghahanda kong pumasok sa trabaho.

The gallery I am working with in France has a sister gallery here in Manila. Doon na ako papasok simula Lunes. Hindi ko pa alan kung mareretain ako sa position o kung maiiba ba.

Inasikaso ko na din ang tungkol sa mag-aalaga kay Jerico. Hindi naman ako nahirapan sa paghahanap ng mag-aalaga sa kanya dahil ang kinuha ko ay iyong pamangkin ng isang kasambahay namin sa bahay ng mga magulang ko. Dumalaw na ako doon noong isang araw kasama si Jerico pero wala pala doon ang parents ko dahil pumunta sa Bulacan para umattend ng kung anong meeting o seminar.

"Baby, you sleep na..."  kinarga ko si Jerico.

Kanina pa siya naglalaro at ako naman ay matiyagang nakaalalay sa kanya.

Padami na ng padami ang natutuhan niyang gawin. Minsan pakiramdam ko ang bagal ng oras, pero kapag mga ganitong pagkakataon ang bilis ng takbo ng panahon. Natatakot akong magising na lang isang araw na malaki na siya at marunong ng magtanong... at wala akong maisagot sa mga tanong niya.

Itinimpla ko na si Jerico ng gatas. Nakakamanghang tignan ang mukha niya habang sinusubukang matulog. Ang matangos niyang ilong, ang matambok niyang pisngi, nakasaradong labi at ang maliliit niyang mga mata. Hindi makukuha ng mga litrato ang paraan ang pagtingin ko sa mukha niya.

At habang tinititigan ko siya... hindi lang siya ang nakikita ko.

Tama at naging tahimik ang buhay ko noong mga nakalipas na taon. Pero hindi naman ibig sabihin na hindi sumasagi sa isip ko si Jeremiah kahit minsan... o madalas...

Habang nanganganak ako kay Jerico, siya ang naiisip ko. Habang hinehele ko siya, sumasagi pa din siya sa utak ko. Pero kapag nangyayari 'yon... pinipilit ko din siyang itaboy.

Malinaw naman sa akin ang lahat. Hindi sinasadya na mabuo si Jerico. At wala alam ko din na wala naman talaga siyang pakialam sa akin. Dahil kung meron, siguro naman ay gumawa siya ng pakialam para mahanap o makausap ako, hindi ba?

Oo nga at nagmessage siya sa akin noon pero, iyon na ba 'yon?

Kung kahit papaano ay mahalaga ako sa kanya... iyon na ba ang magagawa niya para malaman kung nasaan ako? At nang hindi ako sumagot sa mga mensahe niya, wala na siyang ibang ginawa. Patunay iyon na wala naman akong halaga sa kanya.

Hindi ko alam kung masasaktan ba ako para sa sarili ko... kung may karapatan ba akong masaktan. Ang sigurado ako... ay nasasaktan ako para sa anak ko.

Wala man lang alam sa kanya ang kaniyang ama.

Nagising ako ng maramdaman ko ang pagkilos ni Jerico. Isa iyon sa mga natutunan ko simula ng maging isang ina. Kaunting galaw o ingay lang nagigising na agad ako. Paranoid kasi ako noong mga unang buwan. Natataranta ako lalo na kapag umiiyak si Jerico.

"Hey, boo-boo," I greet my son. He smiled at me making me smile, too.

Ganoon lang lumipas ang mga araw. Simple lang at masaya kasama si Jerico.

Bukas ay Sabado na at dadating na ang mag-aalaga kay Jerico. Minabuti ko ng papuntahin siya ng mas maaga para maituro na din sa kanya ang mga dapat niyang gawin. Isasabay ko na din ang pag-gogrocery.

It will be a busy day for me starting tomorrow and onwards. Malungkot man pero hindi ko na naman makakasama ng buong araw ang anak ko.

Kinabukasan ay sinulit ko ang pagbangon ng mas tanghali kaysa sa nakasanayan. Ayos lang naman iyon dahil tulog pa din si Jerico ng magising ako. Malamig pa din naman ang simoy ng hangin pero nakikita ko na ang liwanag ng sumisikat na araw.

So Wrong Yet Feels So RightWhere stories live. Discover now