Chapter 22

151 5 0
                                    

Chapter 22

"I noticed you've been silent since we got here. Hindi mo ba gusto dito?"

Sinikap kong tumingin sa mga mata ni Jeremiah kahit na nahihirapan ako. Hindi ko naman talaga sinisikreto si Jerico. Hinding hindi ko gagawin iyon sa anak ko.

Hindi lang ako nagkaroon ng pagkakataong maging handa para ipagtapat iyon kay Jeremiah. Walang namamagitan sa amin. Natatakot lang ako na itanggi niya si Jerico. Lubos akong masasaktan kung may taong hindi matatanggap ang mahal kong anak. Lalung-lalo na kung ang mismong ama niya pa ito.

"Hey, Amanda... we go to some other-"

"I'm fine here. M-Maganda dito, may iniisip lang ako," halos manginig kong sagot.

Tumango siya pero hindi niya ako nilubayan ng tingin. Napapikit ako.

Naalala ko kung paanong muntik na sana niyang masilayan ang mukha ni Jerico kanina. "M-May kailangan kang malaman..." I intentionally paused not to give suspense but to get myself prepared for what I am about to say.

Huminga din siya ng malalim at napasandal sa upuan.

Napapagitnaan kami ng masasarap na pagkain pero wala pa ni isa sa amin ang gumagalaw para kumain. Hindi ko tuloy alam kung tama bang sabihin ko na agad ito sa kaniya o kung dapat ba ay hinayaan ko munang kumain siya. Baka mas maunawaan niya ang sasabihin ko kung busog siya.

Ah! Nababaliw na ako. Kung anu-anong dahilan na lang talaga ang pumapasok sa isip ko.

"Iyan ba ang kanina mo pa iniisip? Mukhang importante para manahimik ka ng ganiyan." Napalunok ako.

Nanunuyo na ang lalamunan ko pero nanghihina din ang kamay ko para abutin ang tubig na nasa harapan ko at inumin.

"Tama ka," I tried to sound formal and cold. I don't want him to see how afraid to let him know what I am about to say. "This is the most important for me."

He nodded.

"May kailangan kang makilala-"

Naputol ang mga sinasabi ko ng sunod-sunod na putok ng baril. Oh my gosh! Anong nangyayari?!

Agad na lumipat sa pwesto ko si Jeremiah at niyakap ako para takpan.

Isa pang putok ng baril ang narinig namin kasabay ng hiyawan ng mga tao.

"Tumawag na kayo ng pulis, bilisan niyo!" narinig kong may sumigaw na lalaki.

Inangat ako ang ulo ko mula sa pagkakayuko at nakita ka kung papaanong nagkakagulo ang lahat ng tao sa restaurant.

"Don't be scared. Nandito lang ako, Amanda," bulong sa akin ni Jeremiah. Pabalik-balik ang tingin niya sa akin at sa nangyayari.

"What's happening?" I asked him even when I know that he might have no idea as well. Pareho lang kaming nagulat sa nangyari.

"Tumawag na kayo ng pulis, ano ba?!" May sumigaw ulit.

Wala ng nagpapaputok ng baril pero nagkakagulo at takot pa din ang mga tao.

"Hindi ko din alam. But I think it's kidnapping," mahina pa ring sagot ni Jeremiah.

K-Kidnapping?!

Napatingin ako sa may pintuan ng restaurant kung saan sumesentro ang kaguluhan. May tama sa balikat ang isang guwardiya habang ang isa naman ay nagtatago sa likod ng isang lamesa.

Nakita ko kung paano nila sapilitang pinasakay sa dala nilang itim na van ang isang babae.

"Yes, yes. Pakibilisan please," I heard Jeremiah said. May kausap siya ngayon sa cellphone.

So Wrong Yet Feels So RightWhere stories live. Discover now