Chapter 18

162 3 0
                                    

Chapter 18

Hindi ko alam kung paano ko pakikitunguhan ang mga nagbabaga niyang mata. Wala akong masabi hanggang sa lumipat ang tingin niya sa kasama kong si Rafa.

"I need to go," mabilis na paalam ni Jeremiah at agad na lumakad paalis. Wala akong nagawa kung hindi ang titigan siya hanggang sa makaliko siya at tuluyang mawala sa paningin ko.

"I'm not sure if this is right but... ang laway mo ay tumutulo na," ngising-aso na asar ni Jeremiah.

"Damn you!"

Pero ng talikuran ko siya ay pinahiran ko pa din ng kamay ko ang bibig ko. Alam kong OA lang si Rafa pero malay ko nga ba kung tumulo na pala ang laway ko sa kakatitig kay Jeremiah.

Kotse niya ang gagamitin namin. "Do you have plans to tell him?"

I breathed heavily.

"I do. But I don't know how. Kita mo naman kung paanong parang hindi kami magkakilala kanina," malungkot kong sagot.

Lutang ako habang namimili kaming dalawa ni Rafa. Siya tuloy ang nagdesisyon sa halos lahat ng pamimilihin.

Nasa cashier na kami at halos mapamura ako ng umabot sa fifteen thousand ang pinamili namin. Damn, I was just trying to shop for a week long supplies! Anu-ano ba ang mga idinagdag ni Rafa? Talagang sinulit niya na wala ako sa sarili kanina.

I gave him a glare.

He knows I'm on a budget, how come he did this to me?!

Wala akong nagawa kundi ang bayaran ang ang mga pinamili namin ng labag sa loob ko. Nasa kotse na kami ng mabulyawan ko siya.

"You know I'm on a tight budget, Rafael!" I spat at him.

"I kept on asking you. You always agree."

"It's because..." hindi ko itinuloy. Kapag inamin ko sa kanya ang dahilan ay baka mas lalo lang niya akong asarin.

"You're distracted?" dugtong ni Rafa sa mga sinabi ko. Ang bwisit na ito!

"Tigilan mo na ako, Rafael! I have a lot of things to do. Magdrive ka na at gusto ko nang umuwi."

Salamat na lang at sa wakas ay nanahimik naman si Rafa sa sasakyan at nagfocus na lang sa pagdadrive.

Kung kaninang paalis kami ay nakabungguan ko si Jeremiah, ngayon namang nakabalik na kami ay nakikita ko siyang nakaupo sa may lobby at may kausap na magandang babae na mukhang dayuhan.

Parang may alikabok na pumasok sa mata ko at hindi ko maintindihan kung bakit ang hirap nilang tignan.

Napatingin sa gawi namin si Jeremiah pero parang alikabok lang din ako sa paningin niya. Mahirap tignan. Wala pa atang segundo at nilipat na niya ang tingin niya mula sa akin sa babaeng kausap niya.

Sino ba iyon at mukhang napakaimportante sa kanya at hindi man lang niya malubayan ng tingin? Bakit, girlfriend niya ba 'yon?

"Huh, masakit ba?"

Parang demonyitong bumubulong sa tenga ko si Rafa. Ang isang ito!

"Tss, d'yan ka na nga!" Binilisan ko ang lakad ko para maunahan si Rafa at makaiwas sa mga pang-aasar niya. Kaya lang ay mas mahaba ang biyas niya sa akin at mabilis niya akong naabutan.

Nasa elevator na kami paakyat ng magsalita siyang muli.

"Don't get mad, Amanda. They don't look like a couple. Maybe their talking about business."

Sa lahat ng sinabi ni Rafa ngayong araw ay parang sa sinabi niya lang ako natuwa. At bakit naman ako matutuwa? Hah, ano bang nangyayari sa akin?

Hindi na ako nagsalita pa. Mas mabuti pang kay Jerico ko na lang ilaan ang natitira kong enerhiya.

So Wrong Yet Feels So RightWhere stories live. Discover now