Chapter 36

148 4 0
                                    

Chapter 36

Bahagyang natigilan si Mr. Guttierez dahil sa sinabi ko.

Mukha nga atang sa hindi magandang dahilan niya narinig ang pangalan ko.

"Ah... I'm not sure if it is a bad reason for you but for me, I don't really think so. I think I've heard your name the first time in an event organized by the Russos? We were invited that night, too."

Sinasabi ko na nga ba. Malamang nga na dahil sa pangyayaring iyon lang ako posibleng matandaan. Kahit ata gustuhin kong kalimutan na lang na nangyari ang mga iyon ay hindi na talaga ito mabubura pa.

Naagapan man ang pagkalat noon sa mga tabloids and social media, nasaksihan pa din iyon ng lahat ng bisita noong gabing iyon. At kasama din pala noon si Mr. Guttierez.

Marahan na lang akong tumango. Hindi ko na alam ang sasabihin ko, e.

I have long moved on from that point of my life. Ang totoo ay hindi naman ako nasaktan noon dahil napahiya ako. Nasaktan ako dahil lalo lang lumayo ang loob sa akin ng mga magulang ko.

"H-Hey... I'm sorry. Did I made you upset? Sorry, di ko na dapat sinabi pa," alo ni Mr. Guttierez.

Tumingin naman ako sa kaniya at nakita ko kung paano magpabalik-balik sa akin at sa daan ang tingin niya.

Ngumiti naman ako ng bahagya.

"Hindi. I already know that I can be remembered because of that. I was then very childish and unfiltered. I always let my emotions ruled me," ani ko.

Totoo naman. Noon, kapag galit ako ay mabilis kong naipapakita na galit ako. Ganoon din kapag malungkot o masaya ako. Unlike now, may mga emosyong natutunan ko na lang kimkimin hanggat kaya pa.

"Well, I think we all have been in that pace. Isip-bata. But, the thing is, that doesn't mean that we cannot change that. Each one of us has the capability to change. We grow, we mature, we learn..."

Tumingin siya sa akin. Mas napangiti ako ng mga sinabi niya.

Kahit na hindi ko naman siya lubusang kakilala ay nakakagaan ng loob ang mga sinabi niya.

"Tama ka, Mr. Guttierez. Tama ang mga sinabi mo..." halos wala sa sarili kong utas.

Napatingin na lang ako sa labas ng bintana ay pinagmasdan ang isa-isang pagbagsak ng marahang ambon hanggang sa mas dumami na ito.

"Is it too much if I say that I prefer you call me by my first name? I noticed you're addressing me too formal."

Binalik ko ang tingin sa kaniya.

"Ayos lang naman. Kung iyon ang mas gusto mo," sagot ko naman sa kaniya.

"Thanks, then Amanda," aniya.

May ilang segundo kaming natahimik lang. May sampung minuto pa siguro bago kami makarating sa venue.

"Your family owns hotel too, right?"

I know that he is being careful in selecting topics. Ayoko namang isipin niya na napakarami ko namang isyu sa buhay na ayokong pag-usapan kaya sumagot na lang din ako ng maayos.

"Uh, yes. It's just a small business. Mas tutok ang parents ko sa politics," I said.

He nodded. "Ah, sabagay. It's hard to focus on both. Kaya nga si Dad ako ang pinapahawak sa ilang mga business niya. Palibhasa ako ang bunso, lahat ng ayaw ng mga kapatid ko sa akin ang bagsak," natatawa niyang kuwento.

"You said your family's involved in politics too, right?"

Ako naman ang nagtanong para naman mabaling sa kaniya ang topic. Baka kasi mas lumalim pa ang mga tanong niya sa akin at mahirapan na akong sumagot.

So Wrong Yet Feels So RightWhere stories live. Discover now