TAMIS 2

9.6K 549 569
                                    

   Hindi alam ni Aurea kung ano ang una niyang mararamdaman; ang mainis, madismaya o matawa sa mensahe ni Devin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

   Hindi alam ni Aurea kung ano ang una niyang mararamdaman; ang mainis, madismaya o matawa sa mensahe ni Devin. Basta kalokohan, sobrang aktibo nito.

    Gusto niya sanang magalit at magreklamo agad sa lalaking nagpabago sa takbo ng kaniyang buhay. Kung umasta kasi ito ay parang walang nangyari sa kanila ilang buwan na rin ang nakalilipas.

    Kunwari walang matandaan? Patay malisya lang?

    She looks familiar talaga.

    Paano ba naman makalilimutan nitong lalaki ang kaniyang pagmumukha? Maitsura naman siya. Nasa pagitan siya nang maputi at morena, bagsak din ang kaniyang buhok na lagpas dibdib na rin ang haba nito, may laban naman ang hubog ng kaniyang katawan at wala naman siyang mga piso sa balat.

    May dugong Espanyol ang kaniyang Lola kaya hindi maipagkakailang maganda rin siya kahit papaano. Higit sa lahat ay may nangyari sa kanila. Malaking factor iyon.

    Napakamot siya sa ulo habang binabasa nang paulit-ulit ang mensahe. Tila nag-aabang pa sa susunod na sasabihin ng binata.

    Binata niya puwet niya, sa loob-loob niya.

    Kung alam lang ng lalaki na magiging ama na ito, hindi siya sigurado kung makuha pa nito ang magbiro sa kaniya.

    Magtitipa na sana siya ng isasagot nang makita niya ang tatlong tuldok, hudyat na magse-send ulit ito ng mensahe. Naghintay pa siya ng ilang segundo para basahin kung ano ang sasabihin nito.

 Naghintay pa siya ng ilang segundo para basahin kung ano ang sasabihin nito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

    Nangunot ang noo niya sa nabasa.

    Bakit parang iba ang dating ng mga sinabi nito sa kaniya? Bakit parang alam nitong umiinom na siya ng gatas tuwing gabi? Bakit parang maamong tupa 'to ngayon? pagtataka niya.

    Sa pagkakatanda niya'y presko, makulit at bastos ang lalaking 'yon. Iniisip niya tuloy ngayon kung posibleng may ideya na ang lalaki dahil ito naman ang nagkalat ng something sa kaniyang kaibuturan kaya nagkaroon ng laman itong tiyan niya.

 Iniisip niya tuloy ngayon kung posibleng may ideya na ang lalaki dahil ito naman ang nagkalat ng something sa kaniyang kaibuturan kaya nagkaroon ng laman itong tiyan niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Pagsinta (Unang Tamis)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon