Devin Francisco 2

1.7K 130 23
                                    

O, nandiyan pa rin pala kayo?

Talagang desidido ang writer nito na ipagpatuloy 'tong mga kalokohan ko, ano? Sabagay, marami-rami naman akong oras para makapagkuwento sa inyo.

Hindi naman ako may-ari ng isang kumpanya para maging sobrang abala sa maraming bagay. Pero minsan iniisip ko na sana ganoon din ako kalupit para cool as fuck tayo.

At dahil isa lang akong ordinaryong mamamayan at dakilang ama, karga ko lang naman itong maligalig na bata na kanina pang nag-iinarte sa akin.

May trabaho kasi sa kabilang kuwarto si Aurea kaya ako ang in charge dito. Alas diyes ng gabi kasi ang shift niya hanggang alas siete ng umaga, eh nocturnal itong karga kong bata.

Isipin ninyoalas tres na ng madaling-araw pero mulat na mulat pa rin kaming mag-ama.

Alam n'yo na naman ang pangalan nito, hindi ba?

"Mag-hi ka nga sa kanila, Biskwit," utos ko kahit hindi naman makakasagot 'to kaya kinuha ko na lang ang isa niyang kamay para kumaway siya sa inyo. "Hi, I'm Owwy and this is my Daddy Pogi."

"Pa-pi," medyo bulol pa ang pagkakasabi nito bago ngumiti, pero wala pang limang segundo ay umiyak na naman 'to kaya niyugyog-yugyog ko muna para matahimik.

Oreo Francisco. Ganiyan lang talaga katipid ang pangalan ng tagapagmana ng mga utang ko.

'de, seryoso kasi. Ideya ko talaga iyon. 'di ba ang kyut naman no'ng naisip kong pangalan? Tapos itong si Aurea, Owwy ang naisip na palayaw para sa kaniya.

At itong two years old naming chikiting, "Papi" naman ang tawag sa akin. Ilang beses ko nang binabanggit at itinuturo sa kaniyang "Daddy" ang itawag sa akin pero "Papi" talaga ang lumalabas sa bibig niya.

Astig din naman kasi kahit papaano'y nakapagbibigkas na ng mga salita 'tong si Biskwit. Kung hindi "Papi", "Meow" naman. Dalawang salita pa lang kasi ang natututuhan niya.

Kita ninyo? Malaki talaga ang impluwensya ni Pusa sa anak namin.

Araw-gabi ba namang dinadalaw ni Pusa sa kuwarto si Oreo, kaya hindi na ako nagtataka kung bakit minsa'y nag-mi-miyaw na 'tong unico hijo ko.

Madalas nga'y tumatabi pa ito sa pagtulog at kahit kapag naglalaro si Oreo sa kuna niya.

Speaking of the litol devil kitty, nag-meow na naman ito habang nakatingin sa akin.

"Ano? Gutom ka na naman? Kumain ka na kanina, ah?" tanong ko rito pero gaya ng inaasahan ko, sumagot lang ito ng meow. Lumingon naman ako kay Oreo at nakita kong kasalukuyan itong nakatingin kay Pusa.

Aba, himala, tumigil sa pag-iyak.

Ibinaba ko muna siya sa kaniyang crib para makapag-stretching naman ako. Medyo may kabigatan na rin talaga 'yong anak namin tapos tumatanda na rin naman ako kaya hindi na rin awesome ang balakang at mga tuhod ko.

Ah, sandali lang. Parang alam ko na 'yang iniisip ninyo, ah?

Kapag lambingan na namin ni Aurea, active as fuck 'to. Alagang balut kasi, mga p're.

Teka nga, bumalik tayo sa topic kanina.

Sanay naman ako sa puyatan lalo na kapag may tinatapos akong trabaho. Tuloy pa rin kasi 'yong sideline kong pagga-Graphic Artist sa kumpanya ng British kong employer.

Nag-e-edit lang naman ako roon ng mga artworks. May mga kliyente kaming pet lover na nagre-request na ilagay 'yong ulo o buong katawan ng pinakamamahal nilang alaga sa isang costume.

Pagsinta (Unang Tamis)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon